Chapter 12

236 4 0
                                    

CHAPTER 12..

Three days past at heto ngayon, nasa kalagitnaan kami ng kamatayan. Kamatayan dahil ang mga classmate ko mukhang Gusto bang magbigti. Ang iba naman ay puro nganga sila. Buti na lang at alam ko ang mga sagot. May surprise exam kasi kami.

Lord, I pray for them na sana makapasa sila. Amen.

Nadamay na si Kim sa dasal ko. Kahit ngayon man lang eh pumasa siya.

Tss, eh ako yata ang hindi papasa neto eh! Di ako makapagconcentrate dahil dito sa katabi ko! Kanina pa siya bulong ng bulong sa'kin. Nakakainis!

"Are you done?" Pabulong niyang tanong sa'kin.

"If I'm done, I should be at the cafeteria right now. Do I look like I'm done already?" Inis kong sabi sa kanya.

Kainis 'tong dancer na 'to! Di porket sikat na siya eh pwede na niya akong guluhin! Baka mamaya sabihin pa ni teacher na nagkokopyahan kami dito. Mapalabas pa kami ng di oras, tss!

"Mr. Ey and Ms. Avista, may I have your papers. NOW!"

Eto na nga ba ag sinasabi ko eh! Err! Nakakainis talaga 'tong Calyx na 'to! Buti na lang at saktong natapos ko.

Tumayo na nga ako para ipasa kay teacher ang papel ko.

"And the two of you, GET OUT!" Galit niyang sigaw sa'min.

Err! Kainis!

Bumalik ako sa upuan ko at walang nagawa kundi kunin ang aking bag at lumabas na ng room kasama ang lalaking ito.

"Sorry, kasalanan ko kung bakit tayo napalabas." Sabi niya habang nakasunod sa'kin sa paglalakad.

"Kasalanan mo naman talaga eh!" Masungit kong sabi.

"Uh, paano ba ako makakabawi sa'yo?" Tanong niya na ngayon ay nasa tabi ko na siya.

Huminto ako sa paglalakad and I faces him.

"Just don't follow me." Sabi ko tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Nakatingin na naman kasi ang mga estudyanteng sa'min--sa'kin. Ang hirap talaga kapag kasama mo ang dancer na'to! All eyes sila palagi.

Pumasok ako sa maliit na gate. Dito na talaga ako nagtatambay, ever since. Nagbabakasakaling dito ko ulit makikita si Caleb.

Napahinto ako sa paglalakad nang may narinig akong umubo kaya lumingon ako. At pagkalingon ko, nakita ko siyang napakamot sa kanyang kilay.

"Di ba sabi ko, don't follow me?" Kunot-noo kong tanong.

"Dito rin naman ako pupunta ah.. Dito kaya ako nagtatambay." Sagot niya habang naglalakad palapit.

"Tambayan ko 'to noh!" Sabi ko na parang pag-aari ko na talaga ang lugar na 'to. Well, pag-aari ko naman talaga dahil kami ang may-ari nitong school.

Tiningnan niya lang ako saglit tsaka niya ako nilampasan. Umupo na nga siya sa bench at diretsong tumingin sa'kin.

"Ako ang nauna dito. Dati na akong nagtatambay dito." Sabi niya sa'kin.

Tsk! Pambihira 'to!

"Kung dati ka nang nagtatambay dito, eh bakit hindi malinis ang lugar na 'to?" Tanong ko.

Hindi kasi malinis ang lugar na. At maraming mga dahon na nalaglag na. Tss, di manlang niya malinis!

"Sabi mo, tambayan mo 'to eh bakit hindi 'to malinis?" Sabi niya na ibinalik sa'kin ang tanong ko kanina dahilan upang ako'y mainis.

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon