Chapter Thirty One

2.3K 83 14
                                    

Marie

Mabilis na lumipas ang mga araw, 2020 na. Charot. Lunes na mga bes! Tapos na ang birthday ko, tapos na ang suspension. Ngena. Pero okay na 'yon, atleast nag-enjoy ako noong Friday, hays.

Napangiti ako habang inaalala yung nangyari. Shet.

"Hoy Marie! Ngiti ngiti mo diyan?" nagitla ako sa sigaw ni Pat at muntikan na siyang mahampas.

"Staph! Leche, muntik mo na akong mahampas!" sigaw niya sa akin. Nagdeday dream ako luh.

"‘Wag mo kasi akong guluhin. Kitang seryoso yung tao. Tsk. Asan na ba sila?" tanong ko sa kanya. Sino pa nga ba? Edi yung dalawang pang itlog.

Lumabas na yung dalawa mula sa tinitirhan naming apartment. "Ang tagal niyo ah." angil ni Pat.

Tsk. Flat na nga mainipin pa. GrrRr.

"Eto kasi si Fanny, hindi maabot yung sapatos niya. Yuko ng yuko, naiipit yung bilbil kaya ayan, wala." napairap ng mata si Fieath habang nakatingin kay Fanny. Umirap naman ang huli sa kanya.

"Tumigil na nga kayong dalawa, pumunta na tayo! Lezzgo!"

...•...

Mabilis kaming nakarating sa YsU, hindi naman kasi masyadong malayo yung school mula sa apartment namin. Mga isang oras lang. Pag lalakarin. Gets?

Nagpaalam ako sa kanilang tatlo at dumiretso sa room. Pagdating ko doon ay nakita ko ang mga kaibigan ni Mauricio na nagpupulong sa gitna ng room. Nandoon din si Kail at Caliyah. Except kay Calixto. Nasaan kaya siya?

Sila lang yung tao— este, kami lang yung tao sa room. Ano bang nangyayari?

"Oy Marie! Nandito ka na! Dali!" sigaw ni Caliyah sa akin. Tinuro niya yung katabi niyang upuan.

"Anong meron?"

"Shh. Makinig ka na lang." wala akong nagawa kundi umupo na lang sa tabi niya.

Gahd, I'm so clueless sa nangyayari.

"Biglang nagdeklara ng Basketball Rematch ang Bluestone University, it was unexpected, kaya hindi naging handa ang mga players natin ngayon. Kung susumahin, tayong apat lang ang pwede. Pero alam niyo namang lima ang kailangang miyembro para makapaglaro. If we lose this chance by default, wala na tayong pag-asa na makalaban ang Darkstone." seryosong saad ni Mauricio. Siya yata yung team captain ng basketball team ng Yellowstone.

Marami na akong naririnig sa kanila. Magaling, maangas lalo na sa court. Tanging ang Darkstone lamang ang hindi pa nila nakakalaban. It's a good team too.

"Kaya lang natin yung Bluestone, but we need a recruit or someone na marunong, or kahit hindi basta lalaki." suhestiyon ni Hunter. Nanatiling tahimik si Lucifer at tumingin kay Kail. Tumingin naman si Hunter kay Kail at sumunod si Jake. Pinakahuli si Mauricio at kaming dalawa ni Caliyah. Oo nga no?

"H-hoy! Ano yang mga tingin na 'yan? ‘Wag niyong sabih—"

"Get the uniform ready, now!"

"NOOOOOOOO!!!"

...•...

"Yellowstone! Yellowstone!"

"Bluestone! Bluestone!"

"Go fafa Mauricio! AaaaaaaAaAAAaaah!"

"Go Rydell babess! Whoooo!"

Sari-saring sigawan ang narinig ko pagpasok namin ng gym. Kadalasan galing sa mga babaeng maiikli ang shorts na parang nasa bar. Todo make-up pa na akala mo sasalubong sa mananalong team. Magkabato sana kayo sa kidney. Grr.

Diary ng Walang PantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon