Chapter 20

192 2 0
                                    

CHAPTER 20..

Saturday ngayon kaya na-late ako ng gising. Sigh, tambay na naman ako dito sa bahay. Tss, saan kaya pwedeng maggala noh?

Kung pumunta na lang kaya ako sa bahay ni tito Nel? Tutal hindi ko pa yun nakikita atsaka hindi pa ako nakakapasok sa loob nun. Pero...

Hays! Hwag na nga lang!

Paniguradong nandun yung Suzannena yun tsaka si Kim tsaka yung kuya niya at pati yung bunso niyang kapatid.

Nakakasakit naman ng ulo! Wala akong maisip na puntahan!

Napahiga ulit ako sa kama at parang tangang nakatitig sa kisame ng mga ilang minuto.

Ayun! Alam ko na!

Napangiti ako ng ngiting abot tenga sa'king naisip.

Manggugulo na lang ako sa bahay nila tito Andy. Bubulabugin ko yung Sid na yun! Tama! Dun na lang ako pupunta. Miss ko na dun eh. Miss ko na pati si yaya Icay. Tss, namiss ko tuloy ang brownies niya.

Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas ang pinto.

"Nanay Eva." Napabangon ako ng di oras ng makita ko siyang pumasok.

"Gising ka na?"

"Uhm-hmm." I nodded. "Kanina pa po ako gising kaya lang hindi pa ako bumabangon dahil nag-iisip ako kung saan ako pwedeng mambulabog ng tao."

"Kukunin ko lang 'tong mga damit mo. Maglalaba na kasi si Lina." Sabi naman niya habang hawak-hawak ang lagayan ng damit ko. "Mukha namang nakahanap ka na ng taong bubulabugin mo. Ngiting-ngiti ka eh.."

Tumawa ako. "Nakahanap na nga." And then I got myself out of bed.

"O siya, kung sino man yang taong gusto mong bulabugin siguraduhin mong mabubulabog mo talaga siya." Nagpakawala siya ng nakakalokong tawa. "Sige na, nakahanda na ang almusal mo sa kusina. Mag-e-eight thirty na baka malipasan ka pa ng gutom. Ako na bahala dito sa kwarto mo."

"Okay po. Thanks Nanay Eva." Sabi ko sabay yakap sa kanya. "Thank you po sa walang sawang pag-aalaga sa'kin." Nakangiti kong sabi habang yakap-yakap pa rin siya.

"Naku, ang ana ko naglalambing. Alam na alam ko na ang style mong yan."

Napakalas ako ng yakap sa kanya tsaka ako napakamot sa aking ulo.

"Magpapaluto ka ng adobo?" Tanong niya na di pa rin inaalis ang mga ngiti sa kanyang labi.

Ngumiti ako ng malawak sabay tango. "Uhm-hmm."

"Ang alaga ko talaga! Bumaba na nga tayo!"

"Magluluto ka, nanay Eva?" Tanong ko bago kami lumabas sa aking kwarto.

"Nakaluto na ako. Naghihintay na nga ang adobo sa kusina eh."

Nang marinig ko sa kanya ang sait niya iyon, tumakbo na ako pababa - papunta sa kusina.

Wala na akong pakialam kung anong iniisip niyo sa akin ngayon. Malakas lang talaga akong kumain, yun nga lang pag adobo na ang pinag-uusapan.

Kaya pagdating ko sa bahay nila kuya Sid, busog na busog pa din ako.

"Tawagan mo na lang ako kapag uuwi ka na. May ipinapagawa kasi ang lola mo sa'kin eh." Sabi sa'kin ni Manong Peter habang bumababa ako ng kotse.

"Sige po manong Peter." Tumango ako sabay nag-wave sa kanya.

Pumasok na nga ako sa loob. Muntik na nga akong hindi papasukin ni yaya Icay dahil sa aking suot. Pa'no naman kasi, nakapang-disguise na naman ako. Mahirap na kasi pag may makakakita sa'kin.

The Goddess Nerd Story [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum