Chapter 29

197 4 0
                                    

CHAPTER 29..

Tatlong araw na nga pala ang nakalipas matapos ipaubaya ni Kim sakin si Calyx.

At sa tatlong araw na iyon, maraming nagbago. Si Kim madalang na siyang pumapasok sa klase at madalang ko na rin siyang nakikita dito sa campus. Parang lubong-litaw lang siya kumbaga. Nginingitian na rin niya ako di tulad ng dati. Si Calyx naman bumalik na siya sa dati. Mas naging sweet na nga siya sa'kin eh. Palagi niya akong sinasamahan kahit saan ako pumunta pwera na lang kung magwa-washroom ako.

"KYAHH!!! ANG GWAPO MO KHALED!!"

"Kuya Khaled marry me!!"

"Khaled, I love you!"

"Hi Khaled, I'm Mina and I want you to be mine!"

At ngayong araw namang ito, mukhang may nabuo nang fansclub ang aking kaibigan na si Khaled. Mas madami pa nga ata siyang fans kaysa kina Calyx. Paano yun nangyari?

"Hey, ang aga naman yata ng kaibigan ko." Nabigla ako nang may umakbay sa'kin. Akala ko ibang tao pero nung narinig ko na ang boses niya, alam kong si Khaled yun.

"Anong maaga eh ganito naman talaga ang oras ng pasok ko ah. Ikaw yata 'tong late nagising eh."

"By the way, kayo na ba?"

"Hindi pa."

"Hey!" Nagulat ako ng biglang tumaas ang tono ng kanyang boses sabay tanggal sa kamay niyang nakaakbay sa'kin. "Ba't hindi mo pa sinasagot? Ang hina mo naman eh!"

"Sige nga, ikaw nga ang sumagot sa kanya!" Paghahamon ko sa kanya.

"Bakit ako? Eh hindi naman ako ang nililigawan ah."

"Yun nga eh. Ang atat-atat mo naman kasi! Di ba pwedeng hintayin mo na lang kung kailan ko siya sasagutin?"

"Sorry na excited kasi eh." Saad niya sabay akbay na naman sa'kin.

"Geez."

Mas excited pa pala 'tong si Khaled kaysa sa'kin. Parang inaraw-araw na niya kasi ang pagtatanong kung sinagot ko na ba si Calyx. Hay, he's that much excited huh!!

"YIEEE!! Savior Kings is here na!! KYYAAAHH!! CALYXXXX!!!"

"Owyyy!! Kyaahhh!! Notice me Ovidddd!!!"

Bigla akong napahinto nang marinig ko ang pangalan ni Calyx. Parang kinakabahan ako na ewan. At parang bigla-bigla na lang ding bumilis ang tibok ng aking puso.

Lilingon na sana ako para tingnan siya pero ganon na lang ang pagkagulat ko nang nasa harapan ko na siya.

"H-hi C-calyx.. G-good morning." Bati ko nang may pagka-utal.

Nakatingin lang siya sa'kin at unti-unti siyang tumingin sa kamay ni Khaled na nakaakbay sa balikat ko. Nakita ko ang pag-iiba ng ekspresyon ng kanyang mukha.

"Don't you dare touch my girl!" Naramdaman ko ang kamay niya sa kanang kamay ko at ganon na lang ang pagkabigla ko nang pwersahan niya akong hilain palapit sa kanya.

Sikreto akong napangiti dahil sa kanyang ginawa. Nakapossesive naman niya! Pano na kaya pag kami na? Edi mas lalong possesive siya sa'kin.

Nilingon ko si Khaled na ngayon ay parang nagulat at medyo nakaawang ang kanyang bibig.

"Let's go." Hinila na nga ako ni Calyx.

Muli kong nilingon si Khaled. Nakangiti na siyang nakatingin sa'min ni Calyx. He then wave his right hand as a sign of bye. I also wave my free hand to Khaled and mouthed the word 'see you later'.

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon