Chapter Sixteen

3.2K 104 46
                                    

Marie

“Calixto?” Napatingala ako sa taong nakabangga ko kanina lamang.

“Anong ginawa nila sayo?” Hindi ko mapigilan na maiyak at yakapin siya. Bahala na. Libre chansing tol. Tigas.

“N-nagpagupit ka?”

Nanatili akong umiiyak habang nakayakap sa kanya. Ewan. Di ko mapigilan. Tsaka, pakiramdam kong ligtas ako sa kanya. Naramdaman ko ang hininga niya sa uluhan ko. Mga six footer kasi eh. T_T

"Gusto mo ba resbakan ko sila?"

Siguro napansin na niya na ginupit ng mga asong 'yon ang mahaba kong buhok. “'W-wag na.”

"Marie!" napabitaw ako ng hawak sa kanya nang makita ko si Asungot na humahangos papunta sa pwesto namin.

Napansin ko ang pag-aalala sa mga mata niya pero bigla itong nawala ng makita si Calixto. Anong nangyayari? Ang intense ng tinginan ng dalawa. May past ba sila? Naging sila ba? Oh no, bakla sila?!

Binalik niya at tingin sa akin at padabog na pumasok para kunin ang bag.

"Ang panget mo."

Ouch.

Wala akong imik at tinanaw ang likuran niya habang papalayo sa aming dalawa ni Calixto.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na humihikbi na naman ako. Shet. Ano ba 'to?! Bakit nagiging iyakin ako? Tsaka ano namang pake niya kung panget ako? Sino ba siya ha? Akala mo naman ang gwapo!

Pero, pero bakit masakit? Ang kirot sa dibdib. Huhuhuh. Ano ba 'to? Ang alam ko sanay na ako sa mga ganyan pero bakit ang sakit pagsabi niya kanina?

Please explain this to me, readers. ╥╯﹏╰╥

"'Wag ka ngang umiyak. Hali ka, gala tayo!"

Hindi na ako nagreklamo at nagpadala na lang sa paghila niya sa akin. Bahala na. Basta ang alam ko, kailangan kong malimutan si Mauricio ngayong araw. Forget him, just today Marie.

Sumakay kami sa dala-dala niyang sasakyan.

"Teka, nasaan nga pala si Caliyah?"

"Ah, nandoon na sa bahay. May emergency kasi."

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa lugar na first time kong napuntahan.

"Waaah! Perya!!!"

"You like it here, don't you?"

Napatingin ako sa nakangiting Calixto. Aaminin ko, ang gwapo niya talaga.

"You're road." ani ko.

"You're what?"

"Hahaha. Joke lang, habulin mo ko!!!"

Tumakbo ako palayo sa kanya habang tumatalon-talon. This is it Marie! Move on kahit na walang kayo!!!

Hindi ko napansin na malapit na pala sa likuran ko si Calixto at bigla na lamang niya akong niyakap. Enebe. ≥3≤

"Wahahaha! Nahuli kita!"

"Tama na! Nakikiliti ako! Hahaha! Shet!"

Natumba kami at nagpagulong-gulong sa damuhan. Madaming tao ngayon sa perya pero parang wala silang pake. Sabagay, focus sila sa games eh.

Wait, speaking of games.

"Calixto, libre mo ko doon!"

Nginuso ko yung larong gusto kong laruin.

"Anong *nguso*? Kiss?"

"Hindi! Tss. Kapal mo! Halika ka na nga!" hinigit ko siya at tinayo.

"Takte, ang bigat ng itlog mo!"

Diary ng Walang PantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon