Chapter Seventeen

3.3K 105 66
                                    

Marie

Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa school. As usual, nandoon parin yung mga tingin ng mga aso, kaya lang parang nakafocus ang mga lalakeng gago sa akin. Ay, anong meron? Nahuhumaling na ba sila sa kagandahan ko?

"Damn, she's cute with short hair."

"Liligawan ko 'yan."

"Para siyang bata, sarap alagaan."

Bwahahahahahha!!! Nasa akin parin ang huling halakhak! ≧∇≦

"Marie, anong pinainom mo sa kanila?" pang iinterrupt ni Pat sa daydream ko.

"Ay grabe siya oh, pina-inom kaagad? Di ba pwedeng, dahil sa short hair peg ko ngayon?"

"Sasali kami sa Hateclub mo." ani ni Fieath. Sinamaan ko siya ng tingin. Kaibigan ko ba talaga sila? ( ̄へ ̄)

"Nagugutom ako!"

"WHAT THE H*LL FANNY?!"

+-+-+-+

Nakatunganga kaming lahat habang nagdidiscuss sa harapan si Ma'am Aurora, first subject teacher. English.

May ibang naglalampungan, may ibang naghe-headset, may ibang palihim na nag-uusap na tila ba ayaw pahalata sa gagawing krimen, may iba namang nakatingin ng masama sa akin at mga walang pakialam sa earth.

Kagaya ko. Bakit ba kasi ang hinhin ni Ma'am Aurora? Kulang na lang matulog siya diyan sa mesa at isa-isang hahalikan ng mga gago kong kaklase para ultimate disney princess na siya. Tsk tsk. Kabaliktaran nitong susunod naming professor na si Ma'am Cinderella, terror sa Math.

Nga pala, wala akong katabi tuwing first period, so next period katabi ko si Caliyah, then next na katabi ko ay si Asungot na di ko alam kung paano ko pakikisamahan dahil sa binitawan niyang salita kahapon.

Nabibwisit ako sa kanya. Grabe! Direct to the point 'yon men! Walang #BeatingAroundTheBush! Larga agad! Kainis. Bahala siya, di ko siya papansinin ngayon araw. Galit ako sa kanya. Buti na lang talaga nandoon si Calixto. Hindi kami magkaklase kasi sa ibang section siya. Kambal lang pala sila ni Caliyah, nasanay lamang daw ang huli na tawagin siyang kuya.

Akalain mo 'yon? Sino ba naman kasi ang mag-aakala na sasabihin niya 'yon? Gash, sarap niyang pektusan grabe. Okay chill Marie, inhale, exhale. Kaya mo 'yan. 'Wag mo lang siyang papansinin ngayong araw. Hoo! Let's do this!

"Class dismissed." nagsigawan ang lahat ng matapos ang oh so boring na klase ni Ma'am Aurora. May ibang nagsilabasan sa room at may iba ring nagsipasukan for the next subject. Isa na doon si Caliyah.

"Hi Marie!" sinalubong ko ng yakap ang palapit na Caliyah sa akin.

"Hi din Liyah, musta?"

"What's with the 'Liyah'?"

"Ang haba ng Caliyah. Hahah."

"Then can I call you Rie?"

Bigla kong naalala si Asungot—

"Masarap ba bata?"

"Of course. Libre eh. Tsaka 'wag mo nga akong tawaging bata! Marie nga, Marie!"

"Rie na lang. Ang haba ng Marie."

"What? Two syllables lang yun asungot!"

"'Wag mo kong tawaging asungot, may pangalan rin ako. Mauricio."

"Edi Cio na lang. Ang haba ng Mauricio."

"Tss."

Damn! Kalimutan mo muna siya Marie! Gash, anong nangyayari sakin?!

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now