Chapter 11

231 8 0
                                    

CHAPTER 11..

"Umupo ka muna rito. Kukunin ko lang ang first aid kit ko." Sabi sakin ni Audrey habang nililibot naman ng mga mata ko ang kabuuan ng bahay nila hanggang sa napatingin ako sa table dito sa gitna.

Umupo naman ako sa sofa nila as what she said.

Sa ibaba ng table, may nakita akong mga brochures pero isa lang ang napasin ko dun. At iyon ay ang nag-iisang school newspaper ng Save U. Hindi ko alam kung bakit pero agad kong kinuha ang newspaper.

Sa front page nito ay may malaking picture ng Savior Kings at ang mga iba pang news ay nakapalibot dito. Sa baba naman ng picture ng Savior Kings ay may nakalagay na 'see page 10'.

Tiningnan ko naman ang page 10. Isa lang naman siyang entertainment pero di ko na namalayang nagbabasa na pala ako.

Savior Kings - the popular dancers of the Savior University.

They get their name Savior from their school, Savior University ang Kings for they are the Kings of the University.

Nagbasa pa ako ng nagbasa hanggang sa...

On 2012, Savior Kings are very famous. They are always featured on TV and they have their own mall tour. They have 6 members. The members are:

Name: Ovid Lance Aquino
Age: 18
Position: Choreographer
Specialties: Dancing, good at cooking
Status: In a relationship

Name: Ullyses Lewell Reyes
Age: 17
Specialties: Beatbox, dancing, photographer
Status: Single (No girlfriend since birth)

Name: Lance dela Vega
Age: 19
Specialty: Dancing
Position: Casanova of the group
Status: Undefined

Name: Adrian Jake Villanueva
Age: 16
Specialties: Good at Math, dancing
Status: In a relationship

Name: Jim Louis Santiago
Age: 17
Specialty: Dancing
Status: Single (No girlfriend since birth)

Name: Calyx Evanny Ey
Age: 17
Position: Leader
Specialties: Good at academics, singing, plating guitar, dancing
Status: Waiting for someone

“Akala ko ba di ka magiging fangirl?”

Agad kong isinara ang newspaper at ibinalik sa kung saan siya nakalagay kanina nang marinig ko ang boses ni Audrey.

Bumababa na siya ng hagdan kanina at ngayon papalapit na siya sakin.

"H-hindi nga. Hindi ako magiging fangirl. Never!" Ang sabi ko sa kanya. Tiningnan ko lang naman yun at wala akong balak na maging fangirl nila. That's all.

Umupo naman na siya sa tabi ko at binuksan na ang first aid kit niya.

"Ang siko mo." Utos niya kaya naman inikapit ko sa kanya ang kamay ko upang magamot niya ang siko ko.

Nagsimula na nga niya akong gamutin. Nagkwekwentuhan habang ginagamot ang mga sugat ko.

"Kaya pala ganon na lang kung makatingin ang mga tao sakin. Dancer pala si Calyx--ouch! Dahan-dahan, Audrey." Agad naman niyang inilayo ang bulak sa tuhod ko at hinihipan ito.

"Dancer nga. Akala ko, alam mo. Popular kaya yun." Kumuha ulit siya ng panibagong bulak at hindi ko alam kung ano ang inilalagay niyang gamot dun. "At alam mo bang kaya hanggang ngayon eh inis na inis sayo si Kim kasi pinapansin ka ni Calyx. Alam mo naman yun, she wanted Calyx that much. Para siyang lintang sunod ng sunod kay Calyx. Halos gawin na nga niya ang lahat mapansin lang siya ni Calyx."

Nakakaawa naman pala si Kim. Mahal na mahal niya ang isang taong di naman siya kayang mahalin. At pansin ko lang, parang ipinagtatabuyan nga siya ni Calyx.

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon