Chapter Twenty Six

2.7K 100 38
                                    

Marie

"'Wag Mauricio! 'Wag kang sumama kay April!" napaluhod ako sa paanan niya habang umiiyak at hinihigit ang suot niyang khaki shorts. Malapit na lang mahuhubad ko na 'to.

"Hindi Marie, sasama na ako kay April! Siya ang gusto ko!"

"Sige! Sumama ka sa kanya! Magpapakamatay ako!" biglang nagkaroon ng kutsilyo sa kamay ko at agad ko namang itunutok ito sa dibdib ko. Ang di nila alam, plastic lang yung kutsilyo.

"'Wag! Huwag mong gagawin 'yan!"

"Kung ganon mamili ka sa amin, ako o si April?" tinuro ko ang babaeng nanonood lang sa amin mula kanina. Gara din nito. Pati sa panaginip ko umeeksena.

"Ako Mauricio!" rinig kong sigaw ni April kaya pinandilatan ko siya ng mata. Mamatay ka na!

"S-si.." kitang-kita sa mukha ni Mauricio na nahihirapan siya. Ganyan nga! Mamili ka sa aming dalawa!

"Ano na Mauricio? May hinihintay pa ba tayo? Bakit di ka agad makapili sa amin?"

Napalunok siya at pumikit. "Si Kail ang pipiliin ko!"

"WAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGG!!!!!" napabalikwas ako ng bangon at agad na napahinga ng malalim. Hoo! Panaginip lang pala!

Inilibot ko ang paningin sa paligid at nanlaki ang mga mata ng makita si Mauricio at Kail na naghahalikan.

"NOOOOOOOOOOOOO! WAAAH! HINDI PWEDE 'TO! BAKIT SIYA! WAAAAAAHH! AYOKO NA!!!"

"Huy Marie! Nananaginip ka lang!" napabalikwas ulit ako ng bangon habang hingal na hingal. Totoo na ba 'to?

"Nasaan ako?"

"Luh, natulog lang nagka-amnesia na?" tinapunan ko ng tingin ang nagsasalita. Si Caliyah pala.

"Baka panaginip lang 'to!" binatukan niya ako na ikinabigla ko. Putek!

"Aray! 'Bat ka nambabatok?"

Tiningnan niya ako ng masama. "Para patunayang gising ka na. Kapal mo rin! Anong hinahalikan ni Mauricio si Kail? Aba! Aba! Mamamatay muna ako bago niya yon magawa!"

Owemji, nasabi ko pala 'yon. Shet, ang samang panaginip. Hayuf.

"Ah." napakamot na lang ako sa ulo. Hays, salamat lord! Panaginip lang! Hallelujah! Hallelujah!

"Oh, kumain ka." inabot niya sa akin ang isang mansanas. Kami na lang palang dalawa ang nandito.

"Nasaan sila?"

"Naghahanap ng pagkain at signal. Mamaya na daw tayo maguumpisa ulit sa paglalakad."

Tumango na lang ako. Ansama talaga ng panaginip na yun hayf. Mas gugustuhin kong gising na lang habambuhay kaysa yun ang bumungad sa pagtulog ko. Grr.

Isang minuto ang lumipas at dumating na sila. Napaiwas naman ako ng tingin kay Mauricio. De ke elem. Pere kenekeleg eke.

"Uy, Marie, kumain ka na ba?" napalingon ako kay Calixto. Kahit kailan talaga ang bait ng isang 'to.

"Tapos na. Ikaw?" tumango lang siya.

"O siya! Let's start walking na!" pakembot na tumayo si Kail at naunang maglakad.

"Hintay bebe ko." pang-aasar ni Caliyah at kumapit pa kay Kail. ≧∇≦

"Bitaw! Ugh! Nakakadiri ka!"

"Pakalalaki ka na kasi bro!"

"Oo nga, swerte ka diyan kay Caliyah oh!"

Ang iingay pala ng mga kaibigan ni Mauricio maliban kay Lucifer. Tahimik 'yun eh. Ang sama ng pangalan, kabaliktaran sa ugali.

Diary ng Walang Pantyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن