Chapter 7

223 6 0
                                    

CHAPTER 7..

Sa wakas uwian na!

Nagsilabasan na nga ang mga classmates ko. Ako naman, nagpapahuli sa paglabas. Maaga pa naman eh tsaka 5:00 ang sabi ko kay manong Peter sa pagsundo sakin. 4:30 pa lang kaya.

After 5 minutes, naisipan ko na ding lumabas na pero di pa ako uuwi kundi magto-tour muna ako dito sa Save U.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang maramdaman kong parang may sumusunod sakin. Lumingon ako pero wala naman. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at di na yun pinansin.

Parang may sumusunod talaga eh!

Kaya naman lumingon ulit ako pero talagang wala eh. Waahhh!!

Oh multo! Layuan mo ako...

Huminto ako sa paglalakad.

"Kung sino ka mang sumusunod sakin, pwede bang wag ka nang magtago?"

Lumingon ulit ako and there, nakita ko si Calyx na palapit sakin. Yung mukha niya, seryoso pa rin.

"Hindi kita sinusundan ah." -he said nang nakapamulsa.

"Oh well, defensive ka masyado. Halata tsong!"

"Saan ka ba pupunta? Kasi ako, pupunta ako sa parking lot." -sabi niya at nilampasan na ako sa paglalakad.

Hinabol ko nga siya.

"Dun ang parking lot! Wrong way ka.." -sabi ko naman sa kanya sabay turo sa daan papuntang parking area.

"Tss. Samahan na nga kita sa lakad mo. "

Lihim akong napangiti. Eh kasi naman, kung anu-ano pang sinasabi sinusundan lang pala niya ako.

"We're now friends. Saan ka ba pupunta?"

"Wala. Maglilibot-libot lang dito."

At eto, sinamahan nga niya ako. Magkasabay lang kami sa paglalakad at ni isa sa amin, walang nagsasalita.

Mas mabuti pa ngang mag-isa na lang ako kaysa sa ganito.

Kakausapin ko sana siya kaya lang seryoso eh. Err! parang ang hirap pakisamahan ang mga seryosong tao!

At ngayon, tinginan naman ang mga tao sa amin. I wonder why. Bakit kaya? Bawal bang makasama ang taong 'to? Kasi pakiramdam ko, ako yung magnanakaw sa isang tindahan na ngayon eh, tinutugis na ng mga pulis. Ang sama ng tingin sakin eh!

Hindi ko na pinansin ang mga taong yun. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang walang imikan hanggang sa makarating kami sa grade school.

At ngayon, palabas na kami ng gate. Sa gate na 'to, dito nagsimula ang lahat.

Napatigil ako sa paglalakad, ganun din siya. Caleb naman eh! Pinapaalala mo sa akin ang lahat! Di mo ba alam na miss na miss na kita, ha? Sana naman, magpakita ka na..

"Are you okay?" -tanong niya sa akin.

"Ah.. oo naman. May naalala lang." -I answered

"Parehas pala tayo." -sabi niya

Lumabas na nga kami ng gate at nagpatuloy sa paglalakad papuntang parking lot.

"JANELLA!" -tawag ng isang familiar na boses sakin. Napahinto ako sa paglalakad. Lumingon-lingon ako para hanapin kung kanino ang boses na yun.

Nakuta ko si Dawn na kumakaway sakin.

"Mauna na ako. Salamat sa pagsama." -sabi ko sa kanya. Nagpasalamat talaga ako kahit ayoko siyang makasama. Ang seryoso naman niya kasi eh.

"Calyx ha. Don't forget my name. It's Calyx, Janella."

Nagnod na lang ako sa kanya tsaka ako naglakad palapit kay Dawn.

"Ang aga naman yatang natapos ang klase mo." -sani ko sa kanya. Ang pagkaka alam ko, 5pm pa matatapos ang klase niya.

"5:00 na kaya. Muntikan na kitang di makilala kanina ah.. Tanggalin mo na nga yang eyeglass mo." -sabi niya at pinipilit na talaga niyang tanggalin ang eyeglasses ko pero iniiwas ko ang mukha ko at pinipigilan ang kamay nya para di niya matanggal. Mahirap na baka may makakita pa sakin dito. Ayokong mabuko noh!

"Hawakan mo na lang 'tong hawak kong libro." -I said habang ibinibigay sa kanya ang dalawa kong libro tsaka ako sumakay sa kotse. Pumasok na din naman na siya.

"Wala ka na bang dadaanan?" -tanong naman ni manong Peter

"Sa isawan po manong Peter. Ililibre po tayo ni Dawn." -I said then he started the engine

"Halla! Para namang andami kong pera oh! Ni singko nga, wala.." -sabi ni Dawn

Ngumiti naman ako nang nakakaloko. "Basta dadaan tayo dun manong Peter ha.."

"Aba siyempre naman.. Ngayon lang kaya manlilibre si Dawn."

Napansin ko namang nakasimangot na si Dawn. Joke ko lang naman yun. Ako pa rin ang manlilibre. Kilala ko na di Dawn, matipid talaga yan kaya di ko pa natikman ang libre niya. Madami na kaya siyang ipon.

~•~

"Bili na.. Bili na.."

"Hanap niyo ma'am?"

"Suki! Dito oh, suki!"

"Pili lang ng pili!"

Dumiretso agad kami kay manang Luna. Natatawa ako dito kay Dawn kasi hanggang ngayon, nakasimangot pa rin siya.

"Wag kang mag-alala aki ang manlilibre. Kilala naman na kita eh, masyado kang matipid." -sabi ko sa kanya.

"Dawn, naku sino yang kasama mo ha? At akala ko ba isasama ja na ni Janella dito?" -sabi ni manang Luna kay Dawn

"Manang Luna naman, si Janella 'to noh.. Nakapang disguise lang." -sabi ko

Natawa lang naman siya.

"Ikaw talaga! Papalit palit ka ng mukha.. O anong order?" -tanong niya

"Siyempre dati po.." -sagot ko

"Dagdagan niyo lang po ng fries." -Dawn

Pagkatapos naming mag-order, umupo na kami sa table number 2. Naku, itong si manong Peter nauna na talagang umupo.

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon