Chapter Thirty Three

2.1K 77 10
                                    

Marie

Rinig ko ang pagbubulungan ng mga estudyante habang papasok kami ng campus. So, anong chismis na naman ang alive, alert, awake enthusiastic?

“Fanny,” nilingon ko siya at nakitang nilalantakan ang isang burger, “Ano ang chismis ngayon?”

Sa amin kasi, tuwing may chismis, alam niya lahat. Maski ang panganganak ng isang baboy ng kalabaw, alam niya. Ang galing lang diba?

Puro aral lang naman ako sa amin. Aral dito, aral doon. Pero bobo parin after gumadruate. Sa dinami-dami ba naman ng subjects na napipilitan akong iaral, anong matatandaan ko do'n? Buti sana kung magagamit araw-araw. Piste.

Nagsalita siya habang madami pang laman ang bibig.

“Siqahshwuhhfncppmqan.”

“Ha? Lunukin mo nga muna 'yan!” Napabusangot ako. Ang takaw talaga eh.

“May babaeng transferee, hinahanap yung bebe mo. Mukhang girlfriend ata.”

G-Girlfriend? P-paano? B-bakit? Bakit niya 'to nagawa sa akin—

Ay, wala nga palang kami. Drama.

Pero, ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Hindi ko pa siya kilala ng lubusan. Siguro, kaya ganoon 'yung pinapakita niya sa akin kasi naaalala niya lang si Mireen sa akin. Namimiss ko na rin ang batang 'yon.

Shet. Masakit umasa. T^T

Ano kaya yung hitsura ng babae? Siguraduhin niya lang na mas maganda pa sa kagandahan ko kung 'di, naku! Naku talaga!

“Nasaan yung babae?”

“Nasa room niyo. Pasok na ako. Lapit nang mag time eh.”

Kinakabahan ako habang tinatahak ang daan papunta sa room ko. Sa labas pa lamang ay tanaw na tanaw ko na ang grupo ng kababaihan at mga kalalakihan na nakadungaw sa labas ng room. May ilan pang may hawak ng cellphone na kunyari paparazzi at kumukuha ng mga litrato. Ang sikat naman ni Mauricio. Kapal ng mukha ha.

Artista lang? Gano'n? Tss.

“Excuse me! Padaan!”

Mabuti nama't medyo umusog sila para makadaan ako.

Pagpasok ko pa lamang ay napatingin ako sa babaeng sinasabi nila. Maputi, tamang laki ng boobs, maamo ang mukha. Mabait. Kapwa sila nagtatawanang dalawa. Ngayon ko lang napansin na may suot si Mauricio na singsing at ganoon din yung babae.

Ano ka ba Marie! Baka friendship ring lang 'yon. Hangga't may bukas pa, may pag-asa!

Napalingon sa akin si Mauricio at inaasahan kong ngingiti siya ngunit dinaan niya lang ang tingin sa akin.

Bahagyang kumirot ang puso ko. Tangina naman oh. Nasa upuan ko pa naka-upo yung babae.

Pumunta na lamang ako sa pinakalikod at tumingin sa labas. Naiiyak ako peste. Malapit pa naman yung ball, baka hindi niya tuparin yung sinabi niya sa akin.

Natigil ako sa pag-eemote nang tumawag ang tatay niya. Si Tito pala. Este, charot.

“Hello Tito?”

“Magandang araw Marie. Kumusta kayo diyan?”

“Maayos naman po. Bakit po kayo napatawag?”

“Naipadala ko na yung monthly salary mo. Si Mauricio, nasaan?”

“May kasama po siyang babae Tito.”

“Babae? I thought ikaw ang girlfriend niya?”

Napabuntong-hininga ako, “H-hindi po 'yon totoo. Tsaka tinanggi po naman namin eh.”

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now