Chapter Eighteen

3.1K 122 27
                                    

Marie

"Okay ka lang ba?"

Napalingon ako kay Fieath. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa YsU. Wala pa namang oras, o mas okay sabihin na maaga pa kami. Nasa kaliwa ko siya, habang ang dalawang bugok na itlog ay katabi niya.

"Oo. Bakit?"

"Parang ang tamlay mo."

"Hayaan mo na."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ewan. Parang nakikibagay yata ang mood ko sa panahon ngayon. Huwebes. Makulimlim ang langit. Sana lang ay hindi umulan.

Wala namang nangyaring kakaiba sa gala kuno namin ni Calixto, as usual, nilibre niya ako. Sakop na 'yun always 'no. Hindi mo mapipilit ang isang tao kapag di mo sinabing libre. Hays.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa harapan ng YsU. Hindi naman ako dinudugo pero ang tamlay-tamlay ko talaga ngayon. Huhuhuh. Bwisit kasi 'yan si Asungot, di ba naman ako patulugin kagabi. Oo. Nakita ko siya nung time na hinigit ako ni Calixto. Last chapter beh. Backread ka muna sa itaas. Nakakunot ang noo niya. Pero di nakatingin sa akin, kundi sa kamay kong hawak ni Calixto. Nagseselos ba siya? Ewan, parang imposibleng mangyari. Pero naniniwala ako na,

"Not everybody shows love the same way. Not everybody is romantic. Don't assume love is not there just because that person didn't show it the way you wanted to."

Malay mo diba, palihim siyang naghihintay sakin. Although hindi naman siya si Jiang Chen para habul-habulin ko. Gash.

Pabebe na kung pabebe, basta nasaktan ako sa direct to the point na pagsabi niya. Hala ikaw, anong mararamdaman mo kapag sinabihan ka ng crush mo na ang panget mo, naku naku. Hindi lahat ng babae kaparehas ni Xiao Xi. Na tiniis kahit direct to the point ring sinabi ni Jiang Chen na hindi niya ito gusto.

Tsaka, hindi naman ako hoping. Basta pag may nangyari ulit na masasaktan na naman ako, bibitaw na ako. Bitaw agad, wala nang patumpik-tumpik pa.

Hays. Para kang tanga Marie. T_T

"Marie!" napalingon ako sa paligid nang may marinig na tumawag sa pangalan ko. Ay takte, iniwan ako ng tatlong bugok na itlog sa gate!! Bwisit.

"Marie dito!" tumalikod ako at nakita ko si Calixto na tumatakbo palapit sa akin.

"Hooo! Buti na lang at naabutan kitang nakatunganga rito. May nangyari ba?" tanong nito sa akin habang hinihingal.

"Wala. Wala. Wala."

"Hindi kapanipaniwala. Tss." hinigit niya ako sa kamay at sabay kaming pumasok sa YsU.

Kung saka-sakali ba, si Calixto ang Wu Bo Song ng buhay ko?

Gash Marie, aaminin ko na. Nanood ako ng A Love so Beautiful kagabi kaya di ako nakatulog. Kaya ang tamlay ko ngayon. Drama-drama lang 'yang sa itaas. Hahahaha.

"Bakit tayo nandito?" dinala niya ako sa Cafeteria.

"Papakainin ka. Hindi ka nag-almusal right?"

Paano niya nalaman? Manghuhula ba siya?

Hindi na ako sumagot bagkus ay tumango na lang. Iniwan niya ako sa pintuan ng Cafeteria at dumiretso papunta sa counter. Pagbalik niya ay dala-dala na niya ang isang burger at juice.

"Oh eto, cheap pero nakakabusog."

Tinanggap ko na lang 'yon at agad na nilantakan.

"Busog ka na?"

"Hm." tumango ako sa kanya.

"Halika na, hatid na kita sa room niyo."

Haay. Inhale, exhale...Ibalik ang hype na si Marie!!!! Tandaan mo, nakalimutan, or should I say na sinadya mong hindi magsuot ng panty kaya walang mangyayaring kamalasan ngayon! Whoo!!!

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now