Chapter Thirty Seven

2.7K 74 41
                                    

Marie

Malalim na ang gabi. Bandang alas dyes ay napagdesisyunan naming magpahinga na, pero 'di kami pinauwi ni Mireen. Kaya ang resulta, sa sahig kami natulog. May mga nakahandang bedsheet naman kaya kahit papaano ay nagkasya kami.

Nakita kong nakayakap sa isa't-isa sina Jake at Pat. 'Di pa kasi tinatanggal ang posas sa kanilang kamay. Humanda ka sa akin ngayon. Kinuha ko ang selpon ko at palihim na kinunan sila ng litrato. Back hug naman ang ginagawa ni Hunter kay Lucifer. Owemji. Yaoi! HAHAHA.

Magkatabi sila Fanny at Fieath, tapos si Kail, Caliyah, at Tamara naman ang sumunod. Buti na lang talaga at 'di ako nakatulog kaagad.

Teka, nasaan sila Mauricio at Calixto?

Dahan-dahan akong tumayo at bahagya pang napahawak sa ulo dahil sa tama ng alak. Hindi naman ganoon karami ang nainom ko, sadyang mahina lang ang tolerance ko dito. Naglakad ako papunta sa balkonahe ng unit. Lalanghap ng sariwang hangin. Hays.

Pagkatapos ng nangyaring pagkanta ni Mauricio, hindi na siya nagsalita pa pero hindi rin niya binitawan ang kamay ko mula sa pagkakahawak. Aaminin ko, kinikilig parin ako hanggang ngayon. I mean, nalaman kong pinsan lang ni Tamara si Mauricio at niloloko lang ako ni April na sabunutan si Tamara. Jusko. Ang dami kong maling akala sa araw na 'to. Buti na lang talaga at sinunod ko ang payo ni Fanny na magbibigay ng isa pang pagkakataon. She never fails to amaze me.

Babalik na sana ako ngunit may nakita akong dalawang pigura ng tao na nagiinuman, 'di kalayuan sa pwesto ko. Sila Mauricio at Calixto. Napakagat ako ng labi at sinubukang lumapit. Eavesdropping at this moment gano'n. My gosh.

"Sa palagay ko, panalo ka na," rinig kong sabi ni Calixto. Panalo saan?

Nanatili namang tahimik si Mauricio at hinayaang magsalita ulit si Calixto. "You got her heart. Pero bakit gano'n? Ako yung nasa tabi niya palagi. Whenever she's down, I do everything to make her happy. Whenever she's sick, I spend my whole day to take care of her. Whenever she's hurting, hinihiling ko palagi na sana ako na lang yung nagustuhan niya para 'di siya nasasaktan ng gano'n. Pero bakit ikaw? Kahit sulyapan ka lang niya, masaya na siya. Tangina."

Nilagok ulit ni Calixto ang bote ng alak. Ako ba ang pinag-uusapan nila?

"Ang unfair. Wala ka pang ginagawa pero panalo ka na kaagad. 'Di 'yon patas pre." Pumiyok sa bandang dulo si Calixto. He's crying. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak. And I think it's because of me. Nasasaktan ako, bilang isa ako sa mga matalik niyang kaibigan. Pero mas nasasaktan siya, dahil sa akin..

"Gusto kitang sapakin, alam mo 'yon? Hindi mo alam na nasasaktan mo na siya dahil sa kaduwagan mo. Dahil sa pagka-in-denial mo. Mahal na mahal mo nga, 'di mo naman masabi. Torpe."

"Bakit ikaw? Nasabi mo ba sa kanya?" tanong ni Mauricio. Nanatili ako sa likod ng kurtina at nakinig sa kanila.

"Kapag sinabi ko ba pipiliin niya ako?"

Kapag sinabi ko ba pipiliin niya ako?

Biglang nanubig ang mga mata ko. Sorry, sorry Calixto.

"Kapag inamin ko ba, mamahalin niya ako?"

Dumaan muna ako sa locker para kunin ang libro sa first subject. Pagkakuha ko neto ay diretso akong naglakad papunta sa room pero sa kasamaang palad at mapaglarong tadhana, may nakabungguan akong pogi. Shet. Ang haba na ng listahan ko emeygehd.

"Ay sorry sorry." Nakayuko kong pinulot ang libro pero nagitla ako ng may ibang kamay na humawak dito. Tumingala ako at tumitig sa kulay asul na mga mata ni koya, pati yung pink niyang labi na siguro mesherep heleken.

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now