Chapter 13

206 3 0
                                    

CHAPTER 13..

Pagkalabas ko ng bahay, nakaready na ang service car sa harapan ko. Nakita ko namang nakasakay na si lola sa car niya at ready na rin siyang umalis.

"Bye lola!" -I shouted para marinig niya. She just smiled at me at pinatakbo na niya ang sasakyan niya.

Pinagbuksan naman ako ni Manong Peter ng pinto ng sasakyan.

"Manong Peter, di po ito ang gagamitin ko. Pakilabas po ang biniling car ni lola sakin sa garahe." -utos ko na agad din naman niyang sinunod.

Yung car na yun, that was the most expensive car I have. Gift yun sakin ni lola at ngayon ko lang ito gagamitin.

Lumapit ako kay manong Peter kasi di pa siya lumalabas sa new car ko.

"Sakay na.." -manong Peter said habang nakangiti.

"Give me the key manong Peter."

Lumabas naman siya pero di pa niya ibinibigay ang susi sakin.

"Eh sinong----"

"Ako na po ang magda-drive para sa sarili ko. Magrelax na lang po kayo dito sa bahay dahil day-off niyo po ngayon."

"Ihahatid kita.. Trabaho ko 'to.. Baka sisantihin pa ako ng lola mo 'pag di kita inihatid."

"Hindi yun.. Kaya ko naman pong magdrive eh.. Ako pong bahala sayo."

Ibinigay naman niya sakin ang susi.

"Teka, paano naman na ako niyan? Di na ba ako makakasabay sa pagpasok?"

Napatingin naman kaming pareho ni manong Peter kay Dawn na nakatayo sa may main door.

"Syempre sasabay ka pa rin sakin noh! Tara na nga, male-late ka na oh.." -sabi ko kay Dawn.

Pumasok na nga ako sa new car ko at pinaandar na ito. Pumasok din naman na si Dawn.

"Bye manong Peter! Enjoy your day!" -sabi ko tsaka pinatakbo ang sasakyan. Nakita ko din naman siyang nagwave samin.

"Parang baliktad naman yata.. Imbes na lalaki ang nagda-drive para sa babae, baliktad na.. Babae na ang nagda-drive para sa lalaki."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Dawn.

"Ikaw nga sana ang magda-drive para sakin eh pero ang tanong, alam mo bang magdrive?"

"Yun nga eh.. Hindi."

Napatawa na lang kaming pareho dahil dun. But I find it cool. Ang cool kaya netong ikaw mismo ang nagda-drive sa lalaki.

Nung inihinto ko itong sasakyan sa tapat ng gate ng school nila Dawn, napatigil lahat ang mga estudyante sa ginagawa nila at napatingin sa direksyon namin. Pero nagulat na sila nung lumabas na si Dawn.

Wow! Ang hanep mo Dawn. Parang celebrity ka na sa tingin nila ha!? :):)

-*-

Pagkapark na pagkapark ko dito sa car na 'to, all eyes sila sakin lalo na nung lumabas na ako. Yung iba naman nakanganga. Basta natatawa ako sa kanila.

Ang akala nila siguro celebrity ang nakasakay haha.. Ako lang pala yun.. As usual, hinihintay na naman nila ang Savior Kings. Hay! Di ba sila nagsasawa?

At eto na naman sila.. Nagsisimula na naman ang mga bulungan nilang nakakabingi. Palagi ba namang ako ang laman ng mga bibig nila? Tsk! Nakakasawa na!

"The nerd is here!"

"Akala ko ba poor siya?"

"Naku sis! Wag kang mainggit dyan, I'm sure nakaw lang yang sasakyan niya!"

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now