Chapter 15

209 3 0
                                    

Chapter 15..

Pumasok na nga ako dito sa detention room. Nakakapanibago lang dahil sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang madetention. Ganito pala ang pakiramdam. Nakakatakot na di mo maintindihan. Nakakatakot sa paraang mag-isa lang ako rito.

Two hours. Dalawang oras akong mananatili rito. Dalawang oras akong made-detention. Akala ko isang oras lang eh pero humabol pa si Ms. Gomez, ang science teacher ko. Ayan tuloy naging dalawang oras na.

Sana manlang may makasama ako rito.. Sana..

Napatingin ako sa may pintuan nang biglang bumukas iyon.

Thanks God! You're the answer to my prayer!

Umupo siya sa kabilang sulok nitong room.

"Kanina ka pa ba dito?" Bigla niyang tanong sakin.

"Hindi naman.. Medyo kararating ko lang din."

Nagditch din kaya siya tulad ko? Malamang Janella, nandito na nga siya diba?

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para tanungin siya kung nagditch rin siya kaya lang naunahan ako ng aking hiya.

"Akala ko ba, ayaw mong i-break ang rule?" Nakita ko siyang ngumiti. Ngiting mapang-asar nga lang. "Nagditch ka para lang matulog? Tss, iba ka rin eh noh?"

"Hindi nga ako nagditch. Gusto mo ba akong asarin?" Inis kong sabi sa kanya.

"Na-ah! Eh kung ganun, ba't ka nandito?"

"Eh ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko na tila ibinalik sa kanya ang kanyang tanong sakin kanina.

"Malamang nagditch din ako kagaya mo." Tss, sinabi na ngang di ako nagditch eh!

"Bakit ka naman nagditch?"

Ilang segundo pa ang lumipas bago niya sinagot ang aking tanong.

"Hinanap kita."

Nabigla ako sa kanyang sinabi at tila di ako makapagsalita ngayon dahil sa aking narinig. Hinanap? Hinanap niya ako? Tama ba ang narinig ko? Kung ganon, bakit naman niya ako kailangang hanapin?

"Bakit? Bakit mo ako hinanap?"

"Gusto ko lang. Ayaw ko ba? Dapat pa nga magpasalamat ka sakin eh. Kasi kung hindi ako nagditch malamang wala kang kasama dito." Seryoso at diretso siyang sabi sa'kin. Tss, ganyan ba talaga siya?

Ibubuka ko na sana ang aking bibig pero naunahan niya ako.

"Kung gusto mong matulog, dapat nag-excise ka na lang na masakit ang ulo mo para di ka dapat nandito."

Napatawa naman ako sa kanyang sinabi pero hindi ko na ipinakita sa kanyang tumawa ako. Concern ata siya sa'kin. Nag-suggest na nga, huli naman tsaka turuan ba naman akong magsinungaling?

Ngumiti ako dahil sa aking naisip.

"Ganun ginagawa mo?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Hoy, hindi ah!" Agad naman noyang sagot. "Tss, ba't ba kasi sa auditorium mo pa naisipang matulog?"

Napawi ang ngiti sa aking labi dahil sa kanyang tanong. Sasabihin ko ba sa kanyang nilock ako ni Kim sa auditorium? Kaso baka saktan niya si Kim o baka kung ano ang gawin niya sa kanya. Basta ayaw ko ng gulo pero siya na rin ang nagsabing di niya kaibigan si Kim diba? Kaya okay naman sigurong sabihin ko sa kanya.

"Uy!" Usal niya ng hindi ko siya agad nasagot.

"Ah, kasi di naman talaga ako nagditch eh. Nilock kasi ako ni Kim sa auditorium. Hindi ko naman mabuksan yung pinto kahit anong gawin ko kaya ayun natulog na lang ako. Akala ko nga, di na ako makakalabas dun eh."

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now