Chapter 2

381 10 0
                                    

CHAPTER 2..

Finally. Nasa Pilipinas na ako! This is my best gift ever!

Nasa airport na ako ngayon at kasalukuyuang naglalakad palapit kina Manong Peter at Nanay Eva.

Nakita ko naman sila kaagad kasi may hawak silang banner na may nakasulat na 'WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES JANELLA!'

Nakakalungkot nga lang kasi sa England, katulong ang naghatid sakin sa airport tapos dito, katulong din ang sumalubong sakin. Wala manlang kahit isa sa mga family ko ang nagpunta dito para salubungin ako? Tss..

Si mommy, maaga siyang pumasok sa work. Si daddy naman, may business trip sa France kaya ayun di na nila ako hinatid sa airport. Parang wala na akong halaga sa kanila, puro trabaho na lang ang inaatupag nila. Ni wala na nga silang time sakin eh. Parang mas love na nila ang trabaho kaysa sakin.. Tsk!

"Naku anak, dalaga ka na!" -sabi ni nanay Eva habang yakap-yakap pa rin niya ako ng mahigpit.

Nanay ang tawag ko sa kanya kasi yaya ko na siya mula nung bata pa ako. Tsaka she's like my second mother na rin kasi siya ang nag-alaga sakin. Nasa Engand kasi sina mom and dad noon at once in a blue moon lang nila akong bisitahin dito sa Pilipinas.

"Di kita nakilala agad ah! Grabe, ibang-iba ka na ngayon kumpara nung 8 years old ka pa lang.." -sabi naman ni manong Peter tsaka niya pinisil ang ilong ko.

"Manong Peter, I'm not a kid anymore!" -reklamo ko sa kanya.

Hayy.. Para akong ngongo kung magsalita kanina ah.. Actually, manong Peter is my driver na since I was a kid. Lagi nga niyang pinipisil ang ilong ko noon eh kaya siguro tumangos ito ng husto.

Binitawan naman na niya ang ilong ko tapos kinuha na niya ang nga gamit na dala ko.

"Tara na nga.. Para makapagpahinga ka na." -he said kaya nauna na siyang naglakad. Sumunod naman kami ni nanay Eva. Si nanay Eva na ang nagdala ng nga gamit ko na di na kayang dalhin ni manong Peter.

-*-

.BEEP.BEEP.

Finally I'm home! Nakita ko namang may nagbukas ng gate. Siguro bagong katulong kasi di naman familiar ang mukha niya sakin.

Pinagbuksan naman ako ng pinto ng sasakyan ni manong Peter kaya bumaba na ako. Sumunod naman si nanay Eva.

I'm home na nga pero parang wala namang tao. Siguro di nila alam na uuwi na ako at siguro nakatulog na si lola.

Ipinasok naman na nila ang mga gamit ko sa loob. Lumabas na rin si Dawn para tumulong sa pagpasok ng mga gamit ko. Si Dawn, anak yan ni nanay Eva at pinag-aaral siya ni lola pero hindi siya sa Save U nag-aaral kundi sa isang public school. Mula bata siya na ang kalaro ko kaya lang ngayon parang nahihiya na siya sakin. Ewan ko ba kung bakit. Sa tingin ko di naman ako nag-iba. Si Janella pa rin kaya 'to..

"Pumasok ka na sa loob anak.." -sabi naman ni nanay Eva.

"Dito na lang po muna ako." -sagot ko.

"Dawn, akayin mo nga si Janella.. Ayaw pumasok oh.." -utos ni nanay Eva. Liningon naman ako ni Dawn tsaka siya tumingin kay nanay Eva. Nakita ko siyang umiling at tuluyan na siyang pumasok sa loob bitbit ang ibang gamit ko.

Nanay Eva chuckled. "Nahihiya nga siya.. Tara na sa loob." -nanay Eva said tsaka niya ako hinila papasok.

Pagpasok ko dito sa loob, wala ngang tao.. Tss.. Di manlang pumunta sina tito at tita dito para iwelcome ako.. Tss.. At yung Sid na yun, sabi niya mag-aabang siya dito pero asan siya ngayon? Tsk! Bahala siya, andami ko pa manding biniling pasalubong para sa kanya.

Aakyat na sana ako sa hagdan kaso pinigilan ako ni nanay Eva.

"Ep.. Ep.. Saan ka pupunta? Kumain ka muna ng hapunan."

At ayun hinila na naman niya ako papuntang dining area.

Ano bang nangyayari dito kay nanay Eva? Kanina pa siya hila ng hila ah..

Nakita ko naman silang nakaupo na at ready nang kumain ng dinner. Mukhang ako na lang yata ang hinihintay nila.

"Ehem.. Ehem.." -I cleared ny throat kaya naman sabay-sabay silang napatingin sa direksiyon ko.

Nag-uunahan na nga silang tumayo at lumapit sakin ngayon eh..

"Janella! Wecome back!" -tita Ellice said tsaka niya ako niyakap pero agad din siyang kumalas.

"Welcome home my dearest niece!" -tito Nel said tapos niyakap niya ako ng mahigpit.

"Tito.. I can't breathe.." -reklamo ko kaya naman kumalas siya agad.

"Alis nga diyan tito.." -sabi ni kuya Sid kay tito Nel. Naku, nawalan na yata ng galang 'to ah.. "Namiss ko 'tong pinsan ko ah.." -he said pero imbes na yakapin niya ako, ang ginawa niya pinisil ang ilong at cheeks ko. "Ikaw na ba talaga 'to?" -sabi niya na parang di makapaniwala na andito na talaga ako.

"Ano ka ba! Ang sakit na ng pisngi ko!" -sabi ko naman sa kanya habang tinatanggal ang kamay niya sa pisngi ko. At ayun niyakap na lang niya ako.

"Tama na yan Sid." -lola said to kuya Sid

"Lola naman eh.."

"Tama na yang yakap-yakap na yan.."

At ayun nga pinalo ng pamaypay ni lola si kuya sa likod.

"Lola, namiss ko kaya 'tong pinsan ko." -he said tsaka siya kumalas sa pagkakayakap sakin.

Kaya ayun umupo na lang siya kung saan siya nakaupo kanina.

Kiniss naman ako ni lola sa pisngi. "I miss you apo." -sabi niya at niyakap na ako.

Pagkatapos ng yakapan naming yun kumain naman na kami dahil gutom na ako.

"Janella ha.. Marami kang ikwe-kwento sakin." -tita Ellice said with a smile. Nagnod na lang ako sa kanya as my answer.

"Akala mo siguro di ka na namin iwe-welcome noh?!"

Napatingin naman ako kay kuya Sid.

"May surprise kami para sa'yo. Manang Eva!" -kuya Sid.

Pumasok naman si nanay Eva mula sa dirty kitchen na may dalang cake at yung ibang katulong naman with manong Peter at ang dalawa pang driver eh nakasunod lang kay nanay. May hawak din silang balloons at nakasuot din sila ng party hats..

Natawa naman ako. Haha.. Parang bata lang!

"Happy birthday Janella!" -sabay sabay nilang sabi.

"Thank you.. Akala ko, nakalimutan niyo na ang birthday ko.."

"Hindi naman kami ulyanin para makalimutan ang birthday mo noh!" -kuya Sid na ngiting-ngiti.

"Sabihin mo lang kung anong gusto mong gift.." -tito Nel.

Gift daw oh! Kung sabihin ko kayang hanapin niya si Caleb?:) Pero wag na. Ako na lang ang maghahanap.. Nakakahiya naman kay tito.

Eto nga, tawa lang kami ng tawa habang kumakain. Kwento lang din naman ng kwento si tito Nel ng kung ano-ano. Sumabay na ding kumain ang mga katulong sa amin pero pansin ko lang, wala si Dawn. Talaga bang nahihiya siya? Tss..

Well, akala ko talaga wala nang magwe-welcome sakin sa pagbabalik ko. Ang saya ko.. Masaya na talaga sana eh kaya lang wala dito si tito Andy - ang daddy ni kuya Sid. Tanging si kuya, si tita Ellice at tito Nel lang ang nandito. Tatlo kasing magkakapatid sina mom eh. Si tito Andy, si mom at si tito Nel.

"Kanina nakangiti ka.. Ba't ganyan na ang mukha mo ngayon?" -tito Nel.

"Ba't wala dito si tito Andy? Di ba niya ako namiss?" -tanong ko sa kanila.

"Busy yun sa work. You know, enrollment na.." -sagot ni tita Ellice.

Tss! Napakaworkaholic naman ng isang yun! Mga Salvatore talaga. Pare-parehong workaholic.

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now