Whoo! nakahinga rin!
Grabe yung atomic bomb!
Whahahaha!
"Oh, magaan na ba pakiramdam mo?"-Nathan
"Medyo. haha..grabe! ansarap tumawa!"-Sis
"Naman!"-ako
"Punta lang ako ng cr ah."-Paalam ni Nathan
At talagang nagpaalam pa ah?
Pffft! hahahaha!
"Geh. Dun ka na lang. haha"-asar ko
"ansama mo. (",--)"-Nathan
(^_______^)v ----> ako
Ang loko, naihi na sa katatawa...haha
"Sis..."-seryosong sabi ni Sis.
"oh?"-ako
"Pano pag tinanong ako ni Mommy kung bakit ako naaksidente, ano sasabihin ko?"-Sis
"Ade sabihin mo yung totoo."-ako
"Pano kung magalit sila kay Mark?"-Sis
"Ade magalit sila! Siya naman talaga may kasalanan eh."-ako
"Eh pano kung magalit sila sakin kasi naglihim ako sa kanila?"-Sis
"Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo! Sabi ko sayo dati, sabihin mo na sa kanila na may bf ka na, pero ano? Hindi mo sinabi kaya ayan! namomoblema ka tuloy!"-ako
"Eh baka kasi magalet sila."-Sis
"Natural lang na magalit sila kasi nga napagdaanan na nila yun kaya ang gusto nila, maprotektahan ka sa mapangahas na pag-ibig."-ako
"Eh di naman nila mapipigilan yun eh."-Sis
"Yun na nga, kusang dumadating ang pag-ibig at di yun maiiwasan kaya ang gusto ng mga magulang natin ay protektahan tayo at alagaan dahil sa panahon ngayon, madami na ang manloloko at ang malas mo dahil nabingwit mo pa ang isa!."-ako
"Eh pano na gagawin ko? Ayokong magalit sila sakin."-Sis
"Kahit anong gawin mo magagalit at magagalit parin sila dahil mahal ka nila."-ako
"Bakit sila magagalit kung mahal nila ko?"-Sis
"Alam mo Sis, kung di dahil sa pagmamahal, di magagalit ang isang tao. Nagagalit lang sila dahil mali ang ginagawa ng taong mahal nila, at dahil don, nagagalit sila kasi ayaw nilang mapahamak at ayaw nilang masaktan ang taong mahal nila kasi gusto nilang maprotektahan, maalagaan dahil mahalaga para sa kanila ang taong mahal nila...Gets mo ba?"-ako
Bakit ang gulo ata nung sinabi ko?haha
Speechless lang si Sis.
YOU ARE READING
When CRUSH becomes LOVE...♥ [fin]
Teen Fiction'CRUSH is different from LOVE but CRUSH can be LOVE.' | Completed | No Soft Copies | No Compilation | @ All Rights Reserved. Copyright January 2012-May 2013. ~By: CutieLittleGirl12~
Chapter 21: Laughtrip!...(part 3)♥
Start from the beginning