Chapter 4

314 10 1
                                    

CHAPTER 4..

Nagpatuloy na nga ako ng paglalakad papunta sa office ni tito Andy.

Di na sana ako pupunta dito kaya lang di pa ako nakapag-enroll at para na rin magkita na kami ni tito. Good thing naman at walang masyadong estudyante ngayon.

"My favorite niece is here. Glad to see you." -sabi niya sakin habang ngiting-ngiti.

Lumapit naman siya at niyakap ako saglit. "Have a seat." -utos niya tsaka siya umupo sa swivel chair niya.

"What brings you here?" -tanong niya.

"Gusto lang kitang makita tito and I brought you your favorite food." -sabi ko tsaka ko inilagay ang mga pagkain sa table niya.

"Actually, I'm here para mag-enroll.."

"Enroll? Naka-enroll ka na.."

Ako? Naka-enroll na ako? That's impossible! Eh sino namang nang-enroll sakin? Posibleng si lola eh busy yun sa business niya..

"P-pero.. Paano?"

"Online.." -tipid niyang sagot at tumingin na siya ulit sa laptop niya.

Nagbago na nga itong Save U. Pati enrollment, naka-online na rin.. Wow ha! Kaya pala konti na lang ang mga estudyante ngayon. Akala ko marami ngayong tao dito kasi nga last enrollment na.. Yun pala naka-online na ang enrollment..

"Actually plano ko rin naman na bumisita sa bahay mamaya.. But thanks to the foods.."

"Alam ko naman pong busy kayo eh kaya ako na ang pumunta dito.."

"Gusto mo bang magtour dito sa Save U? Ang dami nang nabago.."

"Next time na lang tito.. Tinatamad kasi akong maglakad."

Tinatamad talaga ako.. Tsaka baka makasalubong ko pa si Kim. Dati ko yang kaaway. Hindi naman ako ang umaaway kundi siya ang umaaway sakin.. Di niya kasi matanggap na mas popular ako kaysa sa kanya. Syempre, anak kaya ako ng isa sa mga may-ari ng school. At ramdam ko na hanggang ngayon, naiinggit pa rin siya sakin. Dahil na rin sa mas matalino ako kaysa sa kanya. Kung pwede lang sanang di ako mag-aral, ginawa ko na.. Mataas kasi ang I.Q ko. Di tulad sa kanya na kahit always present siya sa school, nasa last top pa rin siya..

Kaya ang ginawa ko na lang dito sa office ni tito, nakipagkwentuhan na lang sa kanya.. Close kasi kami eh at nung bata ako, daddy rin ang tawag ko sa kanya pero ngayon tito na..

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa school, tungkol sakin sa England at kung ano-ano pa..

-*-

"Manong Peter, tara na po.." -sabi ko pagkasakay ko sa sasakyan. Kaya naman he started the engine na.

"Manong, di po ba kayo nagugutom? Kasi ako may gusto akong kainin. Namiss ko na kasing kumain ng fishball tsaka isaw.."

"Gusto mo bang pumunta sa isawan?"

"Syempre manong.. Sige, dumaan muna tayo dun tsaka tayo uuwi.."

Sinunod naman ni manong Peter ang utos ko kaya ngayon hinahanap ko ang pwesto ni manang Luna.

"Halina suki!"

"Pili lang.. Pili lang!"

"Ano hanap niyo ma'am?"

"Lahat ng klase meron dito!"

Nag-iba na rin dito sa isawan. Noon, ang dali-daling hanapin ang pwesto ni manang Luna, pero ngayon ang hirap na.. Nagbago na nga dito dahil luminis na at umorganize na pero tulad pa rin siya ng dati.. Mausok pa rin..

Malamang Janella, isawan nga di ba?

"Manong Peter, naaalala mo pa ba ang pwesto ni manang Luna?"

"Isawan ba ni Luna ang hinahanap mo? Haha.. Akala ko naghahanap ka ng iba.. Dapat sinabi mo agad para di na tayo palakad-lakad dito.."

"Manong Peter naman.. Alam mo namang suki namin yun eh.."

"At suki ko rin.. Dun kami madalas nagmemeryenda ni Dawn.. Halika sumunod ka sakin."

Sinundan ko naman siya.. Si manong Peter talaga! Di pa niya sinabi kanina! Alam naman niyang dun ako dati eh..

"Peter! Calamares ulit?" -masayang sabi ni manang Luna kay manong Peter habang sumasandok siya ng palamig para sa isang customer niya.

"May naghahanap sayo.." -manong Peter.

Tiningnan naman ako ni manang Luna.

"Manang dating order ko po.." -sabi ko ng nakangiti.

"Sino 'to Peter? Suki ko ba 'to?" -tanong niya kay manong Peter.

"Manang Luna, di niyo na po ba ako natatandaan? Janella.."

"Janella! Oo! Naku, di kita namukhaan! Sobrang ganda mo na ah.. Kumusta ka na?"

"Okay lang naman po.. Ayos pa rin naman hanggang ngayon.."

Umupo naman kami ni manong Peter sa isang table na walang tao habang si manang Luna naman tanong ng tanong sakin habang nagluluto.

"Dine in? Take out?" -tanong niya.

"Take out na lang po.."

Iniabot ko sa kanya ang isang libo.

"Salamat manang Luna.. Keep the change na lang po.." -sabi ko pagkakuha ko ng plastic na kinalalagyan ng binili namin ni manong Peter.

"Naku Janella wag na.. Dapat ibigay ko sayo ang sukli mo.. Sandali lang."

"Wag na po manang Luna. Sayo na ang sukli.."

"O sige, basta bumalik ka ha.."

"Oo naman po.. Sa susunod kasama ko na si Dawn."

Si Dawn kasi ang dahilan kung bakit naging suki ko rin si manang Luna. Palagi kasi siyang pumupunta dito noon eh at isinama niya ako dito minsan. Sa una ayaw ko pa nga eh at nadudumihan ako sa mga pagkain dito pero noong pinatikim niya ako ng fishball at isaw, ako na noon ang nagyayaya sa kanya dito.. Dahil kay Dawn, nakilala ko ang isawan.

Pagkadating na pagkadating namin sa bahay,nagdiretso na kami ni manong Peter sa kusina. Inilagay naman na niya ang mga yun sa pinggan.

Nakita ko namang nakahalf open ang pinto ng isang maid's room. Tatlo kasi ang kwarto ng mga katulong dito at ang isa dun ay kwarto ni Dawn. Kumuha ako ng isang pinggan at nilagyan ko iyon ng fishball, isaw, kikiam, kwek-kwek at calamares.

Kumatok muna ako. Tiningnan lang naman ako ni Dawn. Pumasok na ako kasi nakahalf-open naman itong room niya.

"Dawn, dinalhan kita ng favorite food mo.." -sabi ko sa kanya tsaka ko yun inilagay sa side table niya.

Pagkalagay ko ng pinggan dun, napansin ko namang nakadisplay pa rin ang gift ko sa kanyang batman na laruan noon.

Di pa rin siya umiimik at di pa rin niya ako pinapansin dito. Nakatingin lang siya sa phone niya. Naglalaro yata..

Tumabi ako ng tumabi sa kanya.

"Alam mo Dawn, noon ganito tayo ka-close."

Tumayo ako at lumayo ng limang hakbang. Napatingin naman siya sakin.

"Pero ngayon ganito na kalayo.. Nakakatampo ka na ah.. Ba't ba parang lumalayo ka na sa akin?"

"K-kasi.. Kasi nahihiya na ako sayo." -nahihiya niyang sabi sakin.

"Nahihiya? Dawn naman eh, ako pa rin 'to noh. Di ako nag-iba.."

"Sorry na.. Parang di kasi ako makapaniwala na nandito ka na ulit eh.."

Lumapit ako sa kanya tsaka ko siya niyakap.

"I miss you Dawn." -I said tsaka ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Tss.. May itinatagong hiya rin naman pala ang mga lalaki! Hay naku! Buti naman at nakausap ko na 'tong lalaking 'to.. Akala ko tuloy di na kami magiging close ulit.

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now