Chapter 19

169 1 0
                                    

CHAPTER 19..

One week past.

Isang linggo na ang lumipas at sa wakas, hindi na ako grounded. Buti naman at naka-survive ako sa isang linggong yun.

"Ang saya natin, ah." Masayang sabi ni Dawn sa'kin pero nginitian ko lang siya.

Una masaya ako dahil hindi na ako grounded. Pangalawa, masaya ako dahil hindi matutuloy ang kasal ni tito Nel. This week na sana ang kasal nila ng mommy ni Kim pero hindi matutuloy.

Hindi kasi makakauwi si mom dahil may business trip siya sa Singapore. Kaya ayun posponed ang kasal. Buti nga kay Kim!

"Ngiting naka-survive!" Dagdag naman ni Manong Peter sa sinabi ni Dawn kanina.

Balik sa dati na naman ako. Ayaw na kasi ni lola na ipagamit ang regalo niyang kotse sa'kin. Minsan ko lang kaya yun nagamit. Hays, baka daw mamaya eh magditch na naman ako at kung saan-saan na naman ako pumupunta. Kaya eto, hatid-sundo na naman ako ni Manong Peter.

"Buti nga at nakayanan ko ang one week na yun eh." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Kung ako sa'yo, magdiditch ulit ako." Pang-iinis sa'kin ni Manong Peter.

"Ayaw ko na noh! Atsaka hindi naman talaga ako nagditch. How many times ko ba sasabihin sa inyo na ini-lock ako ni Kim sa auditorium?" Nakakainis! Nakakainis silang dalawa!

"Relax, wag kang magalit." Natatawang sabi niya habang nagda-drive.

"Sige ka, lalo kang papangit niyan." Dagdag pa ni Dawn. Tss, isa pa 'to eh.

"Di naman kasi kayo naniniwala sa'kin eh!" Inis kong sabi sa kanila.

"Naniniwala kaya ako sa'yo." Pambabawi ni Dawn sa kanyang sinabi sakin kanina na para bang chini-cheer up niya akong wag nang mainis.

Ilang minutong katahimikan.

"Mamaya pala may susunduin ako sa airport. Sama ka?" Tanong ni Mang Peter sa'kin.

"Hwag mo nga akong lokohin Manong Peter. Hindi uuwi sina mommy. Posponed ang kasal!" Sabi ko atsaka ngumiti.

"Di nga."

"Oo nga."

"Di nga."

"Ang kulit Manong Peter, ah! Di nga yun matutuloy!"

"Ang lungkot naman, excited na kaya ako!"

"Ang saya kaya! Di ba Dawn?" Sabi ko sabay tingin kay Dawn.

"Ewan ko sa inyo! Ang gulo niyo!" Sabi niya na parang naguguluhan nga siya sa'ming dalawa ni Manong Peter. "Oy, Manong Peter dito na'ko!"

Inihinto naman na ni Manong Peter itong sasakyan at dali-dali namang bumaba si Dawn. Medyo lumampas lang ng konti sa gate kaya ayan tuloy maglalakad na naman si Dawn.

"Hay, sana talaga di na matutuloy ang kasal noh, Manong Peter?"

"Ang sama mo Janella, ah."

"Oh bakit? Eh sa ayaw kong maging pinsan si Kim eh."

Umiling na lang si Manong Peter sa'kin at hindi na nagsalita.

After a minute, nakadating na ako dito sa Save U. As usual, marami na namang nag-aabang dito sa may gate. Di naman na nila ako pinapansin pero kada kasama ko si Calyx, all eyes sila sa'kin saka puro tsismis lang ang naririnig ko sa kanila.

Nagdiretso na nga ako sa room namin. Papasok na sana ako pero may narinig akong nagkwe-kwentuhan sa kabilang room.

"May multo diyan sa room 208 diba?" Sabi nung isa.

"Ah, talaga?" Parang di naman makapaniwalang sabi nung isa.

"Sabi ng guard, may nakita daw siya. Nakakatakot, di ba? Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakita ng multo. Yan tuloy, nagsisitayuan na naman mga balahibo ko!" Sabi naman ng isang naka-pony tail.

Di ko na narinig ang mga ibang sinasabi nila dahil pumasok na ako dito sa room namin.

Mag-isa lang ako dito at walang kasama. Room 208. Dito yun diba? Totoo kaya yun?

Nagtaka ako. Siguro nga, totoo dahil... Di ba dapat nandito na ang ibang classmates ko? Nasaan na yung tatlong nerd? Palagi silang maaga ah. Everytime na pumapasok ako, nandito na sila. Atsaka pati yung limang lalaki. Sa ganitong oras, andito na dapat sila. Nasaan na sila?

Baka nga totoo? No!! Ayaw ko pang makakita ng multo!

Maya maya lang, nagsidatingan na ang mga classmates ko at nandito na rin si Ma'am Shirley.

Hindi na ako nakinig sa discussion niya. Nakatingin lang ako sa may pintuan. Hinihintay si Calyx.. Hinihintay ko siyang dumating dahil wala pa siya.

Dalawang klase na ang natapos pero wala pa rin siya. At ngayon, break time na pero wala pa rin.

Teka nga lang, ba'y ko ba iniisip kung papasok siya o hindi? Wala na akong pakialam kung absent siya! Ba't ba siya ang nasa isip ko? Tss, makapunta na nga lang sa tambayan.

Wala pa ring nagbago rito. Marumi pa rin at di pa rin 'to nililinis ni Manong Janitor.

Naisipan ko namang kumuha ng garbage bag sa Janitor's room para masimulan ng linisan ang tambayan pero pabalik na sana ako sa tambayan nang...

"Sorry po, Ms. Kim." Sabi ng isang nerd habang nakaluhod siya at pinupunasan ang sapatos ni Kim.

"Dilaan mo!" Galit na sigaw ni Kim sa babae.

"P-pero.. Ms. Kim.. Babayaran ko na lang po."

Andami nang nanonood sa palabas na ito pero imbes na tulungan nila ang babae, tinatawanan pa nila ito.

"Dilaan mo sabi eh! Di mo ba alam na mas mahal pa ang sapatos na ito kaysa sa buhay mo? Bilis! Dilaan mo na!"

Tutulungan ko na sana ang babae kaso may humigit sa'kin palayo sa palabas na iyon.

Palabas na iyon para sa'kin dahil sa dami ng taong nanonood. Kawawa tuloy ang nerd na yun.

Nakatingin pa rin ako hanggang ngayon sa direksyon ng babae na para bang hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya.

Teka nga muna, sino ba 'tong taong 'to? Bigla-bigla na lang kasing nanghihigit eh!

Inis akong bumitaw na nga ako sa pagkakahawak niya sa'kin at huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya.

Humarap siya sa'kin.

"Hwag ka na kasing makisali dun."

"Gusto ko lang naman kasing tulungan yung babae, Audrey eh."

"Wag na. Ako na ang bahala dun."

At ayun, wala akong nagawa kundi ang bumalik na lang dito sa tambayan."

Nasa kalagitnaan na nga ako ng paglilinis. Konti na lang matatapos ko na 'to.

"Lumilinis na pala dito."

Tila napahinto ako sa pagpupulot ng mga nalaglag na dahon dahil sa nagsalita.

Lumingon ako.

"Ca--"

"Sorry. Lalayuan na pala kita."

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.

Anubayan! Para siyang multong sumusulpot kung saan-saan! Pero napansin ko lang, lulubog lilitaw siya sa klase. Kanina absent tapos ngayon papasok siya. Ang laki ng problema ng isang yun! Sinabi ko lang na lalayuan niya ako, hindi yung aabsent siya sa klase tapos papasok lang kung kailan niya gusto?

Pero teka, seryoso ba siya?

Seryoso ba siyang lalayuan na talaga niya ako?

"The Goddess Nerd Story"
-by jamilah_jam

Thanks for reading!!

The Goddess Nerd Story [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz