CHAPTER 21

177 1 0
                                    

CHAPTER 21..

One week and two days past.

Lumipas ang mga araw at ngayon ay araw ng miyerkules. Nakakapanibago nga eh. Oo, naninibago ako dahil this past few days walang nag-aabang dito sa may main gate ng school, gaya ngayon.

Nasaan ba ang mga fangirls ng Savior Kings? Ba't wala sila dito sa main gate ng Save U? Eh, sa mga ganitong oras, nandito na sila at nag-aabang ah!

"Janella!" Napahinto ako sa paglalakad at agad na napalingon sa tumawag sa'kin. "Are you okay?" Tanong niya nang makalapit na siya sa'kin.

"Uhm-hmm." Tumango lang ako sa kanya pero laking gulat ko na lang nang maramdaman ko ang likod ng kanyang palad sa noo ko tapos pumaibaba sa may leeg ko.

"Wala ka namang sakit ah." Sabi niya sabay tanggal sa kamay niya sa leeg ko.

"I'm fine bestfriend. Wala akong sakit, okay?"

At ngayon, naramdaman ko naman ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Eh bakit parang matamlay ka? Nahihilo ka ba? Anong masakit sa'yo? Tara, dalhin na kita sa clinic." Sunod-sunod niyang sabi na makikita mo talaga sa mga mata niyang concern na concern siya sa'kin.

"Wala nga. Wala akong sakit." Tinanggal ko ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat and I give her a smile. "Okay lang ako."

"Are you sure?" Muli na naman niyang tanong.

"Oo nga. Ang kulit mo!"

Nagpatuloy na nga ako sa paglalakad at iniwan siya doon pero hindi ko napansing hinabol pala niya ako.

"Nag-aalala na ako sa'yo Janella, ha. Kahapon ka pa ganyan ah. Matamlay, parang may sakit. Tss, magsabi ka nga sa'kin ng totoo. Wala ka ba talagang sakit?"

"Audrey, ang kulit ah! Wala nga sabi eh." Inis kong sabi dahil medyo naiinis na ako sa paulit-ulit niyang tanong.

"Problem?"

I shook my head. At sa pagtingin ko sa kanyang mukha, nakita ko siyang ngumiti.

"Nami-miss mo na siya, noh?"

Hindi ko namalayan ang paghinto ng aking mga paa sa paglalakad at hindi ko akalaing pati siya ay napahinto na rin sa paglalakad.

"Huh?"

"Malungkot ka. Kaya ganyan ang mukha mo. Kaya ganyan na lamang ang mga ikinikilos mo dahil namimiss mo na si Calyx."

"Namimiss? No, hindi ah."

"Oo kaya."

Si Calyx? Namimiss ko? Hindi kaya. Bakit ko naman yun mamimiss? Tss, at itong si Audrey naman, pinagpipilitan sa'king miss ko na si Calyx.

Miss ko nga ba?

No, hindi 'to maaari!

Buong klase, hindi na ako nakinig. Paano naman kasi, iniisip ko na siya.

Pumapasok pa naman siya noon eh. Yun nga lang hindi na sa lahat ng mga subjects namin. Pero ngayon one week na siyang absent. One week na siyang hindi nagpapakita sa'kin. Pati nung lunes, pati kahapon hindi siya pumasok. At ang malala, marami na siyang absent.

Hayy, pati Save U parang lumungkot na rin. Pa'no ba naman kasi wala ng nag-iingay sa may gate. Parang bigla na lang kasing nawala ang mga Savior Kings pati mga fangirls nila ay tila nawala na rin. Ayan tuloy, wala nang kabuhay-buhay ang Save U.

"Ay, sh*t!!"

Nabitawan ko ang mga dala kong libro dahil nabigla ako sa kanyang ginawa.

Hindi naman sa nagsasalita ako ng badwords. Ni di nga ako nagsasalita nun eh! Pero dahil sa nagulat ako, nasabi ko ang salitang sh*t kay Kim.

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now