Chapter 17

186 3 0
                                    

Chapter 17..

Nandito pa rin ako hanggang ngayon sa room namin dahil hindi pa rin ako makalabas.

Napatingin ako sa relo ko. Mag-aalas nuebe na pala. Gabi na pero nandito pa rin ako sa Save U.

Teka, ano bang ginagawa ko rito? Ah, oo nga pala inilock na naman ako ni Kim dito.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto kaya agad akong tumayo. Hindi muna ako gumalaw hanggang sa maaninag ko na ang kanyang mukha. Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap.

"Caleb." Naramdaman ko ang mga kamay niyang yumakap sa likuran ko.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Ngayon na lang ulit kami nagkita sa hinaba-haba ng panahon kaya hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata dala ng kasiyahan.

"Don't cry my princess. I'm already here." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "I miss you, Sabrina." Kumalas siya sa pagkakayakap sakin tsaka niya ako hinalikan sa noo. "I badly miss you, Sab."

Napatingin ako sa mga mata niya. Hindi pala ako napatingin kundi napatitig na. Ang ganda ng mga mata niya at hindi ko inakalang brown eyes pala siya. Ngayon ko lang yun napansin.

"Miss na miss na rin kita Cale--CALYX?"

Bigla akong napabangon. Hay, panaginip lang pala yun. Ang weird. Pero bakit ganon? Bakit biglang naging si Calyx si Caleb? Ang weird talaga! Bakit nagkaganun?

"Hwag mo naman masyadong ipahalata na crush na crush mo si Calyx." Nakatingin ako sa may pintuan at dito ko nakita si Kuya Sid na ngiting ngiti.

Nakakapagtaka lang dahil naka-lock itong kwarto ko kagabi pero bakit niya nabuksan? Paano niya nagawa iyon?

"Hoy babaeng may gusto kay Calyx, hindi kaya nakalock itong kwarto mo."

Teka, mind reader na ba siya? Nabasa niya agad ang nasa isip ko? Ang galing naman. Pero kahit mind reader siya o ano man ang kakayahan niya, hindi ko yun lubos na pinansin dahil nagsisimula na naman siyang mang-asar.

Binato ko nga siya ng unan dahil nainis ako sa mga ngiti niya.

"Hoy magaling kong kuya, hindi ko crush si Calyx. Like eww! Ako? Magkakagusto dun? Noway!" Nakakainis siya! Umagang-umaga, nambwi-bwisit! Bakit ba siya nandito?

"Hindi raw. Eh kulang na lang marinig ng mga kapitbahay ang pagsigaw mo ng Calyx eh." Ngiting-ngiti niyang sabi.

Isinigaw ko ba talaga yun? Akala ko ba sa panaginip ko lang yun? Tss, nakakahiya!

Wala akong nagawa kundi ang mapakamot na lang sa aking ulo.

"Wala ka pa bang balak magbihis diyan? 7:15 na oh! Mahirap pa namang maglakad kung di na kita mahintay." He said seriously tsaka niya linisan ang aking kwarto.

7:15? Halla! Late na!

Agad naman akong nagbihis. Pagkababa ko, nagdiretso na agad ako sa kusina. Si Kuya Sid naman, nakapang dekwatrong upo habang nakangisi siya sa'kin. Wow naman, ang sweet niya. Hinintay pa talaga niya ako para lang magkasabay kaming kumain.

Kukuha palang sana ako ng kanin nang bigla siyang magsalita.

"3 minutes." Sabi niya tsaka siya tumayo at lumabas ng dining area.

Tss, nagkamali pala ako. Akala ko hinihintay niya akong kumain. Hindi pala.

Gutom ako at gusto ko sanang kumain ng kanin kaso ayaw ko namang maiwanan. Grounded pa naman ako ngayon. At wala akong gagamiting sasakyan.

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon