Chapter 16

191 3 0
                                    

CHAPTER 16..

Yung ngiti niyang yun..

Parang iba ang pakiramdam ko..

May kaparehas ang mga ngiti niya..

Ngiti ng batang Caleb.

Caleb. Caleb na naman! Puro Caleb na lang ang nasa isip ko! Eh sa miss ko na siya eh. Yung lalaki naman kasi na yun eh, di pa magpakita sa'kin. Kumusta na kaya siya? May girlfriend na kaya yun? Di na ba niya ako nahintay?

"Hey Janella, are you okay?"

Nagising ako mula sa pag-iisip nang bigla siyang magsalita. Hays, nawala sa isip ko na siya pala ang kasama ko. Naman kasi eh, si Caleb ang nasa isip ko.

"Y-yes. I'm okay." Sa totoo lang, I'm not okay kung alam mo lang sana.

Teka, nangyari na 'to eh..

Naalala ko na! Naalala ko na kung saan ko siya unang nakita. Dun sa main gate! Oo tama, una ko siyang nakita sa main gate. Papunta ako sa office ni tito nun eh. Kaya pala familiar siya sakin.

Bigla namang nagring ang kanyang cellphone kaya agad niya itong sinagot.

"Oh?.. Sinabi ko na ngang wag niyo na akong hintayin eh.. Magpapasundo na lang ako kay Baron.. Oo na tutal hinintay niyo na ako.. Oo nakalabas na ako."

Yan lang ang narinig kong sinabi niya sa kausap. Nakita kong ibinaba niya ang kanyang telepono.

"Uhm.. Sige una na'ko. Salamat ulit." Sabi ko sa kanya at maglalakad na sana ako kaso pinigilan niya ako kaya ako'y kunot noong napalingon sa kanya.

"Sandali, may sasabihin ako." Sabi niya habang hawak pa rin ang braso ko dahilan upang ako'y napatigil kanina.

Pagkahawak niya sa'kin, parang may naramdaman akong kakaiba. Sparks? Hindi yun spark. Ba't naman magkaka-spark? Basta, kakaiba..

"Janella."

"Uhm?"

"May sasabihin ako sa'yo." Pag-uulit niya sa kanyang sinabi kanina. "Pero sabihin mo munang yes.." Muling kumunot ang aking noo. "Sabihin mo na." Pagpipilit niya sa'kin.

"Ayoko nga. Baka tinitrip mo lang ako ah.." Ayoko ko ngang sabihing yes baka trip niya lang ako ngayon. Ayaw ko pa namang inaasar ako. "Ayaw kong sabihin."

"Sige na, yes lang naman eh." Muli na naman niyang pilit sa'kin.

Hay, sige na nga! Pero kung ako naasar, humanda siya sa'kin.

"Yes."

"Magkaibigan na tayo, ha?" Nakangiti niyang sabi. Tss, yun lang naman pala eh! "Sinabi mo nang yes kaya simula ngayon, magkaibigan na tayo."

I just nodded at him. Wala naman na akong magagawa eh.

Sabay na nga kaming pumunta sa parking dahil simula ngayon magkaibigan na kami. Ay hindi pala kami magsasabay dahil iba ang parking area nila.

Naku, kawawa naman itong kotse ko, siya na lang ang natira dito. Wala na kasing tao dito tsaka dumidilim na kasi. At ako na lang talaga ang natira dito. Tsk, ang hirap din palang madetention.

Habang nasa daan ako pauwi, naalala ko si Calyx. Hindi ko akalaing ang leader ng Savior Kings.. Ang leader ng kinamumuhian kong dance group ay magiging kaibigan ko. Hindi ako fangirl pero ayun na nga kaibigan ko na siya ngayon. Does it mean, magiging fangirl na ako simula ngayon? Pero ayoko!

Bakit kaya niya ako kinaibigan, noh? Siguro may binabalak siyang masama sakin. Naku, mabubugbog ko yun pag nagkataon.

Beep. Beep.

Nandito na pala ako sa bahay at hinihintay ko na lang na pagbuksan nila ako ng gate.

Ang tagal!

Beep. Beep.

Sakto namang palabas na si Dawn para magtapon ng basura kaya siya na ang nagbukas ng gate para sa'kin.

Pagkapark ko nitong kotse sa garahe, lumabas na ako. Di naman kasi pwedeng sa loob ng kotse na lang ako mananatili.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay kaso..

"Janella!"

Napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ni Dawn ang aking pangalan.

"Saan ka pala nagpunta? Hindi na kita nahintay. Sorry ah, akala ko kasi nauna ka nang umuwi eh."

Lumapit ako sa kanya at sinabi kung ano ang nangyari.

"Nadetention ako." Bulong ko. "Wag kang maingay ah.. At wag mo ring sasabihin kay Lola tsaka kay nanay Eva. Ayaw kong mapagalitan."

Inilagay niya ang hintuturo niya sa tapat ng kanyang labi at iginalaw niya ito mula kaliwa pakanan as a sign na moutzipped na talaga siya. "Hindi ako magsasabi."

"Hoy, kayong dalawa anong pinag-uusapan niyo diyan? May pabulong-bulong pa kayong nalalaman diyan, ha! Pasama sa secret niyo!"

Pareho kaming napalingon ni Dawn kay manang Cita. Katatapos niya lang sigurong magdilig sa garden.

Nagtinginan naman kami ni Dawn tsaka sabay na tumawa pero isang tawang mahina lang.

"Secret nga eh." Saba na naman naming sabi na parang inaasar pa si manang.

Pagkatapos nun, pumasok na kami sa loob. Aakyat na sana ako sa taas papunta sa room ko kaso nakita ako ni Lola. Nasa living room pala siya at parang may binabasang libro. Ba't di ko siya napansin kanina?

"Andito ka na pala."

Wala akong nagawa kundi ang bumalik upang makaharap siya. Nagmano muna ako sa kanya tsaka ako umupo.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka pumunta?" Strikto niyang tanong sa'kin.

"Ah.. Kasi.." Naghahanap ako ng aking ipapalusot pero parang wala naman yata akong maisip. "Lola.. K-kas---" Pero di pa man ako natapos sa pagsasalita ay pinutol na niya agad ang aking sasabihin.

"Nadetention ka?" Tanong niya.

Sasabihin ko ba ang totoo?

Brain speaks! Hwag na, mapapagalitan ka lang eh. Mag-isip ka na lang ng idadahilan mo. Minsan lang naman 'to eh. Ngayon ka lang naman magsisinungaling.

Tama! Kahit kailan talaga, tama ang sinasabi ng aking utak.

"Ano po.. Lola kasi a--"

"Alam kong nadetention ka." Pagpuputol na naman niya sa dapat kong sasabihin. Seryoso siya ngayon. Tss, alam pala niya eh, nagtanong pa. Tsk, sino kaya ang nagsumbong? "Kaya grounded ka for one week and that's my decision. My final decision."

"Ano po?" Napatayo ako dahil sa gulat eh kasi hindi ako makapaniwalang grounded ako.

"Are you deaf, Janella? As what I've said, your grounded for one week." Pag-uulit niya.

Nganga. Tumayo na si Lola at iniwan na niya akong nakanganga dito. First time ko yatang maground. Tsk! Ang dami kong first time sa araw na 'to! Una, detention policy. Pangalawa, ang umuwi ng late at pangatlo, ang maground kay Lola.

One week grounded! Makakaya ko kaya?

"The Goddess Nerd Story"
-by jamilah_jam

*Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE!

Thanks for reading!!

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon