Chapter Thirty Six

2.2K 81 5
                                    

Marie

Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama. Napagod na akong umiyak eh. Tsaka ba't iniiyakan ko 'yon? Hindi niya deserve luha ko diba? Tang*na.

Napatugtog ko na lahat ng kanta sa playlist ko. Naubos ko na rin lahat ng stock namin sa ref. Hindi parin ako okay. Ang hirap mag move-on. Lalo na't wala namang naging kami. Ang bilis ng pangyayari. Noon, in love na in love ako sa kanya. Ngayon, aba'y ewan ko na lang.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Ang daming tanong na gumugulo sa utak ko. Maling-mali naman if I left it unanswered. But, how can I ask? Do I have the courage to ask all of this? Aaminin ko, pagod na 'ko. Pagod na pagod na akong umasang magkakagusto rin siya sa akin. Siguro,  it's better to not answer this questions. Ayoko na.

Bumukas ang pintuan ng kwarto namin. I saw Fanny entering with a bunch of junk foods in her arm. Oy, english. Screenshot niyo nga. Minsan lang eh.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at inantay na makalapit siya sa akin. "I know you're not okay." She smiled at me, handing one of the junk foods. English ulit. Paki screenshot thnx.

"Advice, give me advice," pambubungad ko sa kanya. She's not wearing her prosthetics anymore kaya lantad na lantad sa harapan ko ang maganda niyang pangangatawan.

Fanny is the best hero for me. Mahirap nga lang gamitin. Tamang dive lang muna sa tower. Feeling magaling guma— ay, ibang Fanny pala 'yon. Fanny is the best when it comes to advice. Lahat ng salitang lumalabas sa bibig niya, tumatatak sa amin eh. Nangre-realtalk, pero 'yon naman ang tama diba?

"Susuko ka na ba?" she asked. Hindi ako makasagot. Hindi ko rin naman alam ang isasagot.

"Wala akong maayos na maia-advice sa'yo pero, hold on for one last time. Ask what you want to ask. Listen to his side. Nakaka-isang maling akala ka na tungkol sa kanya, gusto mo bang ihantong sa puntong totoo na yung maling akala mo? And when that time cames, 'yun 'yung oras na wala na. Wala ka nang pag-asa. Ngayong gabi, talk to him."

Should I really ask him? Susubukan ko, ulit. Bahala na.

Naalala ko ulit ang sinabi niya. Ngayong gabi?

"Ano meron mamayang gabi?"

"Look at your phone." Tiningnan ko ang cellphone ko na nasa bedside table.

"Oh tapos na."

"Tingnan mo nga." Tiningnan ko ulit. Niloloko ata ako nito eh.

"Wala naman ah!"

"Dapak Marie. Let's start your trip. Open your phone. Go to messages. Read Mireen's message to you and close the phone. Gawin mo na!" Tinawanan ko na lamang siya.

Binasa ko ang message ni Mireen. Birthday niya pala ngayong araw! May private celebration daw siya mamayang 7, sa isang KTV Bar. Paniguradong makikita ko si Asungot doon. But it's for the sake of my heart diba? English ulit.

-

Medyo maingay pagkapasok namin sa loob. Well, what do you expect? Pero buti naman at walang naglalaplapan sa gilid. Mga professional yata ang mga tao dito. Pumasok kami sa elevator. Invited sila eh. Baka naroon din yung mga kaibigan ni Mauricio. Nandoon din daw si Caliyah at Kail. Pati rin si Calixto.

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now