Chapter Thirty

2.3K 79 28
                                    

Marie

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw at bahagyang kinusot ang mata. Shet, ang sakit ng katawan koo. Ano ba'ng nangyari?

O_____o

Owemji, *bumulong* Resorts World Manila

Charot.

S-si Mauricio, katabi ko!!!

Waah!

Ang pagtalikod ni Flash = Flashback

Patakbo kong tinahak ang daan papasok sa Park. Wala ng tao, malakas parin ang ulan.

Mauricio? Asan ka na?

"Mauricio!!!"

Inilibot ko pa ang tingin sa paligid. Ang dilim, napapaligiran ng hamog. Paano ko siya mahahanap?

"Mauricioooo!!!"

Tumakbo ako sa pinakahuling parte ng Park. Lord, please..

"Mauricio! Asan ka na?! Nandito na ako!"

Mas lalo pang lumakas ang ulan. Nababasa na ang suot-suot kong costume. Puno na ng putik ang paanan nito.

Asan ka na ba kasi? Sorry na, magpakita ka na please.

Inilibot ko pa ang paningin ko hanggang sa may nakita akong pamilyar na pigurang nakatayo sa may bench. Nakayuko ito at parang nanginginig na sa lamig.

"M-mauricio? Ikaw ba 'yan?" dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Marie, dumating ka." napatakip ako ng bibig sa nakita ko.

Basang-basa na ang suot-suot niyang Ice Bear costume, nanginginig na din ang kanyang katawan sa lamig.

Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap.

"Bakit mo pa ako inintay? Sana umuwi ka na lang!"

"D-diba sabi ko a-aantayin kita kahit 'di ka p-pa dumating?"

Gusto kong umiyak, kasalanan ko 'to eh.

Naramdaman kong parang bumigat ang pagyakap niya sa akin.

"M-mauricio? Hoy? 'Di 'to magandang joke!"

Hinimatay siya!

Hinawakan ko ang noo niya. Ang init. Nilalagnat siya!

"Oy, 'wag kang matulog! Hindi kita kayang buhatin!" wala na, mainit na talaga siya.

Inilibot ko ang paningin ko at may nakita akong bahay sa 'di kalayuan.

Wah, ambigat. T^T

"Please, 'wag kang matulog."

Nakarating kami ng maayos sa bahay. Madilim, walang tao. Binuhat ko siya papunta sa isang papag.

Bakit ba kasi ang liit ko? 〒_〒

Hinawakan ko ulit ang noo niya. Paktay, mas lalo siyang uminit.

"A-ang l-lamig.."

"Mauricio? Wait lang, antayin mo ko."

Mag-isip ka Marie!! Nilibot ko ang paningin sa loob ng maliit na bahay. Kahoy, bimpo, tubig, 'yon!

Matapos ang ilang minuto ay nagawa ko na ang dapat kong gawin. May maliit na bonfire na sa paanan niya. May nakita rin akong kumot kanina.

"H-hah.."

Diary ng Walang PantyWhere stories live. Discover now