Chapter Thirty Five

2.1K 78 17
                                    

Marie

Nakanguso ako habang iniintay ang tatlong bugok na itlog na lumabas ng bahay. Pupunta kami ngayon sa mall, bibili ng damit para sa Christmas Ball this coming Friday. Pag mall talaga, naaalala ko yung suntukan namin kasama sina Mauricio. Kaso parang 'di na mauulit 'yon. Ayoko nang umasa muli.

Pagkatapos ng inakala kong date kasama si Mauricio na iniwan din ako sa huli, hindi na niya ako kinontak. Ay, sino nga ba ako para kontakin? I'm just his bodyguard. 'Yon lang ang role ko in the first place. Pero ako 'tong marupok, nahulog at 'di na makaahon.

Calixto came, nagpunta ulit kami sa peryahan like the first time he saved me. I don't know why, but I wish, it should be Calixto. Sana kay Calixto na lang ako nagkagusto. But what do you expect? We know nothing about love and destiny. Hindi natin alam kung paano sila gumalaw. Kung paano nila kontrolin ang oras at pagkakataon.

Kung ito na talaga, edi sana maging masaya siya kay Tamara. Speaking of the devil.. Malaking palaisipan pa rin sa akin ang babaeng 'yon. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at walang nai-kuwento si Mauricio sa akin. Ah basta. May naaamoy akong iba sa kanya. She's the kind of person na hindi mo mapagkakatiwalaan unang kita mo pa lang. Gano'n.

"Marie, let's go," sabi ni Fieath na kalalabas lang. Nakasunod sa kanya sina Fanny at Patricia. Kumusta na kaya ang mga 'to? I miss them so much.

Tumayo ako at niyakap silang tatlo. Ewan ko paano kami nagkasya. Basta malaki pa rin si Fanny. HAHAHA.

"Namiss ko kayo! Huhu."

"'Wag kang mag-alala, we don't feel the same," pang-aasar ni Pat. Kinurot ko na lamang siya sa tagiliran.

"Namiss ka rin namin pandak," rinig kong sabi ni Fanny. Masama ko siyang tiningnan ngunit 'di ako bumitaw sa yakapan naming apat.

They're still the best buds I know.

-

"Ano daw ang theme ng Chrismas Ball ngayon?" tanong ni Fieath. Abala kaming lahat sa pagtingin ng mga damit sa boutique na pagmamay-ari nila. Yaman eh. Sarap mang buraot. Siyempre, libre niya 'to sa amin.

"Disney."

Napalingon ako kay Fanny. "Legit?"

"Yep. Kapopost lang sa main facebook page ng YsU." Kahit kailan talaga ang dali niyang makasagap ng chismis at balita, lalo na 'pag pagkain. Huehue.

"So sinong disney princess gagayahin niyo?" tanong ni Pat. Gumuhit ang ngiti sa akin labi.

Snow White? Not bad.

Agad akong naghanap ng masusuot sa boutique. Wala pang isang minuto ay may nakita kaagad akong gown na kagaya ng kay Snow White. From the color and clothe, pati linings at design kuhang-kuha. The best boutique ever.

Kinuha ko ito at napalingon sa kanilang tatlo. I think Pat is picking Aurora as her costume. Hawak nito ang isang pink gown na kumikinang sa ganda. While Fieath, si Belle ng Beauty and the Beast. I wonder who the beast is. Huehue. Si Fanny naman, si Ursula ng The Little Mermaid. De joke lang. She's holding the dress of Cinderella. Isang kindat lang ang ginawad namin sa kanya.

"LET'S TRY THIS ON!"

N

akalapit na kaming tatlo sa dressing room nang makita namin si Fanny na parang nagdadalawang isip.

Diary ng Walang PantyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα