Chapter 23

197 5 0
                                    

CHAPTER 23..

Nagising ako dahil sa nagugutom na ako. Pagmulat ng mga mata ko, wala na si tito dito sa office niya. Hayy, napasarap ako ng tulog ah! Success! Di na ako inaantok!

Lumabas na nga ako ng office. Dumiretso muna ako sa canteen tsaka tumungo sa tambayan. Sakto pala ang gising ko dahil break time pa lamang. Ayos ah..

Kakapasok ko pa lamang sa gate may sumalubong na agad sa aking yakap pero saglit lang ang yakap na yun.

"Janella, namiss kita. Pwede bang wag na lang kitang layuan?"

Na-speechless ako. Hindi ko makuhang ibuka ang aking mga bibig.

Kumagat muna ako ng kinakain kong footlong bago ako magsalita. Sorry ah, gutom kasi ako eh.

Magsasalita na sana ako eh kaso naunahan niya ako.

"Ayaw ko nang mawalan ng kaibigan."

"Di ko naman kasi sinabing di na tayo magkaibigan. Ang sabi mo lang, layuan mo na'ko."

Magulo ba? Pati ako naguluhan din eh.

"Parang ganun na din yun. Parang sinasabi mo sa'kin na ayaw mo na akong kaibigan."

I didn't uttered a word instead, I hug him. Namiss ko siya pero ayaw ko namang sabihin sa kanya yun noh! Nakakahiya kaya.

He hugged me back. At nararamdaman ko ngayon ang paghigpit ng yakap niya sa'kin.

Teka, parang may kakaiba. Bakit ganito? Bakit ganito pakiramdam ko? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Am I inlove? Wag naman sana.. May mahal na ako eh..

Bell rings.

Next class na. At hanggang ngayon, pinapakiramdaman ko pa rin ang tibok ng puso ko. Buti naman at normal na.

Napatingin ako kay Calyx. Nakikinig lang siya kay teacher habang katabi si Kim. Di ba okay na kami? Pero bakit hindi siya sa tabi ko umupo?

Jealous?

No. Hindi ah. Kanino naman ako magseselos? Kay Kim? Hell no!!

Mabilis pa lang tumakbo ang oras kaya ngayon, uwian na. Ang bilis naman yata? Mag-aalas tres palang kaya? Nagtataka ako pero wala na rin akong nagawa kundi lumabas na lang din ng classroom. Ayaw kong maiwan noh! Mamaya sa'kin pa magpakita yung multo. Takot kaya ako sa multo.

Pumunta muna ako sa locker ko para kunin ang English book ko. May assignment daw kasi kami. Di ko naman alam kung ano yun dahil hindi naman ako pumasok.

"Ang sigla mo na ngayon ah." Napatingin ako kay Audrey na nasa tabi ko na. Kagagaling lang din kasi niya sa kanyang locker. "Mabubuo na ba ang Canella love team?"

"Anong Canella love team?" Ang korny talaga niya. Di ba yun yung dahon na inilalagay sa nilaga? Canella yun diba?

"Kaya siguro naka-smile ka ngayon nu? Ayiee!" Sundot niya sa aking tagiliran. "Namiss daw. May pakanta-kanta pang nalalaman."

"Teka nga Audrey, nakikiliti ako eh." Pag-iiwas ko ng aking katawan sa kanya kaya naman napatigil siya sa pagsundot sa aking tagiliran.

"Nanliligaw na ba yun sa'yo?"

Naliligaw? Hindi naman diba? Hindi naman siya nanliligaw diba?

"Hindi ah." Sabi ko sabay lock sa aking locker.

"Naku, wag mo nang patagalin. Kun ako sa'yo, oo na ako agad."

"Edi ikaw na."

Sabay na nga kaming lumabas ni Audrey patungong parking area. Ako, wala pa ang sundo ko eh siya, nandito na.

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon