Chapter 22

194 2 0
                                    

CHAPTER 22..

Gabi na pero nandito pa rin ako sa Save U. Ayaw ko pang umuwi kaya ginusto kong dumito na lang muna.

Pumunta ako sa office ni tito kanina pero wala na siya kaya naisipan kong magtungo na lang sa tambayan.

Pumasok na nga ako sa gate. Nagtaka ng ako eh kung bakit nakabukas eh kanina naman ay isinara ko.

Laking gulat ko na lang nang may lalaking nakaupo sa bench. Di ko naman makita ang mukha niya kasi madilim. Tanging liwanang lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa lugar na ito. Atsaka hindi ko talaga siya makita dahil blurred ang kanyang mukha. Aalis na sana ako kaya lang napahinto ako sa paglalakad nang siya ay magsalita.

"Alam mo bang matagal na kitang hinihintay dito?"

Humarap ako sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa'kin.

"C-caleb?"

"Akala ko di na kita makikita."

"Caleb! Ikaw nga!" At sa sandaling ito ay napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

"I miss you Sabrina. Pero..." Huminto siya sa pagsasalita at naramdaman ko na lang na tinatanggal na niya ang mga kamay kong nakayakap sa kanya. Nakikita ko ngayon sa kanyang mga matang nakatitig sa'kin ang lungkot. "Sorry. Gustuhin ko mang makasama ka, pero hindi na iyon maaari."

Napakunot ang aking noo sa aking narinig at tila bumilis ang pagtibok ng aking puso. "B-bakit?" Tanong ko ng may pagtataka. Bakit hindi na pwede? Medyo nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya. Multo na ba siya?

"Lalayo na ako. Lalayuan na kita. Yun naman ang gusto mo, diba?" May mga luhang nangingilid sa kanyang mga mata at maya maya lang ay nakita ko na ang pag-agos ng mga ito sa kanyang mukha.

Umiiyak siya.

Hinawakan ko ang kanyang mukha at dahan dahan kong pinunasan ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.

Bigla akong napapikit ng tumama sa aking mata ang isang maliwanag na bagay pero laking gulat ko na lang ng biglang naging maliwanag ang buong paligid nang buksan ko na ang aking mga mata. Pero teka. Nasaan na si Caleb? Ba't hindi na si Caleb ang nasa harap ko? Bakit nandito si..

"Calyx?" Agad kong tinanggal ang kamay ko sa mukha niya.

At ganon na lang din ang pagkagulat ko ng marinig ko ang isang tinig.

"Hoy Calyx, bumangon ka na."

Ang sakit sa mata! Masakit nga pero pinilit ko pa ring imulat ang mga ito.

At ayun na nga, nakita ko si Kuya Sid na binubuksan na ang mga bintana. Tapos ang mga kurtina ay inalis niya lahat.

"W-what are you doing?" Inis kong tanong habang ako'y bumabangon.

"Ayos ba? Gising ka na?"

Pinanliitan ko nga siya ng mata.

"Ayos ang panaginip ah.." Tumawa siya ng nakakaloko. "Calyx na naman!" Umupo siya sa side ng kama ko habang nakangiti pa rin ng nakakaloko.

"Huh? Hindi ah." Hindi naman talaga eh. Si Caleb yun at hindi si Calyx.

"Naku, dine-deny pa. Wag ka ng magsinungaling dahil narinig ko ang pagbanggit mo sa pangalan niya." Tinapik niya ang aking balikat. "Naiintindihan kita. Miss mo na siya."

Tinaggal ko ang kamay niya sa balikat ko atsaka ako humiga ulit. Inaantok pa kasi ako tsaka wala ako sa mood para makipagkulitan dito kay Kuya.

Hay, bakit ba kasi ganun? Bakit kada napapanaginipan ko si Caleb, bigla na lang nagiging si Calyx?

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now