Chapter Eleven

4.2K 164 28
                                    

Mauricio

"IKAW NA NAMAN??!"

Malakas na sigaw ko. Yeah, siya na po naman. Sino pa nga ba? Yung batang nahulugan ng panty. (+_+)

"Hoy asungot! Stalker ka ba? Parati mo na lang akong sinusundan!!"

Agad na nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Hindi yung ulo sa baba ah.

"Hoy bata! Unang-una hindi ako stalker, pangalawa dito lang talaga ako mahilig pumunta kaya wala ka nang paki doon!!!"

"Hindi ako bata!"

"Talaga? Eh bakit ang liit mo?"

"Gago. Matangkad ka lang kaya ganun!"

Masama siyang tumingin sa akin at umakto pang susuntukin ako. Lumapit naman ako sa kanya at tumingkayad. "Oh ano, bata? Lalaban ka?"

Para naman siyang asong walang laban kaya inirapan na lang ako. Fvck. 'Bat ang cute- este, wala akong sinabi. →_→

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin na lamang sa basketball.

"Waw. Gara ng score mo ah. Cheated?" pang-aasar ko sa kanya.

"Hoy, ang kapal mo kupal. Sariling sikap ko 'yan 'no!"

"Teka bata, may pangalan ako. Mauricio. M-A-U-R-I-C-I-O." Nginitian ko siya ng malaki. With pang-iinis na ha.

"Teka rin asungot, may pangalan rin ako. Marie. M-A-R-I-E." Ngumisi din siya sa akin. Tindi talaga nitong batang 'to.

Pinat ko ang ulo niya na parang aso at ginulo ang bagong gupit niyang buhok with bangs. "Laban tayo bata! ^_^"

"Sabi nang 'wag mo kong tawaging bata!"

"Eh anong gusto mong itawag ko sayo? Baby? Hahahaha!"

"Tss. -_-+ Anong laban naman?"

"Kung sino ang matatalo sa tatlong iba-ibang games dito, manlilibre ng pagkain. Kahit ano."

Sana pumaya— wala akong sinabi! ←_←

"Geh ba! Tatalunin kita!" ngumiti siya sa akin ng malaki.

*dug dug* *dug dug*

B-bakit ganito? A-anong nangyayari sakin? Shit. Ugrhh. Wala lang 'to. Gutom lang 'yan Mau. Get a grip!

Umiling ako at ibinalik ang tingin sa kanya.

"Deal!"

Pumesto na kami sa unang game na napagdesisyunan naming laruin. Basketball! (♥ω♥*)

"Heh! Tatalunin kita babae!" Ngumisi ako sa kanya.

"Heh ka din! Di ako magpapatalo sa'yo 'no!!"
Nagsimula na ang oras ng game. Nagsimula na rin kaming mag-shoot.

Halos 100 na ang score naming dalawa pero di parin kami tumitigil. May nanonood na rin sa amin at naririnig ko pa nga ang cheer ng ibang babae sa akin. Gwapo ko talaga. ≧∇≦

Sampung segundo na lang ang natitira at di ko namalayan na naunahan na pala ako ni bata. Fvck. Di ko napansin 'yun!

"Hahaha! Talo. Ka. Na. Yes!!!" tumalon-talon siya pagkatapos akong matalo. T_T

"'Wag pakampante bata.  ̄へ ̄" ngumisi ako sa kanya.

Inirapan niya lang ako at pumili ng pangalawang game. "Uhmm, how about, Yung zombie shooting game?!!"

Sh*t. Takot ako sa multo! ≥﹏≤

Marie

Dirediretso akong nag-shoot sa ring. Gosh. Ang galing ko talaga! ♡(∩o∩)♡

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now