Chapter Twenty Seven

3K 92 18
                                    

This chapter is dedicated to xEnchantedPurplex Eto na! ^o^

Marie

Miyerkules. Last day of suspension. Jusko, isang araw na naman ng ka-boringan. Waaaaaah, naubos na data ko sa kase-search kung anong pwedeng gawin kapag walang magawa. Ang sabi dapat gawin ang gagawin kung walang magawa kasi baka hindi magawa kapag hindi gagawin ang gagawin. Hayp. Pakiintindi please. ≧∇≦

In english, *ehem ehem*... You have to wake up. Cheret.

Sensya na, boring kasi talaga. Yung mga ex ko di na nagchachat, wala naman talaga kasi akong ex. #AsumerangWalangPanty

Pati mga boyfriend ko, fictional character parin. Awts. Huhuhuh.

"Oy Marie, birthday mo na pala sa Friday, magpapakain ka ba?" awtomatikong binalot ko ang katawan ko ng sariling kamay dahil sa sinabi ni Fanny.

"Hayuf ka, magpapakain ka diyan! Di ako pokpok no!" jusko, magpapakain? Never! Kay Mauricio.....oo, cheret. Hihi.

"Gaga. Dumi ng iniisip mo! Ang ibig sabihin ko kung magpapahanda ka?" umirap ito sa akin bago binalik ang atensyon sa inaayos na buhok. Taray nitong dambuhalang balyenang 'to. Sarap ibalik sa tubig.

Napaisip ako sa sinabi niya. Kung magpapahanda ako, sino namang iimbitahin ko? Kapagod magluto. Wala naman akong problema sa pera, kasi hindi pala pumayag si Tito Wilhelm na tanggalin ako bilang bodyguard ni Mauricio. Tsaka para daw hindi na ako makatanggi pa, pinadala niya diretso sa bank account ko ang paunang katas. Cheret. Sweldo. Kayo naman, humor 'to, hindi romance. Huehue. ≧∇≦

Kung magkano? Php 500 000. Shookt ako! Gosh. Pang-isang buwan daw yon. So pag isang taon akong magseserbisyo bilang bodyguard ni Mauricio, aba, milyonarya na ako non!

Naiimagine ko na ang sarili ko habang nakahiga sa limpak-limpak na salapi at pinapaypayan pa ako ng pera ni Mauricio. Hihi.

"Hoy! Natulala ka diyan, ano na?" napatingin ako sa kanya at umiling.

"Hindi na siguro. Simpleng selebrasyon lang, gumala na lang tayo sa araw na 'yan."

"Sige, bet ko 'yan. O siya, alis na kami. Be a good dog. Arf arf!"

"Umalis na lang kayo! Bwisit!"

Grrr. Lapain ko sila eh.

Cheret, di ako kumakain ng balyena, flat na gulong at lubak-lubak na bibingka no. Feeling ko nga sa aming apat ako ang pinakamaswerte. Pandak lang ang tanging imperfections ko.

Di ako nakasuot ng panty ngayon. Ang init ng panahon. Baka dumating si Mauricio, para diretso na. Aba! 'Wag ng magpatumpik-tumpik pa! Taas mo lang yung damit then voila!

Joke lang. Keye nemen. ^o^

"Yah...yah yah.....Kalimutan mo na yan, sige sige maglibang—"

Nabigla ako sa pagtunog ng ringtone ng selpon ko. Nice ringtone. Hahaha. Cheret.

"Oh hello?"

"Marieeeeeeee!!!!" agad kong nilayo sa tenga ko ang selpon dahil sa sigaw ni Ate. Kahit kailan talaga, parang nakalunok ng mega phone 'tong babaeng 'to. Amp.

"Bakit ate?"

"Kumusta ka na diyan?"

"Okay lang. Kayo ni Tatay?"

"Okay lang ako, pati si Tatay. Salamat nga pala sa pinadala mo sa amin ha. Ang laking tulong non Marie. Baka wala nang natira sa'yo diyan?"

Napangiti ako. Buti naman. Sana tuloy-tuloy na 'to. Pinadala ko kasi sa kanila ng buo yung pera, tax free.

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now