Chapter 18

174 2 0
                                    

CHAPTER 18..

Huminto kami sa pagtakbo. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para makita kung sino ang nagligtas sa'kin kay Kim pero hindi ko siya maaninag. Blurry eyed na kasi ako at mamaya, paniguradong babagsak na ang mga luhang 'to.

Napayakap na lang ako sa kanya habang umiiyak. Hindi naman sa mahina ako kaya ako umiiyak. Nasaktan lang ako dahil hindi ako lumaban atsaka iiyak din naman ako kasi masakit ang magkabilang pisngi ko. Ang sakit kaya ng sampal niya.

"Tahan na.."

Ang boses na iyon, parang kilala ko siya.

Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya at ngayon nakita ko na siya.. Nakita ko na ang mukha niya.

Calyx?

"Ba't di ka lumaban? Akala ko ba, you want to prove that nerd are strong?"

Di ako nakasagot sa kanya. Pano naman kasi, umiiyak pa rin ako hanggang ngayon.

Gusto ko naman talagang lumaban eh kaso nga lang hindi ko nagawa. Di ba niya nakitang may nakahawak sa magkabila kong kamay kaya hindi ako lumaban?

Napahawak siya sa pisngi ko. Ang hapdi! Lalo akong napaiyak dahil sa sobrang sakit pero hindi ko ipinahalata sa kanya na nasasaktan ako.

"Masakit?" Tanong niya.

Napatingin ako sa mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niyang kulay brown na mapapansin mo talagang nag-aalala ang mga ito.

"Uhm-hmm." I nodded.

Agad naman niyang tinaggal ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko at agad siyang tumalikod sa akin.

"Teka, saan ka pupunta?"

Iniwan na nga niya akong nakatayo rito. Ganon na lang ba iyon? Aalis na siya agad matapos niya akong dinala rito?

"Hoy!"

Lumingon siya sa'kin. "Kakausapin ko si Kim."

"Hwag na." Pagpipigil ko sa kanya. Lumapit nga ako sa kung saan siya napatigil. "Ako na lang ang kakausap sa iyo." I paused. "Pakiusap, layuan mo na lang ako."

Hindi siya nagsalita at batid kong hindi niya gusto ang aking sinabi. Tinalikuran na nga niya ako at ngayon naglalakad na siya palayo sa'kin.

Tama naman ako diba? Hanggat nasa tabi ko siya, di ako titigilan ni Kim at mas lalo lang niya akong sasaktan.

**

"Janella.." Napalingon ako sa nagsalita dito sa tabi ko.

"Ahm.. Bakit Audrey?"

"Kumain ka muna. Pinabaunan kasi ako ni mama ng bacon." Alok niya sa akin.

Kung nagtataka po kayo kung nasaan kami, nandito po kami sa tambayan ko slash tambayan ni Calyx slash tambayan namin noon ni Caleb.

Dahil sa nagugutom na rin ako at ayokong gumastos ng snack dahil nga sa grounded ako, hindi na ako humindi sa alok niyang bacon.

"Ang sarap nitong bacon. Luto ng mama mo?" Tanong ko sabay subo sa bacon.

"Actually, luto ni yaya. Oo nga noh, one week pala kitang ibabaunan. Anong gusto mong pagkain bukas?"

Ang swerte ko pala. Ayos rin pala ang ma-grounded noh?

Una, may tagasundo na ako para hindi ako maglalakad at pangalawa, may tagabigay ng pagkain sa'kin. Alam naman na kasi ni Audrey na grounded ako dahil sinabi ko sa kanya.

"Kahit ano na lang. Di naman ako mapili eh."

"Uh, okay. Teka, di na ba masakit yang pisngi mo?"

"Hindi na masyado."

"Naku! Mapapatay ko talaga yang Kim na yan!" Gigil na gigil niyang sabi.

Natawa naman ako sa itsura niya. Pati tinidor nadamay pa. Nabali pa dahil sa sobrang gigil na gigil siya.

"Kaya mo kaya?" Panghahamon ko sa kanya.

"Syempre, kakayanin! Ayaw kaya kitang nasasaktan. Galusan ba naman niya ang mukha ng maganda kong best friend? Hindi na makatarungan yun noh!"

Hindi ko napigilan ang hindi mapangiti dahil sa kanyang sinabi. Ang sweet talaga niya at maswerte ako dahil siya ang naging best friend ko.

"Oh, okay ka lang? Biglang nawala ang ngiti sa mukha mo ah."

Oo, nawala talaga ang matamis na ngiti sa aking labi. Nakita ko kasi si Calyx. Papunta siya rito pero agad rin siyang umalis. Siguro dahil nandito kami ni Audrey kaya di na niya itinuloy ang pagpunta rito.

Naramdaman kong tumingin si Audrey sa kung saan ako nakatingin.

"Ah, kaya pala."

Ilang minutong naging tahimik ang lugar na ito. At ang maririnig mo lamang ay ang mga huni ng ibon.

"Janella."

"Uhm?"

"Ano bang meron dito at gustong-gusto mong tumambay dito? Ang dumi-dumi kaya rito. Di pa nililinis ni manong janitor."

"Kasi Audrey, memorable ang lugar na ito sa akin."

Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot matapos kong sabihin sa kanya yun. Kailan kaya ako maghihintay dito? Kailan ko ba hihintayin si Caleb dito?

"Ganun din kaya si Calyx? Memorable rin kaya ang lugar na ito sa kanya? Nakikita ko kasi siyang galing dito eh." Bigla niyang tanong sakin.

Nagkibit balikat ako. "Ewan."

"Para maging masaya ka rito, ipapalinis ko 'to kay manong janitor." Nakangiti niyang sabi

"Thanks best friend. Balak ko ngang linisin dito eh kaya lang di ko na nagawa."

[Bell Rings]

Hudyat na upang bumalik na sa klase. Tapos na ang break time at magka-klase na naman ulit kami.

Naghiwalay na nga kami ni Audrey dahil magkaiba kami ng room. Magkikita na lang daw ulit kami mamayang lunch.

Science class na at di ako makapag-concentrate sa discussion ni teacher Gomez.

Tingin ako ng tingin kay Calyx dahil hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin sa kanya. Di na kasi siya tumabi sa akin at tumabi na siya kay Kim.

Lalayuan na ba talaga niya ako?

"The Goddess Nerd Story"
-by jamilah_jam


Thanks for reading!!

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon