Chapter 14

187 3 0
                                    

Chapter 14..

Napatingin ako sa wrist watch ko at laking gulat ko na lang nang makita kong 12 minutes na lang before 1.

Ang tagal ko palang natulog sa auditorium and I also missed 2 subjects kanina. Does it mean, madedention ako?

"Janella!" Napahinto ako sa paglalakad when someone called my name.

Lumingon ako at nakita kong tumatakbo si Audrey palapit sakin.

"Saan ka pumunta? Kanina pa kita hinahanap ah.. Nakailang tawag na ako sa phone mo pero di mo pa sinasagot. Ayan tuloy di na tayo sabay nagsnack pati lunch na rin, di pa tayo nagsabay."

Napakunot naman ako ng noo dahil sa kanyang sinabi.

"Di ba ikaw yung nang-iwan ng sticky note sa locker ko?"

"Ha?" Tanong niya na parang di niya alam na may iniwan siyang sticky note sa locker ko. "Anong sticky note?"

"Yung sticky note na nakita ko sa locker ko. Hindi ba galing sa'yo yun?" Tanong ko na naman ulit.

"Hindi ah." Sagot niya sabay iling.

Napaisip naman ako dahil sa nalaman ko. Kung hindi si Audrey ang may-ari ng sticky note na yun, eh sino?

"Saan ka ba kasi nagpunta at di mo ako sinabayan sa pag-snack? Sayang ang binili kong carbonara kanina."

Bigla naman akong nakaramdam ng gutom nang banggitin niya ang carbonara.

Tumawa naman siya pero mahina lang. Dahil siguro sa narinig niya ang tiyan kong nag-aalarm na.

"Gutom ka noh?"

"Uhm-hmm." I nod. "Di pa kaya ako kumakain. Di pa ako nagsnack kanina tapos di pa ako pumasok sa dalawang subjects ko." Nagulat naman siya dahil sa narinig niya. "Does it mean ba, made-detention ako?" Tanong ko.

"Nagditch ka ng class mo? Ano nang nangyayari sa'yo Janella?"

Napaiwas ako ng tingin at nagsimula na akong naglakad kaya sumunod rin siya sakin at nakisabay na sa aking paglalakad.

"Hindi ako nagditch." Depensa ko sa aking sarili. "Ganito kasi yun, may nag-iwan ng sticky note sa locker ko. Akala ko sa'yo yun kaya pumunta ako sa auditorium tapos ayun, di na ako nakalabas dun kasi may naglock sa pinto. Tapos nakatulog ako. Nagising lang ako when Calyx pokes me on my arm. Kaya ngayon, nakalabas na rin ako sa wakas."

A smile formed on her lips matapos akong magkwento sa kanya.

"Bakit?" Bigla kong tanong dahil iba kasi ang ngiti niya.

"Ayieeh! Savior niya si Calyx!" Sabi niya habang kinikiliti niya ako sa aking tagiliran kaya napahinto ako sa paglalakad at hinuhuli ang kamay niyang kumikiliti sa'kin. "Sinusundan ka yata nung leader ng Savior Kings ah.." Sabi niya nang huminto na siya sa pagkiliti sa'kin.

"Hwag ka Audrey, ah. Hindi ko siya Savior saka nagkataon na dun sila nagpraktis kaya I conclude na di niya ako sinusundan." Sabi ko at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

"Therefore, I also conclude that Savior Kings is your Savior." Sabi niya habang nakasunod siya sa aking likuran. Naramdaman kong binilisan niya ang kanyang paglalakad upang makatabi sakin. "Pero, bagay talaga kayo ni Calyx." At di ko inaakalang yun ang sasabihin sakin pagkatabi niya sakin.

"Akala ko ba ayaw mo sa kanila? Eh bakit ngayon parang inilalapit mo ako kay Calyx?"

"Hate ko ang Savior Kings. No, hindi naman sa hate na hate ko pero di talaga ako fangirl." Tumingin siya sakin--sa mga mata ko. "Pero, pag nabuo na ang JANYX love team, ako ang unang magpapatayo ng fansclub niyo." Usal niya ng may pagkadiin sa Janyx.

"Janyx?"

"Janella plus Calyx equals Janyx." Tuwang tuwa niyang sabi.

"Ang weird! Ang pangit!" Komento ko sa nabuo niyang pangalan dahilan upang hindi siya makasagot.

Tiningnan ko siya at nakalagay ang isa niyang kamay sa baba niya. Alam kong nag-iisip. Tss, ano naman kaya ang iniisip niya?

"Alam ko na, Canella!" Masaya niyang sabi. "Teka, uy Janella! Saan ka pupunta?" Tanong niya nang palabas na ako nang gate. Siya naman kasi, sunod lang ng sunod sakin.

"Dyan sa cafe. Ilang minuto na lang kasi, mags-start na naman ang klase. Di pa kaya ako nagla-lunch." Sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

Nakita kong tumingin siya sa wrist watch niya.

"Halla." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa inusal niya. "Sorry ah, di na kita masasamahan. May gagawin pa kasi kami sa room namin eh."

"Okay lang." Tumango ako sa kanya.

Nagpatuloy na nga ako. Lumabas ako ng gate. Pumasok dito sa cafe at dali-daling nag-order. Dali-dali rin akong kumain dahil nga hinahabol ko ang oras.

1:03 pm. Takbo ako ng takbo papunta sa room namin. Late na talaga ako! Pagdating ko sa tapat ng room namin, nasa loob na nga si teacher. Pag-apak ko palang sa pintuan, sumalubong na agad sakin ang isang papel. Isang detention slip.

"Detention slip." Mahina kong usal na hindi alam kung narinig ba ni teacher.

"Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit binigyan kita ng detention slip, Ms. Avista." Sabi ni teacher sakin.

"Sir, sorry po. Kas---"

Hindi ko pa man naitutuloy ang aking sasabihin nang bigla na siyang nagsalita.

"Oo, nagditch ka ng class. Di ka pumasok sa science class ko at ngayon ang lakas ng loob mong pumasok dito sa music class ko?! Buti na lang at nakita ka ni Ms. Kim na nagditch."

Kim?

Napatingin ako kay Kim at ayun, ngising ngisi siya sa akin. Ang happy siguro niya noh? Dahil kagagawan niya ang ilock ako doon.

"Sir, hindi po ak---"

"A rule is a rule. Another detention slip?"

Tss, oo na. Eto na nga oh! Pupunta na!

Umiling ako kay teacher bilang sagot dahil ayaw kong madagdagan ng slip.

"Now, go!"

Nakakainis talaga! Alam ko namang isa sa mga rule ng Save U yun eh! Kaya nga gusto kong sabihin na nalock ako sa auditorium eh di naman ako gustong pagsalitain ni si James! Nakakainis!

Kasalanan ni Kim 'to eh! Tss! Alam kong kagagawan niya iyon dahil ngising ngisi siya kanina.

Paano na kapag nalaman 'to ni Lola? Ayaw kong malaman niya ang tungkol dito sa detention na 'to atsaka, di naman talaga ako nagditch!

My knight in shining armor, pwede mo ba akong tulungan?

"The Goddess Nerd Story"
-by jamilah_jam

*Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE!

Thanks for reading!!

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now