Chapter Twenty Three

3K 123 59
                                    

Marie

Sabay kaming naupo ni Caliyah pagkarating sa gym. Kasabay sina Kail at Calixto na nakasunod lang sa amin. Gash, kung lalaki lang talaga 'tong baklang 'to baka pag-agawan pa namin siya ni Caliyah. Ang gwapo kasi eh. Jusko. Sayang na sayang talaga!

"Oh? Tingin-tingin mo diyan? Nagandahan ka na ba sa akin? Ahaha!" umirap ako sa kanya. Assumera din pala 'tong baklang 'to. Maasar nga.

"Hindi. Ang gwapo mo kasi."

Umarte siyang parang naduduwal. "Eww. Yuck. Hindi ako gwapo, dyosa ako! Dyosa!" sabi niya sa matinis na boses.

Hay, bakla nga. Tumingin na lang ako sa stage kung saan sila nagpapractice. Baka mamaya malaman ko na lang na sila na pala ni Mauricio at April. Grr. Di man lang ako nakapag-confess. Although wala naman talaga akong balak. Siya parin dapat ang first move!

Tahimik ang buong gym dahil kwarenta lang naman kaming nandito, kabilang si Ma'am. Nung umakyat na sa stage ang mga bida, biglang sumigaw si bakla.

"Go mga fafa! Lalo na yung pitong yummy! Dodoblehin ko sahod niyo mamaya! Hihi."

Tumingin kaming lahat sa kanya. "What?! Ganyan na ba talaga ko kaganda para pagnasaan niyo?" sabi niya sabay irap. Jusko, sarap ipatapon sa Mars nitong baklitang 'to. Uwagan nga bayot.

Yung sinasabi niyang pitong yummy ay yung gaganap ata na seven dwarves. At talaga naman mga adonis ang mga taong 'to. As far as I remember, their names are Theo, Devin, Syler, Wrath, Quincy, Iun and El. Ang pinakacute para sa akin ay si Iun. Waaaaaah! Singkit kasi eh! Tsaka matambok ang pisngi! Sarap hawakan at kurutin!

"Hay, ang gwapo nung isa oh Marie." tukoy ni Caliyah 'don sa lalaking may pulang buhok.

"Si Wrath 'yan."

"Actually, silang lahat nga."

Kulang na lang maghulmang puso ang mga mata namin ngayon habang nakatingin sa kanila. Pero mas lalong lumundag ang puso ko nang umakyat na si Mauricio sa stage. Shet. Ang gwapo talaga! Huhuh!

Bakit ganun? I was supposed to hate him because of what he did to me last day pero parang nawala yata lahat ng hate feelings ko sa kanya nang nakita ko siyang ngumiti. NGAYON.

Waaaaaaaaaaahhhhhhhh! (灬♥ω♥灬)

Yoko na! Ugh! L(*OεV*)E

Hihihi. Lande ko na ata. Try niyo rin kasing di magpanty. Huehue.

Nagsimula na silang mag rehearse. Grabe ang batuhan ng linya, pak na pak! At magaling rin palang umakting si April, akala ko kalandian lang sa katawan ang taglay niya. Grr.

Dumating na sila sa part kung saan nakain na ni April ang pulang mansanas. Dahan-dahan siyang nahilo at napahiga sa lapag. Hanggang dumating si Mauricio at dahan-dahang yumuko.

No way, hahalikan niya ba talaga si April?!

"'WAAAGGGG!!!"

Napatigil ang lahat sa ginagawa at napatingin sa akin.

"Bakit Ms. Deguzman?" tanong ni Ma'am Snow White. Oh shet. I'm deads. 〒_〒

"Ah eh...uhm..." isip palusot Marie! Isip palusot!

Ramdam ko ang pagkalabit sa akin ni Caliyah. Habang sina Mauricio naman ay nakatingin sa akin kasama si April na parang nadismaya at nakatingin ng masama sa akin. Leche.

"Mas romantic kasi ang dating Ma'am kapag walang rehearsal ang kiss part. You know naman Ma'am diba, surprises are still the best." nakangiti kong sabi. Please gumana ka! Huhuhuh!

Diary ng Walang PantyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang