Chapter 6

301 9 0
                                    

CHAPTER 6..

Pagpasok ko, good thing at wala pang teacher at konti pa lang ang tao dito. Tanging ang limang lalaki lang at ang dalawang nerd ang nandito.

Umupo ako sa bandang likod. Di ko naman inaasahang makinig sa usapan ng mga lalaki dito.

"Dumating na ba yung si Janella Salvatore?"

"Sabi ng President na yun, dito daw ang room niya."

"Baka male-late lang yun.. Hanapin kaya natin mamaya? Gusto ko siyang makita."

"Ulol. Ba't mo pa yun hahanapin eh dito na nga ang room nun! Classmate natin si Janella brad!"

"Maganda kaya yun? ARAY! Ba't ka nambatok?"

"Malamang pare, anak kaya yun ng may-ari ng school.. Salvatore yun brad!"

"Malay ko ba! Meron din namang pangit na anak ng may-ari ng school eh! Malay natin.. Nakita na ba natin yung Janella huh?"

"Nakita ko na yun.. Yun nga lang bata palang kami nun.. Classmate ko yun nung gradeschool kami. Haha.. Sayang! Sa ibang school kayo nag-aral."

"Siguro sobrang ganda na nya ngayon noh?"

Tsk.. tsk.. itong mga 'to talaga.. Mamaya mag-aaway-away na 'tong mga 'to eh..

After a few minutes, nagsidatingan na ang mga new classmate ko. Napatingin naman silang lahat sa akin. Uh-oh! Bakit kaya?

Lumapit sakin si Kim. Wag niyong sabihing classmate ko siya. Or else..

"You! Stupid nerd!" -sabi niya habang nakaturo ang index finger niya sa akin.

Ako naman, hindi ako umiimik.

"That's my property!"

"Property? Saan?" -tanong ko sa kanya. As far as I know, wala naman siyang property eh.

"Umalis ka nga dyan! That's my chair! Di mo ba nakita 'to?" -turo niya sa nakasulat dito sa upuan. "K.I.M.. KIM! And that's mine!"

Tumayo ako pero di ko kinuha ang gamit ko.

"Oh, sorry.." -sabi ko tyaka ko inilapit ang bunganga ko sa tenga niya. "Wag kang umasta na parang reyna kasi hindi bagay sa'yo. You're not a queen." -bulong ko sa kanya na siya namang ikinagalit niya.

"Sino ka para sabihin sakin yan? You didn't know me! You're just a stupid nerd na nagtransfer dito! Don't try me nerdy, di mo alam kung anong kaya kong gawin sayo.."

Napangisi na lang ako sa sinabi niya.

"Oo nga noh, di pa kita kilala. Sino ka ba?"

"Ako lang naman ang magiging tagapagmana ng school na 'to. My stepdad is a Salvatore and I'm sure, ako na ang magmamay-ari nitong school after nilang ikasal ng mom ko. For your information nerdy, anak ako ng may-ari ng school na 'to! At para alam mo kung sino ang kinakalaban mo dito, ako ang sinusunod nila dito! I'm the queen here!"

"Oh, really?" -I said with matching cross arms pa

Magsasalita pa sana siya kaya lang pumasok na si teacher kaya halos tumahimik na din ang paligid.

Nakakainis talaga ang araw na 'to! Imagine, first day na first day of school nakipagsagutan na ako.

May-ari ng school.. Stepdad niya ay Salvatore? Like duh! In her DREAMS!

Kinuha ko ang bag ko at ready na akong lumabas kaya lang nagsalita si teacher.

"Settle down class.."

Kaya naman napahinto ako sa paglalakad. To be exact, nasa gitna po ako. Napatingin naman sakin si teacher.

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now