Prologue

937 14 1
                                    

PROLOGUE...

"Thank you po Manong Peter."

Bumaba na nga ako ng sasakyan. Huminga ako ng malalim tsaka ko itinaas ang mga kamay ko na para bang pinapakiramdaman ang hangin ng Pilipinas. I miss Philippines! Di pa rin siya nagbabago.. Matraffic pa rin katulad ng dati.

Napatingin naman ako sa paaralan sa harap ko. Savior University! Ang Save U, nagbago na.. Mas lalo na siyang gumanda. Here I come Save U! Dyan na ulit ako mag-aaral!

Kinuha ko na ang binili naming pagkain na kanina pang bitbit ni Manong Peter. Pumasok na nga ako sa loob ng Save U dala ang binili namin kanina.

I'm Janella Sabrine Avista pero mas kilala akong Janella Sabrine Salvatore.

I'm rich.

I'm smart.

I'm a happy and a kindhearted person.

And I even look like an angel.

I'm hot.

I'm gorgeous.

And I consider myself as a goddess.

Ngunit lahat ng yan ay gustong-gusto kong itago sa pagpapanggap bilang NERD. Simply because I want a simple life. Gusto kong mabuhay na parang sila. I don't want that they will treat me special. Ganyan naman sila eh 'pag anak ka ng may-ari ng school. Trinatrato ka nilang iba. Parang santong sinasamba at parang reynang sinusunod nila.. And I hate that kind of treatment.

Usually NERDS are weak. Pero magiging iba ako sa kanila.

"Hey miss, you need help?" -tanong ng isang lalaking ubod ng gwapo.

I still remember, ganito din yun eh..

"You need help?"

"Yeah, sure."

Kinuha na niya ang trolley bag ko at siya na ang nagdala. At ngayon, sabay na kaming naglalakad palabas ng school gate.

"Sabrina, you're beautiful."

"Sabrina is not my name. I'm Janella Sabrine."

"Whatever. I want to call you Sabrina. That's final. No buts.."

"Janella!" -liningon ko ang tumawag sakin kaya napahinto ako sa paglalakad pati na rin siya.

"Oh, my yaya is here na. Thanks for helping me."

"You're always welcome." -he said with a wide smile on his face. Kinuha ko naman na ang bag ko sa kanya.

"By the way, what's your name?"

"CALEB!" -someone called at him kaya di na niya nasagot ang tanong ko at tumakbo na siya palapit dun sa babae.

CALEB. Yan ang natatandaan kong pangalan niya. Kaya simula nun, Caleb na rin ang tawag ko sa kanya. That conversation, dyan nagsimula ang lahat. Lagi na kaming magkasama, magkasundo sa lahat ng bagay at magkasabay sa lakad ng buhay. Until one day pinaghiwalay kami ng tadhana.

"Hey miss, are you okay?" -nagising naman ako mula sa pag-iisip nang nagsalita siya. Halla! Nakatulala na pala ako sa kanya.

Darn this boy infront of me! Pinaalala pa niya ang taong miss na miss ko at gustong-gusto kong makita!

"N-no thanks.. I can manage."

"Caleb!" -liningon naman niya ang tumawag sa kanya. Lumapit siya dun at iniwan na ako dito.

Caleb? Napabuntong hininga ako. Siguro naiba lang ako ng dinig. Siguro naman hindi siya si Caleb. Hallucination ko lang siguro yun.

That name, I already miss him! Magkikita pa kaya kami? Hinihintay pa rin kaya niya ako? Sana naman, magkaroon kami ng happy ending.

I'm Janella Sabrine Salvatore Avista na naghahangad ng happy ending. At ito ang aking kwento bilang isang NERD.

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now