Chapter 5

310 8 1
                                    

CHAPTER 5..

"Anak, bumangon ka na.."

"Mamaya na nanay Eva.. Maaga pa eh.." -sabi ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Naku.. Anong maaga pa. Male-late ka na oh.."

Oo nga pala first day of class na ngayon. Kaya naman, wala akong nagawa kundi bumangon pero nag-indian sit muna ako. Tinatamad kasi akong pumasok eh.

"Bumaba ka na at ako na ang mag-aayos ng kama mo. Kumakain na dun ang lola mo.."

Napakamot na lang ako ng ulo habang tumatayo mula sa kama.

"30 minutes na lang, male-late ka na.."

Napatingin naman ako sa orasan sa side table ko. Tama si nanay Eva. 30 minutes na lang, male-late na talaga ako. As in, Super Late na!

"O siya, magbihis ka na at ihahanda ko na ang almusal mo.."

"Sige po.. Salamat nanay Eva.." -sabi ko tsaka ako humikab.

*Yawn*

Hayy. Gusto ko pang matulog. Matutulog muna ako. 5 minutes lang. 5 minutes..

Hihiga na sana ako nang biglang nagsalita si nanay Eva. Kaya napalingon ako sa kanya. Naman oh! Wala akong takas! Nakatingin siya sakin..

"Wag ka nang matulog. Magbihis ka na." -sabi niya at tuluyan na niyang nilisan ang kwarto ko.

Wala akong nagawa kundi ang magbihis. Pagkatapos kong maligo, pumasok ako sa walk-in closet ko. Dito sa walk-in closet ko, nakaseperate lahat ang mga gamit ko. Magmula damit, accessories, sapatos at kung ano-ano pa. Para hindi naman malito ang mga katulong sa paglalagay ng mga damit, gumawa ako ng tags para sa nerd outfits, casual outfits at school outfits ko.

Pumunta ako sa school outfits ko at kinuha doon ang uniform na long sleeve at skirt na above the knee ang putol. Matapos kong isuot ang uniform na yun, umupo ako sa harap ng dresser ko at tumapat sa malaking salamin. Pero imbes na maglagay ako ng make-up sa mukha, binuksan ko ang drawer ko at kinuha doon ang eyeglasses na makapal ang lens at ang ipinagawa kong brace.

Pinaghandaan ko talaga ito kaya before opening, bumili na ako ng mga pang nerd outfits ko. Mga baduy lang naman na damit para sa free day namin.

Pagkatapos kong ilagay ang mga yun, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Nerd na talaga ako! Inilugay ko ang buhok ko para mas effective. Ayun! Manang na manang ang dating!

Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon.

"Nakahan--- Janella anak! Jusko ikaw ba yan?" -gulat na gulat na tanong sakin ni nanay Eva. Parang hihimatayin na nga siya sa sobrang gulat eh.

"Si nanay Eva naman.. Opo ako 'to.. Wag nga kayong O.A! Ayos po ba?" -sabi ko habang patuloy pa rin ang pagtitig sa sarili ko sa salamin.

"Eh, di kita makilala sa suot mo eh. Nakung bata ka! Ano ba 'tong kalokohan na 'to ha?"

"Nanay Eva, hayaan niyo na lang ako dito sa outfit kong 'to. Wag niyo na lang po akong pansinin. I want a simple life. I want to become an ordinary student sa Save U. You know naman po na iba ang turing nila sayo 'pag anak ka ng may-ari ng school diba?" -sabi ko habang inaayos ang gamit ko.

"Oo na.. Oo na.. Bumaba na tayo. Ako na ang bahala dito sa kwarto mo mamaya. Male-late ka na oh.." -sabi ni nanay Eva at kinuha na niya ang bag ko.

Lumabas naman na kami sa kawrto ko at ngayon, kasalukuyan na kaming bumababa ng hagdan patungo sa dining room.

Mag-isa na lang akong kumakain ngayon kasi nakaalis na daw si lola. Kaya binilisan ko na lang kumain kasi late na talaga ako!!

Nang matapos na ako, nagpaalam na ako kay nanay Eva at dali-dali nang lumabas ngmain door. Pagkalabas ko nakaready na ang kotse.

Nakapasok na ako dito sa loob ng kotse pero di pa rin ini-start ni manong Peter ang engine.

"Manong Peter, tara na po.." -sabi ko kaya naman nagdrive na siya.

Napansin ko namang nakangiti si Dawn at si manong Peter naman, di mapakali.

Hinampas ko nga si Dawn gamit abg kamay ko. Magkatabi kasi kami dito sa likod.

"Loko ka! Anong nginingiti-ngiti mo diyan ha?"

"Ang pangit mo! Sana di na lang tayo bumili niyang ganyang eyeglasses!" -sabi niya habang nagpipigil ng tawa. Kasama ko kasi siyang bumili ng mga 'to noon eh.

"Hahaha! Ikaw nga yan Janella! Hahaha! Di kita nakilala ha.." -ayun at tumawa na din si manong Peter.

"Bwisit kayo! Masanay na kayo sa ganito kong outfit!" -sabi ko naman sa kanila

Ayun, tawa pa rin sila ng tawa. Pangit na ba talaga ako? Pero ayos na para di nila ako makilala..

Ibinaba naman ni manong Peter si Dawn sa public school. Nakisabay siya sa amin kasi nadadaanan naman namin ang school niya.

"Bye Janella.. Maganda ka pa rin diyan sa outfit mo. Don't worry." -he said tsaka niya isinara ang pinto ng sasakyan.

"Che!"

Nang makarating na ako sa Save U, lumabas na ako sa kotse.

Save U! Here I am! Yeah. I'm a 4th year student at hindi ako papasok dito bilang si Janella Sabrine Salvatore kundi bilang si Janella Avista na nerd.

Dali-dali akong pumasok sa gate. Maraming tao dito na nag-aabang. Lalong-lalo na ang mga babae. Bakit kaya? Oh well, di na nakapagtataka kung may celebrity mang papasok dito. Savior University is for elites only.

"Kyaaahhh!! THE SAVIOR KINGS!" -tili ng mga babae at ng mga binabae.

Savior Kings? Ano yun? Tsk! Nagbago na nga ng husto itong Save U.

Oh no! Late na talaga ako! At lalong mas ate pa ako dito! Naman eh, may nabangga kasi akong grupo. Janella naman kasi eh, iba ang tinitingnan.

"What the F! You're salamin na nga is so malaki and yet di mo pa makita ang dinadaanan mo? Are you blind or such a stupid?"

Tumingin akonsa kanila. Ang arte naman! Tsk! Mas maganda naman ako kaysa sa kanya ever since! Ang eyebrows, ang kapal! Yung lips, haha.. Ang pula..

"Don't stare at me like that Stupid NERD!" -sabi niya sakin.

"Say sorry to her!" -sabi ng kulot na kasama niya. Isa rin 'to eh. Ang kapal ng make-up.

"Ba't ko naman gagawin yun?" -mataray kong sabi. Relax Janella. You're not Janella Salvatore here. You're just a nerd.

"Guys, the Savior Kings are here na! Wag niyo na ngang pansinin yang nerd na yan!" -sabi naman ng isang kasama niya na mukhang kare-rebond lang.

"Say sorry? Or I will kick you out of this school?" -mataray rin niyang tanong sakin. Kung tatanggalin ko kaya ang eyebrow niya?

"Kim, don't mind that nerd! Tara na.. You're king is here na!" -hinila naman na siya nung babaeng kare-rebond lang.

Bwisit! Nakakabwisit! First day na first day of school, makakasalubong ko ang Kim na yun? Err! Such a bad hair day!

Tumakbo na nga ako pero napatigil ako sa tumawag sa akin. Ako yata ang tinatawag niya kaya lumingon ako sa kanya.

"Sandali!" -sabi niya habang tumatakbo palapit sa akin.

Tumigil siya sa harapan ko. Ako nga ang tinatawag niya. Naku naman! Late na ako oh!

Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo. Kaya nagsalita naman siya agad.

"I saw you a while ago having an argument with Kim. Kung binubully ka niya, sabihin mo lang sakin. I'm the President here." -sabi niya pero I just nodded at her.

"I guess you're a transferee. Usually kasi mga nerds and mga transferee ang binubully niya kaya mag-iingat ka."

Tsk. Tsk. Kung ano-ano pang sinasabi neto eh!

"By the way, I'm Audrey."

Napatingin naman ako sa wrist watch ko. Oh no! 7:45 na!!

"Nice meeting you."

Pagkasabi ko nun, tumakbo na ako ng tumakbo. Pumasok na ako sa elevator. Err! Nasa 3rd floor pa naman ang room ko! KAINIS!!

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now