Epilogue

293 11 0
                                    

Epilogue..

"Hi Janella!"

"Good morning, Janella!"

Bati sa'kin ng mga estudyanteng nakakasalubong at nadadaanan ko dito sa school grounds ng Save U.

"Si Janella!" Sigaw ng isang babae. "Give her the way." Sabi niya kaya naman agad na tumabi ang mga nasa gitna ng hallway.

"Wow! Ang ganda talaga niya!"

"It's just she have everything!"

"Nakakainggit talaga siya!"

"She's now my idol!"

Rinig kong sabi pa ng iba. Hindi naman malakas ang pagkakasabi nila pero tamang lakas lang upang marinig ko.

"Ghad! Natotomboy na yata ako sa kanya!"

Natawa ako dun sa sabi ng isa sa kanila pero hindi ko na yun masyadong pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad upang tuluyang makadaan sa harap nila. Nginitian ko na lang sila kaya naman panay din ang pagngiti nila pabalik sa'kin.

"Hi Janella!" Bati ng isang lalaking nerd sa'kin.

"Hi." Binati ko rin siya pero hindi ko naman inaasahang makikilig siya sa simpleng hi ko lang sa kanya.

Siguro tama nga. Tama nga na ang lakas ng dating ko sa kanila. Na kahit na sino eh binabati ako kahit hindi ko naman talaga sila kilala.

Limang araw na pala ang nakalipas. Limang araw na puno ng pagbabago. At sa limang araw na yun, naibunyag ko na rin ang tunay kong pagkatao. Limang araw na rin pala ang nakalipas nang umalis si Kim ng Pilipinas papuntang States. Hindi ko mawari kung ano itong nararamdaman ko ngayon -- lungkot, saya, basta halo-halong emosyon. Siguro malungkot ako dahil wala na dito si Kim gayong bati na kami at saya naman dahil naging peaceful na ang Save U. Wala nang mga estudyanteng nabubully di tulad ng dati.

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa kumpulan ng mga babae dito sa gitna ng daan. Tila may pinapanood sila sa isang iPad ng isa sa kanila.

"Excuse me." Saad ko pero tila hindi nila narinig ang aking sinabi dahil busy sila sa kanilang pinapanood. "Excuse me." Muli kong sabi kaya naman iritang napalingon sa'kin ang isa sa kanila pero nang makita niyang ako ang nagsabi nun, biglang nag-iba ang ekspresyon niya.

Ngumiti siya sa'kin at dahan-dahang kinalabit ang kanyang kasamahan upang tumingin sa'kin. Unti-unti silang tumabi habang nakayuko silang lahat.

Ganito pa rin pala talaga ang epekto ko sa kanila. Wala pa ring pagbabago. Siguro ganito na talaga forever kaya kahit gustuhin ko mang i-treat nila ako as an ordinary person, hindi na yun mangyayari dahil ako si Janella..

Ako si Janella Sabrine Avista pero mas kilala sa pangalang Janella Sabrine Salvatore na nagpanggap bilang NERD dahil sa kagustuhang magkaroon ng simple at mapayapang buhay.. kagustuhang hindi ituring na espesyal na parang santong sinasamba at reynang sinusunod nila. Pero kahit siguro anong klaseng pagbabago ang gusto ko, kung alam naman nilang ako si Janella Salvatore, wala pa ring pagbabagong magaganap dahil nga sa katotohanang ako si Janella Sabrine Salvatore who is ..

Rich.

Smart.

Happy and a kindhearted person.

Looks like an angel.

Hot.

Gorgeous.

And a goddess.

"Oopps!" I was shocked when I accidentally bumped a person. Busy kasi ako sa paglinga-linga at hindi ko naman siya agad nakita but instead na ako ang magsorry eh.. "I'm sorry, Miss." Pagpapaumanhin niya tsaka niya pinulot ang gamit niyang tumilapon sa sahig. "Sorry miss." Muli niyang saad bago niya ako tinalikuran.

Teka, she's familiar! She wears an eyeglasses and her hair was curled. I noticed that she's beautiful without eyeglasses and it feels like she's Janella! Ya! The nerd Janella!

Wait! Hindi kaya siya si Airina? Do I have a twin? Bakit magkamukha kami?

Pero agad nabaling sa iba ang atensyon ko nang may tumawag sa'kin.

"Janella!" Agad akong napalingon sa taong tumawag sa'kin. His voice. Kahit hindi na'ko lumingon, alam ko na kung kanino ang boses na yun. And it was really him. Yeah, it was Calyx.. the only guy I love.

Tumakbo siya palapit sa'kin at agad akong niyakap. "Namiss kita." Psh, parang kagabi lang kami nagkita ah, miss na agad?

Pero ganyan nga ka-sweet si Calyx sa'kin. Everyday siyang sweet sa'kin at mas lalo siyang nagiging sweet araw-araw. Siguro hindi ko na mababago pa ang ka-sweetan niya and I like it. I like him to be that sweet dahil siguro sa siya si Calyx Evanny Ey that turned out to be Caleb. I really love this guy. I really love him and I can feel that he love me too.

Siguro masasabi ko na 'tong happy ending dahil kahit hindi kami nagkita ng mahabang panahon, eto ngayon at pinagtagpo kami ng tadhana.

"Calyx, tawag ka ni sir Mij!" Sabi sa kanya ng kabanda niya na Owy yata ang pangalan.

Kaya naman agad na niya akong iniwan. Parang nagmamadali nga siya kanina eh siguro may pag-uusapan sila ng sir Mij nila tungkol sa concert nilang Savior Kings. Pero bago pa man siya tuluyang makaalis sa harapan ko ay agad niya akong hinalikan.

See? It was really a happy ending!

It was really a happy ending dahil ako si Janella Sabrine Salvatore na noon man'y naghangad ng happy ending. At ito ang aking naging kwento bilang isang NERD.

The End..
Thanks for reading!

@jamilah_jam

Happy graduation nga pala to myself!!

The Goddess Nerd Story [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora