Chapter Twenty One

2.9K 119 10
                                    

Mixxiey, blue-ray_irish, deydream_queen, natawa ako sa mga comments niyo. Hahaha. Anyways, maraming salamat sa lahat ng nag vote at nag-add ng librong 'to sa mga libraries and reading lists nila. At dahil diyan, mas dadalasan ko ang update. Pwera nga lang kapag wala akong load. Hahahaha.

Enjoy!

Marie

Talaga nga palang maganda ang bahay ng isang mayaman. Ang gara ng bahay nila oh. May pa-garden si Mayor sa gilid, tas may swimming pool pa. Pati yung mansion nilang may tatlong palapag. Sarap hagisan ng granada bwisit.

Pero kung anong ikinaganda ng bahay nila ay siya naman ikinapanget ng taong kasabay ko ngayon. Leche.

"Ano na Marie? Tutunganga ka na lang diyan?"

"Eto na! Maglalakad na. Tss. Parang bakla 'to. Kung hindi lang kita gusto. Naku naku!"

"Wala akong narinig."

"Bungol ka kasi! Bungol!!" umirap siya sa akin at naunang maglakad.

O, diba. Bakla?

Napailing na lang ako at sinundan siya. Tsk tsk. Sayang.

"Welcome back Young Master Mauricio." sabi nung butler pagkarating namin sa entrance ng bahay nila. Pak, may butler. Gara talaga. Papa-adopt kaya ako 'no? Anong plano readers?

"Ihatid mo siya sa silid ni Dad Butler Tan." ani ni Maurico at dumiretsong umakyat sa kwarto niya. Tss. Suplado.

"Dito po tayo Ma'am." iginiya ko ni Butler Tan sa opisina ng Dad niya. Infairness, nasa 70's na si Butler Tan pero ang liksi parin kung kumilos.

Kung sa labas ng bahay nila ay bongga na, mas lalong bongga sa loob. Grabe! Kulang na lang mag-ulan ng ginto dito sa loob. Whoo! Yung mga antique furnitures, mga mwebles, tapos malaking family picture.

Bata pa si Mauricio dito, wala pa si Mireen. Katabi ni Mauricio ang tatay niya at may magandang buntis na babae rin sa picture. Siguro ito yung nanay nila. Ang ganda. Kulay tsokolate ang mga mata nito na tinernuhan naman ng brown na buhok. Sa kanya siguro namana ni Mauricio ang tsokolateng mata. Kay Mireen kasi ay kulay abo. Nakita ko nung una akong napatapak dito sa mansyon nila. Namana niya sa tatay niya.

"Ma'am?" nagitla ako ng tawagin ako ng Butler. Akala ko ako na lang mag-isa. Huehue.

"Sorry po." sinundan ko ulit siya sa paglalakad hanggang sa narating na namin ang opisina ng Daddy ni Mauricio. Ewan, di ko minemorize yung daan. Bahala na.

Kumatok ng tatlong beses si Butler. "Sir Wilhelm?"

Ahh. Wilhelm pala pangalan ng tatay niya. Silent L sa helm readers. (Wilhem)

"Bukas yan Butler." binuksan ni Butler Tan ang pinto at bumungad sa akin ang mala library na opisina ng tatay ni Mauricio. Woah, office ba talaga 'to?

Ang daming libro! ( ♥ω♥)

Halos di ko mapigilan na ilibot ang mga mata sa loob ng opisina ng Daddy niya. Grabe, as in ang dami talaga!

"Mahilig ka sa mga libro iha?" napalingon ako sa likuran. Si Sir Hernan pala.

"Ah, opo opo. Hehe. Magandang araw po Sir."

"Tito na lang."

"S-sige Tito." kakapalan ko na mukha ko. Hihi.

"Lahat ng librong 'to ay paboritong basahin ni Wanda. Ang aking asawa."

Wanda. Ganda ng tunog. Bagay na bagay silang dalawa.

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now