Chapter 9

242 6 0
                                    

CHAPTER 9..

I texted Manong Peter na para sunduin na ako pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

Manong Peter, nasaan ka na ba?

Maya-maya lang, may humintong sasakyan sa harap ko. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan tsaka siya sumilip.

"Oh poor stupid nerd. Wala ka bang sundo? Halika, ihahatid na kita." Sabi sakin ni Kim pero ang tono ng kanyang boses ay parang nang-iinsulto.

"No need Kimmy. Actually, hinihintay ko lang ang sundo ko." Sabi ko rin sa kanya with a fake.. Fake.. Fake smile.

"Really? May sundo ka? Oh, I guess pumapara ka lang ng jeep. Palibhasa kasi, mahirap ka! I wonder nga eh kung bakit maraming nakakapasok na nerd dito sa Save U. Well, lahat naman sila.. Kayo rather eh mahihirap. Tsk! Ewan ko ba kung bakit nagpapa-scholar pa ang Save U!" She glared at me after niyang sabihin yan.

Gusto ko siyang sumbatan pero bago pa ako makapagsalita, isinara na niya ang bintana ng kotse niya at agad na itong pinatakbo.

Napakajudgemental niya!

Mahihirap ba talaga ang tingin niya sa mga nerds? Err! I hate Kim, ever! Sino siya para ijudge ang Save U?

Idea ko kaya noon na tumanggap ang Save U ng mga scholars para naman kahit yun lang eh may maitulong ang Save U. Buti nga at nerds are smart di gaya sa kanya na puro bagsak ang mga grades.

"Parang may gusto kang patayin, ha." Nabigla ako sa nagsalita sa tabi ko.

Nakakagulat naman 'to oh. Parang kabuteng sumusulpot kahit saan.

"Meron nga." Sabi ko at tiningnan siya ng masama. "Ikaw."

"Ako?" Turo niya sa kanyang sarili.

"Nakakagulat ka! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot!" Pasigaw kong sabi dahil sa inis pero tinawanan niya lang ako pero yung tawang mahina lang.

"Magugulatin ka pala." Komento niya sakin. "Uh.. Hinihintay mo sundo mo?" Tanong niya.

"Di ba obvious?" Tanong ko rin sa kanya sa tonong naiinis na talaga.

"Tsk, ang sungit mo talaga."

Di ko na pinansin ang sinabi niyang yun. Muli akong napatingin sa phone ko baka sakaling nagtext na si Manong Peter pero wala eh. Wala siyang text.

"Sumabay ka na sakin." Anyaya niya. Tiningnan ko naman siya ng tinging nagtatanong. "Mag-isa ka na lang dito oh. Baka may mangyari pa sayo."

Ewan ko kung concern siya sakin o ano. Nakakatawang isipin na may concern siya sakin. May guard kaya akong kasama dito. Di ba niya nakikita si Manong guard?

Nakita kong may papalapit na sasakyan at maya-maya lang eh huminto ito sa harapan namin. Lumapit siya sa sasakyan at binuksan ang back seat.

Liningon niya akong muli. "Ihahatid na kita."

"Thanks. But.. No thanks. Hihintayin ko na lang ang sundo ko."

Akala ko sasakay na siya pero bigla niyang isinara ang pinto ng sasakyan at lumapit siya sakin.

"Sige, hihintayin ko na lang din ang sundo mo."

"I can manage myself. Wag mo na akong hintayin tsaka you're not my bodyguard. "

Nakakainis siya! Anong akala niya sakin? Isang bata na hindi kaya ang kanyang sarili?

Tinawan niya ang sinabi ko na siya namang ikinainis ko ng todo.

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon