Chapter 27

183 3 0
                                    

Chapter 27..

"Wag mo namang masyadong ipahalata." Bulong sa'kin ng isang duwende este ni kuya Sid pala. Napatingin tuloy ako sa kanya. Ayun at ngiting-ngiti siya sa akin.

Tss, siniko ko nga!

After a minute, bumalik na rin si Kim galing washroom. Umupo siya sa tabi ni Calyx. Ipinalupot niya ang kanyang mga kamay sa braso ni Calyx sabay siksik sa kanyang sarili.

Parang aagawin ko naman si Calyx sa kanya. Hello! In the first place, ako naman talaga ang gusto ng boyfriend niya eh atsaka hindi ko na kasalanan kung ma in love siya sa'kin ngayon.

"Madam, nakahanda na po ang dinner." Sabi ni yaya Flor kay lola.

Tumayo na nga si lola at nauna nang pumunta sa dining area.

"Tara na, dinner is ready!" Sabi naman ni Suzanne.

Pumunta na nga sila sa kusina. Syempre hawak-hawak pa rin ni Suzanne ang kamay ni tito. Sumunod naman sa kanila ang dalawang kapatid ni Kim. So ibig sabihin, kaming apat na lang ang natitira dito.

Tumayo na rin ako. "Tara na." Sabi ko kay kuya Sid pero hindi pa rin siya tumatayo. Nakangiti lang siya sa'kin.

Anong problema niya? Kanina pa siya ah!

Napansin kong tumayo si Kim.

"Janella.." Agad akong napatingin sa kanya. "I want you to meet my boyfriend." Proud niyang sabi. "Calyx." Napatingin ako kay Calyx. "And Calyx, this is Janella."

Tumago si Calyx at inilahad niya ang kanyang kamay. Lumingon ako kay kuya Sid upang tingnan ang magiging ekspresyon niya. Nakangiti pa rin naman siya habang nag go-go signal sa'kin.

Nakipag shake hands na nga ako kay Calyx. Yung mukha niya, seryoso ni di nga siya ngumingiti sa'kin eh.

Pero kahit na.. parang nag slo-mo naman ang lahat eh. Yun bang parang ang tagal bumitaw ang mga kamay namin sa isa't isa.

Napabitaw lang ako nung napansin kong nakatingin si Kim sa kamay namin.

I smiled at Calyx. "Nice to meet you, Calyx."

"Actually, we've met before. Do you still remember?" Tanong niya sa'kin.

Agad akong napatingin kay Kim. Parang nabigla siya sa sinabi ni Calyx.

"Nag-meet na kayo?" Di makapaniwala niyang tanong.

"Oo dati.. sa Save U." Agad namang utas ni Calyx.

Nung time na yun kasi pumunta ako sa Save U ng hindi nakadisguise. Mag-eenroll sana ako nun eh kaso naka-enroll na pala ako. May bitbit pa nga akong pansit tsaka cake nun eh para kay tito.

"Janella pala pangalan mo."

"Uhm-hmm.." I nodded.

Namiss ko ang boses niya. Namiss ko siya. Namiss ko siyang kausap..

Sa wakas, tumayo na si kuya Sid. At tulad ng ginawa niya kanina, inakbayan na naman niya ako.

"Tara na nga! Nagugutom na ako!" Hinila na nga niya ako papuntang kusina.

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko dahil nabibigatan ako.

"Teka, si tita Trina pala?" Tanong niya.

"Wala na.. umalis na.. nasa airport na nga siya ngayon eh o baka nasa loob na siya ng eroplano. Wala pa si manong Peter eh."

"Tsk! Wala na nga.." Nanghihinayang niyang sabi.

"Pasalubong?" Bigla namang lumiwanag ang mukha niya. "May ibibigay ako mamaya. Uh, teka sina tito pala? Di ba sila magdi-dinner dito?"

"Hahabol daw sila."

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now