Chapter Twenty Nine

2.2K 90 17
                                    

Marie

Napahinga ako ng malalim. Malapit nang mag 7:00, saan ako pupunta? Sinong uunahin ko? Pula? O puti? Daks o jutay? Size o Perfor— leche.

Waaaaaah! Naguguluhan na ako. (๑•́ ₃ •̀๑)

"Happy Birthday Marie! Salamat sa pakain!!" ani ni Fanny habang nakatingin ako sa labas.

"Salamat. Hays."

"Tamlay mo ngayon ah, hindi mo ba nagustuhan 'yong surprise namin?"

Ibinalik ko ang tingin sa paligid. Kaya pala hindi sila pumasok kahapon para bumili ng mga disenyo para sa birthday ko ngayon, aaminin ko, ang saya-saya ko kasi, first time kong magganito. Pero, dahil sa ginawa ng dalawang lalaki sa akin kahapon, hindi ako nakapag-iisip ng maayos. (T^T)

"Maganda, masaya. Pero, waaahh!!"

"Ano bang problema?" tumingin ako sa kanya sabay pout.

"Si Calixto, inaya niya akong lumabas ngayong 7:00, sabi ko oo. Kasi wala naman akong gagawin. Pero pagpunta ko sa room, nakita ko si Mauricio, nakaupo sa upuan ko. Ta's bigla niya akong nilapitan, sabay sabing 7:00 din daw sa Park, mag-hihintay daw siya kahit 'di ako dumating. Naguguluhan na ako! Waaaaahh!"

"Hmm. Pag-isipan nating mabuti." humawak siya sa quadro chin niya, at bahagya pang umalog ang abs niya sa pisngi.

"Sino ba ang mas matimbang sa dalawa?" tanong niya.

"Hindi ko alam." sagot ko. Totoo naman eh. T_T

"Kaano-ano mo si Calixto?"

"Kaibigan ko."

"Eh si Mauricio?"

"Uhm, amo ko?"

"Amo?"

O may gashsldqnsiakxxjs. Hindi nga pala nila alam!!

"A-ah w-wala wala. K-kaaway! Oo! Kaaway!" jusq. >//////<

"Hm. So one point na kay Calixto. Sino ang mas una mong nakilala?"

"Si Mauricio." diba? Diba? Saksi siya ng mahulog ang panty kong mas maharot pa sakin. T^T

"One point na rin kay Mauricio. Eh eto, last question, anong nararamdaman mo kay Calixto?"

"Nararamdaman? Hm, masaya, masarap siyang kausap, palaging nanlilibre, ta's ang tingin sa akin parang nakababatang kapatid. All in all, para ko siyang kuya. Gano'n."

"Eh kay Mauricio?"

"Kay Mauricio, uhm..." tumingin siya sa akin ng may kakaibang ngiti.

"Ano ka ba?! 'Bat ka nakatingin ng ganyan?"

"'Bat 'di ka agad makasagot?"

"Aba m-malay ko." iniwas ko ang tingin sa kanya. Pakshet. Ano nga ba ang nararamdaman ko kay Mauricio? >///////<

"Kinikilig ako tuwing nilalapitan niya ako, lumalakas ang tibok ng puso ko tuwing nandiyan siya, natatameme ako tuwing nag-aalala siya tungkol sa akin. Hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko para sa kanya."

"Narinig ko 'yon."

O________O

Sinabi ko 'yon ng malakas?? Waaah! >/////////<

"Gusto mo siya." sabi niya sabay ngiti.

"G-gusto ko siya? Parang ang bilis naman yata."

"Alam mo Marie, ang pag-ibig, walang siguradong oras. Isang araw malalalaman mo na lang, nahulog ka na pala nang hindi mo alam ang dahilan."

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now