Chapter 28

178 4 0
                                    

CHAPTER 28..

Naglalakad ako ngayon papuntang locker ko. Hindi ako pumasok sa dalawang subject kasi na-late ako ng gising kaya ngayon lang ako pumasok.

Nakita ko si Calyx sa locker niya kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Miss na nga niya.. Mahal mo na, diba?"

Kabute talaga 'tong si Khaled. Sumusulpot na lang kung saan-saan.

"Alam kong mas mahal mo na siya kaysa kay Caleb. Nararamdaman ko yun." Dagdag niya na parang proud pa sa pakiramdam niyang iyon.

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Calyx.

Mahal ko na nga siya. Parang ang bilis pero yun na eh. Mahal ko siya. Ewan ko kung bakit basta mahal ko na siya.

"Kung lapitan mo na kaya siya?" Tama si Khaled. Mas mabuting kausapin ko siya. "O siya, maiwan ko na kayo dito. Kailangan niyo ng privacy.

Mahal ko si Calyx pero alam kong di na niya ako mahal kasi si Kim na ngayon ang mahal niya. Kahit ganun, pwede pa rin naman kaming magkaibigan diba? Kahit hindi na ako ang mahal niya, okay lang basta maging magkaibigan pa rin kami. Hanggang kaibigan na lang talaga. Nakakamiss na kasi siya eh. Gusto ko nang bumalik na kami sa dati.

Kaya bago pa niya maisara ang locker niya ay tinawag ko na ang pangalan niya.

"Calyx!" Tumingin siya sa direksyon ko. Pero saglit lang ang tingin na yun.

Isinara na niya agad ang locker niya kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Calyx, kausapin mo naman ako oh." Nakatingin lang siya sa'kin ng walang ka-emo-emosyon ang mukha. "Akala ko ba magkaibigan pa rin tayo? Eh bakit ngayon, lumalayo ka na sa'kin? Gusto ko nang bumalik tayo sa dati."

Naghintay ako sa kung ano man ang isasagot niya pero hindi siya sumagot. Linampasan na nga niya ako without uttering even just a single word.

Liningon ko siya.

"Mahal kita, Calyx." Napahinto siya sa paglalakad. Akala ko haharap siya sa'kin pero hindi eh..

Napakatanga ko talaga. Alam ko na ngang iba na ang mahal niya pero eto pa rin ako, nagco-confess sa kanya.

"Sorry kung manhid ako.. sorry kung ngayon ko lang na-realize na ikaw ang mahal ko. Calyx, mahal kita." Saad ko pa rin kahit alam kong hindi na siya lilingon pa sa'kin.

Lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa ko. Ganito pala ang feeling ng ma-busted. Ang sakit pala. Ang sakit sa pakiramdam na pinapanood mo na lang siyang lumalayo sa'yo.

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinapanood siyang naglalakad paalis.

Hanggang dito na lang ba?

Pagsisisi. Yan ang nararamdaman ko ngayon eh. Nagsisisi ako.. Ang dami kong pinagsisisihan. Gusto kong umiyak.. Ang sakit isipin na ang taong mahal mo, hindi ka mahal.

Buong klase, wala akong naintindihan.. walang pumapasok sa isip ko hanggang sa matapos ang last subject ay wala pa rin.

Naghihintay ako ngayon dito sa labas ng café na malapit sa school namin. Medyo nakaramdan kasi ako ng gutom kanina kaya napagdesisyunan kong kumain muna at dito na lang sa labas ng café hintayin si Manong Peter.

"You! Stupid poor nerd!"

Napatingala ako para tingnan kung sino ang nagsalita. Siya lang pala. Anong kailangan niya sa'kin? Akala ko ba di na niya ako papansinin? Akala ko tumigil na rin ang kasamaan niya? At akala ko tinigilan na niya ako?

"Pwede ba kitang kausapin?" Malumanay niyang sabi. Kahit kailan talaga may katangahan 'tong si Kim. Kinakausap na nga niya ako, nagtanong pa.

Teka, anong sabi niya? Kakausapin niya ako? Hindi siya galit?

Uminom muna ako ng tubig na kanina lang ay hawak ko bago ako nagsalita. Medyo hindi ko kasi malunok ang kinakain kong cupcake.

"Oh, bakit? May kailangan ka sa'kin?" Mataray kong tanong sa kanya. Ah, hindi pala. Medyo mataray lang ng konti.

Umupo siya sa upuan na nasa tapat ko at hinawakan ang kamay kong nasa mesa.

"Janella," saad niya. Wow, first time ata niyang tawagin ako sa pangalan ko. "Mahal mo naman siya diba? Mahal ka niya. Ikaw ang mahal niya at hindi ako. Ginawa ko na ang lahat para mahalin niya ako pero ikaw at ikaw pa rin ang gusto niya."

Akala ko mahal nils ang isat-isa. Masaya pa nga silang dalawa diba? Pero ano 'tong dramang 'to?

Hindi ako naimik.

"Hindi ko na kayang nakikita siyang nakakaganun. Kaya Janella, mahalin mo na siya. Hwag mo na siyang saktan." Teka, saktan? Kailan ko ba siya sinaktan? "Nasaktan siya noong binasted mo siya." Aba, nabasa niya ang tanong ko sa isip ko?

"Mahal na mahal mo siya, diba? Sinusukuan mo na ba siya? Nasa'yo na siya eh."

She smiled. A genuine smile.

"Sa'yo siya dapat. Hindi sa'kin."

Tumayo siya at umalis. Ganun na lang ba yun? Tapos na ang usapan namin?

Pero bagi siya tuluyang umalis, liningon niya muna ako.

"Narinig ko ang sinabi mo kanina sa locker area."

Bigla akong namula. Ang ibig ba niyang sabihin ay ang confession ko kay Calyx?

"Tama talaga ang instinct ko."

"Mahal mo talaga siya."

"The Goddess Nerd Story"
-by jamilah_jam

Thanks for reading!!

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now