SP Part 11: Natatanging Damdamin

Bắt đầu từ đầu
                                    

Pilit kong inabot ang aking cellphone at nang hingi ng tulong. Walang ibang numerong naka lagay dito kundi ang kay Rui. Ito ang unang pag kakataon na nag baba ako ng pride. Pinindot ko ang dial button at doon ay nag ring ang kanyang linya.

"Himala.. Anong kailangan mo?" ang tanong ni Rui sa kabilang linya

Pilit kong ibinukas ang aking bibig ngunit ang aking panga ay naninigas ni hindi ako makapag salita ng maayos. "K-kuyaaa tu-tulongg!" ang daing ko

"Ano? Aba himala kinukuya mo ako. Ano kailangan mo ngayon? Anong plano mo magaling ko kapatid?" ang tanong niya

"Tulong!!!" ang sigaw ko ulit na hindi maitago ang hirap

"Seryoso ba ito? Lagot ka sakin kapag binibiro mo lang ako!! Kakalbuhin ko bulbol mo kupal ka!!" ang sagot niya at naputol ang kabilang linya.

Namalipit ako sa hirap at halos maihi na ako sa salawal. Pakiwari ko ay katapusan ko na dahil unti unting bumibigay ang aking katawan. Sinubukan kong bumangon ngunit bale wala ito, wala akong lakas para gawin iyon.

Nasa ganoong pamamalipit ako ng biglang bumakas ang pinto ng aking silid at dito ay mabilis na pumasok si Rui. Agad niya akong hinawakan at dito ay nanghingi na siya ng tulong sa mga kasamahan sa bahay. "Nai! Huwag kang pipikit!" ang wika nito habang tinatampal ang aking pisngi.

Naramdaman ko nalang na mabilis nya akong binuhat at pinasan pababa sa hagdan. Wala na akong naalala pa. Ang lahat ay binalot na ng kadiliman.

Tahimik..

Natagpuan ko ang aking sarili sa isang mataas na lugar, para itong lumang gusali at sa aming paligid ay ang sira sirang siyudad na halos hindi na makilala ang anyo. Para itong isang lugar na binagsakan ng bomba kaya't ang lahat ay halos mabura na. "Nai, sa ngayon ang iyong katawang lupa ay unti unting tinatanggap ang aking kapangyarihan." boses ni Sin sa aking likuran

Agad akong humarap sa kanya at sinugod ito. "Tarantado ka! Papatayin mo pa ako!! Gusto mo bang unahin na kita?!!" ang galit kong sagot.

"Sandali lang, huwag kang magalit. Sinadya kong dalhin ka rito upang makita mo ang kahahantungan ng iyong planeta kapag hindi mo pinag butihan ang trabaho mo." ang wika niya sabay turo sa paligid.

"Gago ka! Pag katapos mo akong pag tangkaang patayin ngayon naman ay ipe-pressure mo pa ako sa kalokohan mo! Nag karoon pa ako ng utang na loob sa kuya ko kaya ngayon ay tiyak na pag susunod sunurin niya ang pang bablackmail niya sa akin!" ang galit kong tugon.

"Hindi gagawin ng kuya mo iyon dahil mahal ka noon, lalo ngayon na nag aagaw buhay kana sa mundo niyo." sagot niya dahilan para lalo akong maasar.

"Hindi ko alam kung anong plano pero isusumpa kita kapag namatay ako!" ang sigaw ko sabay suntok sa kanya. Nakaiwas ito kaya ang natamaan ko ay ang pader ng gusali kaya biglang nagiba ito. "Aba e dahan dahan sa pag suntok, inaaksaya mo ang lakas ko. Saka hindi ko naman hahayaang mamatay ka ng ganoon nalang."sagot niya habang lumulutang.

"Siguraduhin mo lang!" ang sigaw ko.

"Masyadong mainit ang ulo mo e. Halika sumunod ka sa akin." utos niya

"Lumilipad ka, gago ka ba? Paano ko susunod sa iyo?"

"Edi lumipad ka rin!" sagot niya

"Hindi ko alam kung paano." sagot ko

"Sus! Madali lang iyan." ang wika niya sabay tulak sa akin sa itutok ng gusali dahilan para mahulog ako.

Bumulusok ang aking katawan pabagsak sa ere kaya naman halos mapasigaw ako sa matinding takot. At kasabay nito ang pag liliwanag ng aking katawan, nakaramdam ako ng kakaibang gaan kaya naiangat ko ang aking sarili mula sa tiyak na pag bagsak sa lupa.

Super Panget (BXB 2018)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ