Chapter Fourteen

3.8K 123 30
                                    

Marie

Naalimpungatan ako ng makarinig ng ilang boses. Pero hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil sa labis na silaw. Nanatili akong nakapikit at nagpapanggap na tulog.

"Kuya! Tumatawag si Daddy! Pauwi na raw siya!" boses ng isang babae. Feeling ko wala ito sa tatlong bugok na itlog, sino siya?

"WTF?! Akala ko ba umalis si Dad?!"

"Di ko knows. Sabi niya 'yun kanina. Akala ko rin na bukas na siya uuwi."

"Sh*t. Dapat hindi niya malaman na nandito si Marie!!"

"But why? Akala ko ba pinakilala mo na siya?"

"The hell are you saying?!"

"Wait lang, sagutin mo muna 'tong tawag!"





Shet. Nasaan ako?!!!! At bakit, bakit ko naririnig ang boses ni Asungot? Nasa bahay ba nila—

Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang di namin namalayan ang oras. Gabi na pala!!!

"Oh sh*t! Hindi ko napansin ang oras!" diretso kaming tumayo ni Asungot at dali-daling lumabas pero natigilan kami ng makarinig ng kaluskos. Galing sa pintuan na nasa harapan namin ngayon.

"Fvck." tiningnan ko si Asungot at nakita kong namumutla na naman siya. Hahaha. ≧∇≦

"T-ttingnan mo kung ano!!" tinulak niya ako palapit sa pintuan.

"Kung ikaw kaya ang lumapit?!"

"Sino ang bodyguard dito? Do your Job!!" wala akong nagawa kundi lumapit sa pinto at diretso itong binuksan.

Biglang may tumama sa mukha ko na mabigat na bagay at bigla na lang dumilim ang paningin ko.

⊙_⊙ oh my ghad!!!! Naalala ko na!! Nag-usap kami ni Asungot sa rooftop, hindi napansin ang oras kaya dumiretsong tumayo at pumunta sa pintuan palabas, ng bigla ko itong buksan at tinamaan ng kung anong bagay na nakapagpawala sa ulirat ko. Juice colored! Baka inakala nilang patay na ako! Kailangan kong dumilat!

Iglap lang ay para akong bangkay na muling nabuhay dahil sa biglaan kong pagdilat at diretso sa pag-upo.

"OH SH*T!!!" sigaw ni Asungot at bahagyang napaatras. Natakot yata ang bakla. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot?

Muntik pa siyang mapasubsob sa tiles na floor at hinawakan ang dibdib. OA si koya.

"The fvck! 'Bat bigla ka na lang umuupo?!" hindi ko siya pinansin bagkus itinuon ang tingin sa babaeng nakaupo sa gilid ko. Baka ito yung kapatid ni Asungot. Nakangiti ito sa akin ng malapad.

"Hi! I'm Wizeth Mireen Hernan, cute sister of Whesley Mauricio Hernan, nice to finally know you!" inilahad niya ang kamay sa akin at nakipag-hand shake. "Marie Deguzman. Hehe."

Inilibot ko ang tingin sa kwarto pati sa hinihigaan kong kama. Infairness, ang lambot. Tsaka, parang amoy Asungot. Teka, kwarto niya ba 'to?! Napansin ko ang abstract painting sa dingding na kulay black, yung puting book shelf na punong-puno ng libro, at puting couch saka itong kama. Maaliwalas ang kwarto at sure akong sa kanya 'to dahil sa brep niyang nakita kong nakaipit sa drawer na katabi ng kama kanina. Nakita ko pagupo ko ng diretso. Hihi.

"Nasaan ako?"

"Nasa bahay ka namin. Pasensya na sa pagsuntok ko sayo kanina. Akala ko talaga ibang tao. Hehe." napangiwi siya sa akin at bahagyang kinamot ang batok.

Suntok lang 'yon?

"Hehe. O-okay lang." sinipat ko ang oras. Pasado alas nuebe na pala. Napansin ko rin ang titig ni asungot habang may kausap siya sa cellphone.

Diary ng Walang PantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon