Chapter Two

9.5K 271 78
                                    

Marie

Bigla kong naalala yung mga araw na nagpanty ako. Huehue.

Flashback

“Pasensya na... Kung papatulugin lang muna.. Ang pusong napagod, kakahintay..” Sinasabayan ko ang kanta ni Moira habang nakatulala sa bintana ng kwarto ko. Mahahalata ang itim na bilog sa ilalim ng aking mga mata. Bahagya rin akong humihikbi.

“Baka sakaling, makita kitang muli.”

Pinahiran ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi.

“Marie? Anong nangyari sa'yo?”

Rinig kong tanong ni Ate sa likuran ko. Tinigil ko muna ang kanta bago humarap sa kanya.

“W-wala na kami Ate. I-iniwan na niya ko.”

Nag-uunahan na dumaloy ang luha mula sa aking mga mata. Ang sakit. Ang sakit sakit maiwan ng taong minahal mo ng lubos.

Kumunot ang noo niya at hinawakan ang mga balikat ko.

“Una, walang nang-iwan sa'yo. Pangalawa, WALA. KANG. BOYFRIEND.”

“Ay grabe siya oh.”

Inirapan ko na lang siya. Hapding-hapdi na ang mga mata ko sa Vicks tapos ganun lang yung reaksiyon niya?! Tangnajuice lang ah.

“Ano bang pakulo 'to ha?” natatawang tanong ni Ate.

Kumuha muna ako ng tissue at pinahid ang marka ng lapis sa ilalim ng mata ko. Lapis lang yung ginamit ko. Kunyari binugbog este eyebags. Oo! Eyebags kaya 'yun.

Nagtataka kayo? Ako nga rin eh. Paano magsusuot ng bag yung mata? Ang sakit kaya nun. Ambigat pa naman ng bag. Luluwa yung eyeballs mo pag sinubukang mong lagyan ng bag yang mga mata mo.

“May audition kasi ate ng PGT dito sa probinsya natin. Balak ko sanang sumali,” sagot ko habang nakatingin sa taas. Pansin ko naman ang pagngiwi niya sa akin. Bwisit 'to. Kapatid mo rin ako! Kapag panget ako, mas panget ka!

“Pilipinas Got Talent?”

“Hindi. Pabebe Got Talent.”

“Ha?”

“HADUKE—” akmang babatukan na ako nito ulo kaya agad kong iniharang ang kamay ko sa kanya.

“ETO NA NGA. 'WAG KA NAMANG MAMBATOK,” nakangiwi kong tugon. Umirap siya sa akin. “Ayusin mo lang.”

Tumikhim muna ako bago nagsalita ulit. “Pabebe Got Talent, at hindi ako nagjojoke. Mga manloloko lang ang may kayang gawing joke ang love.” Hindi ko alam kung anong koneksyon ng love sa pinagsasabi ko pero hayaan mo na lang. Tutal wala ka namang jowa.

“Tss,” napairap siya sa akin. Aba! Totoo naman talaga eh! Diba? Sumagot ka? Nagpakatanga ka nga diba? Aminin mo yung totoo!

Umirap din ako sa kanya. 'Di ako magpapatalo sa irapan no. Nanalo pa nga ako ng Best in Iraping sa school namin. Iraping yung ingles ng irapan.

Nagawa ko kasing ipakita yung puti ng mata ko sa loob ng isang oras. Oo! Ang 'di nila alam, sinapian talaga ako no'n. Pero okay lang, nag-enjoy naman ako sa loob ng balete. May balete kasi sa school namin. At doon ako pinapunta nung babaeng nakaputi na sumanib sakin.

Sa kabutihang kamay, nakalabas ako. 'Di daw kasi puwede kapag wala kang suot na panty. Kaya nga nanalo ako eh kasi wala akong suot-suot na panty nun. Palda pa naman ang uniform namin kaya ang presko sa pakiramdam.

Fast Forward

Kinakabahan akong pumunta sa stage. Ngayon na ang araw ng contest sa Pabebe Got Talent, at ako na ang magpeperform. Pinagpapawisan na ako ng malamig habang hawak-hawak ang mic na binigay nila sa akin kanina. Ang 'di nila alam, hindi ako kakanta. Naloko ko sila. Huehue.

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now