Chapter 3

329 15 0
                                    

CHAPTER 3..

Napabangon ako ng di oras dahil sa kanina pang kumakatok sa pinto.

Sh!t!! Istorbo ng tulog! Di ba niya alam na miss na miss ko na 'tong room ko? Kung pwede lang sanang dito na lang ako maghapon eh.. Tss.. I badly miss this room.. I miss everything in here lalong lalo na itong bed ko.

Binuksan ko nga ang pinto habang kinukusot-kusot pa ang mga mata ko. Eh kasi naman eh, gusto ko pang matulog.

"Kakain na daw po.."

Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya.

Nagnod na lang ako as my answer. Po? Oh my god Dawn! Hindi pa ako matanda noh! Magkasing edad lang kaya tayo!..

Alam naman niyang ayaw ko yang 'po' eh.. Ngayon ko lang kaya narinig na tinawag niya ako na may po.

Naghilamos lang ako ng mukha tsaka ako bumaba.

"Good morning ny dear cousin!" -masiglang bati sakin ni kuya Sid.

"Why are you here?" -tanong ko pagkaupo ko sa upuan.

Sa pagkakaalam ko kasi, umuwi na siya kagabi ah..

"Dito ako natulog kagabi. Didn't you miss me? Parang ayaw mo naman yatang nandito ako ah.." -sabi niya habang isinusubo ang kanin.

"Nasaan si lola?" -tanong ko ulit.

"Umalis na.. May business meeting daw. Ang tagal mo naman kasing bumaba.. Syangapala, salamat sa pasalubong ah.. Haha andami nun!"

"Welcome." -tipid kong sagot

Wow adobo! I miss this food.. This is my favorite food! I guess, luto 'to ni nanay Eva.

"Bilisan mong kumain dyan.. May lakad tayo.."

Tiningnan ko lang si kuya at nagpatuloy na ako sa pagkain.

-*-

"B-bat mo ba ako dinala dito?" -tanong ko sa kanya.

"Para naman gumanda na yang aura mo. Tingnan mo nga yang mukha mo sa salamin.. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa.. Pang biyernes santo pa.." -he answered.

Nabitin kaya ako ng tulog. Si Dawn naman kasi eh, ginising ako..

Naglibot-libot lang naman kami ni kuya Sid dito sa mall. Kung may nagugustuhan man, binibili na namin.

Namiss ko 'to.. Yung dalawa lang kaming nagsho-shopping. Magkapareho kasi kaming mapili eh. Kung ayaw na namin, ayaw na..

Puro tinginan naman ang mga tao sakin. Yung iba, kitang kita na naiinggit na sila. Lalong lalo na ang mga babae. Well, I'm a model and this is how I walk. It's not my fault if I have a long legs na gustong-gustong hawakan ng mga lalaki..

"Before I forget, last enrollment na pala ngayon." -sabi niya sakin

Tinignan ko naman siya ng 'Eh-ano-naman-sa-ngayon' look. Kami na nga ang may-ari ng school di ba? Kailangan ko pa bang mag-enroll? Magsasalita na sana ako kaya lang biglang nagring ang phone niya.

Sinagot naman niya ang tawag kaya napahinto kami sa paglalakad.

"Ok.. Ok.. I'll be there in 5 minutes. Bye."

"May lakad ako.. Ikaw na muna ang magdadala ng mga 'to." -sabi niya habang inilalagay ang mga paper bags sa tabi ko.

"Huh? I'm not your maid! Tsaka, di ba lakad natin 'to?" -reklamo ko..

"Sorry.. But my date kami ni Given..".

"Date?"

"May lakad kami but everytime na lumalabas kami, I consider it as a date."

"Kuya Sid nam---"

"Tawagan mo na lang si manong Peter. Bago ka umuwi, mag-enrol ka muna para na rin makita mo na si dad." -sabi niya tsaka niya ako iniwan.

Err! Kuya Sid naman eh! Bumalik ka na nga sa Sydney! Tama ba namang iwanan niya ako dito? Sana di na lang niya ako niyayang magshopping kung ganito namang iiwanan niya lang ako dito! Nagkulong na lang sana ako sa room ko.. KELVIN SIDNEY SALVATORE! NA-KA-KA-I-NIS KA!! ALAM MO BA YUN?? Errrr!!

Sa Sydney Australia kasi siya ipinanganak kaya dun nila kinuha ang pangalan niyang Sidney. GRrrr!! Naiinis talaga ako sa kanya! Mas inuna pa talaga niya ang date niya kaysa sakin ha..

Kinuha naman ni manong Peter ang mga pinabili kanina ni kuya Sid. Wala pang 15 ninutes, nandito na siya ah.. Buti naman at on time siya kundi baka nangalay na ako dito kakatayo..

Dumaan muna kami ng pansit, isang cake rolls at isang bucket ng chicken joy sa jollibee bago kami pumunta sa Save U. Nagdecide kasi ako na isurprise si tito. Di pa rin kasi kami nagkikita mula nung umuwi ako. Kaya dinalhan ko siya ng paborito niyang pansit-bihon.

"Thank you po manong Peter."

Bumaba na nga ako ng sasakyan. Huminga ako ng malalim tsaka ko itinaas ang mga kamay ko na para bang pinapakiramdaman ang hangin.

I miss Philippines so much! Yun nga lang, di pa rin siya nagbabago. Matraffic pa rin. Napatingin naman ko sa paaralan sa harap ko. Buti pa ang Savior University, nagbago na. Mas lalo na siyang gumanda.

Kinuha ko naman na ang binili naming pagkain na kanina pang bitbit ni manong Peter.

"Ako na lang po.. Hintayin niyo na lang po ako dito baka matagalan po kasi ako sa loob." -sabi ko habang nakangiti.

Pumasok na nga ako sa loob ng Save U bitbit ang binili namin kanina ni manong Peter.

"Hey miss, you need help?" -tanong ng isang lalaki sakin. Well, gwapo naman but it's not the time para magpantasya.

Ganito din yun eh nung una kong nakilala so Caleb.

[Flashback]

"You need help?" -tanong niya.

"Yeah, sure." -sabi ko kaya naman kinuha na niya ang trolley bag ko at siya na ang nagdala. At ngayon, sabay na kaming naglalakad palabas ng school gate.

"Sabrina, you're beautiful."

"Sabrina is not my name. I'm Janella Sabrine."

"Whatever. I want to call you Sabrina. That's final. No buts.."

Wow. Ang bossy ha..

"Janella!"

Liningon ko ang tumawag sakin kaya huminto ako sa paglalakad pati na rin siya..

"Oh, my yaya is here na.. Thank's for helping me."

"You're always welcome." -he said with a wide smile on his face. Kinuha ko naman na ang bag ko sa kanya.

"By the way, what's your name?"

"Caleb!"

Someone called at him kaya di na niya nasagot ang tanong ko at tumakbo na siya palapit sa isang babae.

[End of FB]

We're just 8 years old nung una ko siyang nakilala.. Akala ko noon, di na kami maghihiwalay eh.. Ang akala ko we're destined to be together in the future. Tsk! Nakakainis si tadhana! Pinaghiwalay pa kami!

I miss Caleb.. I badly miss him..

"Hey miss, are you okay?"

Nagising naman ako mula sa other earth nang nagsalita siya. Nakatulala na pala ako sa kanya. Holy Sheet! Baka kung ano pang isipin neto!

Err! Darn this boy! Pinaalala pa niya ang taong miss na miss ko at gustong-gusto ko nang makita!

"N-no thanks.. I can manage.."

"Caleb!" -liningon niya ang tumawag sa kanya. Lumapit naman siya dun at iniwan na akong nakatayo dito.

Caleb? No.. no.. no Janella. You're just hallucinating.

Hallucination ko nga lang siguro yun kasi miss na miss ko na siya at siguro iba lang ang dinig ko..

A/N: [Hi readers:) Kung meron man, please do vote or comment kahit vote na lang masaya na ako dun. Xiexie:) Thanks:)]

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon