Chapter Twenty Two

3K 106 33
                                    

Marie

"Oh, anyare sa'yo?" bungad ni Caliyah matapos makapasok sa room. Second period na at umalis na si April kanina. Buti nga 'no. Kahit na mabait siya ay 'di dapat ako magpadala sa mga smile niya.

"Nakangiti ka ah. May nangyari ba?" ngumiti siya sa akin na parang nang-aasar.

Nangyari? Waaahh!! May nangyari nga, pero di ko sasabihin sa kanya. Hihi. Akin na 'yon no. Kahit na parang minanyak niya ako sa sitwasyong iyon. Pero gah, ang haba na ng buhok ko. Buti na lang talaga at hinayaan niya lang ako na umalis pagkatapos niya ilapit yung mukha niya.

"Malala ka na, Marie." napatingin ako kay Caliyah na kasalukuyang nakalagay ang kamay sa braso ko.

"Hindi 'no. May naalala lang." sabi ko habang nakangiti ng malaki. Hihi.

"Hay, wala akong makukuhang sagot sa'yo. Nandiyan na si Ma'am Cinderella."

Napa-ayos ako ng upo at naghanda para sa bakbakan with Ma'am Cinderella. As usual, nanghingi agad siya ng papel. Iba talaga si Ma'am, terror kung terror. Sarap gilitan sa leeg.

Matapos iyon ay agad namang nagpaalam si Caliyah kasabay ang iba pang estudyante. Hays. Sana hindi lumipat si April dito! Sana hindi!!

"Good morning class, bago tayo magsimula, mayroong changes na ginawa ang council ng YsU. Napagdesisyunan namin na pumili ng mga estudyanteng magiging permanent na kabilang sa section natin. Ibig sabihin, hindi na nila kailangang lumipat pa. At hanggang sa katapusan ng semester ito mangyayari."

Yes!!! Whoo!! Sana masama si Caliyah!!

Nagsigawan rin pati ang mga estudyante sa room.

"So here's the official students of section Snow. Caliyah Hoter, April Cortel, Calixto Hoter, Mauricio Hernan, Kail Roldan—"

"Ma'am, Kailee po. Kailee." pumasok ang isang bading at diretsong umupo sa likuran ng katabi kong upuan habang naiwan pa ang ibang natawag sa pinto. Grabe siya oh.

Nagpatuloy sa pagtawag si Ma'am ng mga permanenteng estudyante ng section namin.

"Hi, Kailee Roldan nga pala. Nice to meet you."

"Marie Deguzman, nice to meet you too. Taga saan ka?" ngumiti ako sa kanya ng malaki. Ang gwapo shet, kaya lang bakla. Jusko. Andami na talagang sayang ngayon!

Nakita ko pa ang pagpilantik ng mga daliri niya at sinuri kung nasira ba ang polish nito. Arte ng bakla.

"Taga Mexico."

"Waaah! Foreigner ka?"

"Mexico, Pampanga Marie. Hahahaha!" napasimangot ako. Tss. Akala ko pa naman foreigner talaga. Gash. Naloko ako 'don ah.

Earth: Matagal ka ng niloloko, ngayon mo lang napansin? Martyr ka na ba talaga Marie?

Tumahimik ka! Bwisit.

"And Janna Isabel, that's all. Welcome to section Snow students."

Pinapasok na ni Ma'am sina Caliyah na agad namang tumakbo at tumabi sa akin.

"Marieee!! Waah! Classmates na tayo!"

"Waaah! Masaya rin ako!!" yinakap ko siya at yinakap niya rin ako pabalik.

"Marie!"

"Calixto? Woah, akala ko ba mas matanda ka kaysa kay Caliyah?"

"Mas matanda nga, pero sabay lang kami 'no. Hahaha." umupo siya katabi ni Kailee. Napansin ko namang nag-fist bump ang dalawa. Huh?

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now