Chapter 1

504 12 0
                                    

CHAPTER 1..

"Caleb.."

"Caleb wag mo naman akong iwan oh.." -sabi ko habang nagpipigil ng luha. Nakahawak pa rin ako sa kamay niya ngayon. Ayaw ko siyang bitawan.

"Caleb.. Imulat mo ang mga mata mo.. Malapit na tayo sa hospital."

Nasa loob kami ng ambulansiya ngayon matapos ang aksidenteng iyon. Di sana nangyari 'to sa kanya eh! Ako dapat ang nasa kalagayan niya!

"I.. love.. you.. Sabrina.. Goodbye.." -sabi niya habang pinipilit na iminumulat ang mga mata niya at hinahabol na ang kanyang hininga.

"Don't leave me Caleb.."

At ngayon, lumabas na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Caleb.. please lumaban ka.. malapit na tayo.."

"Caleb!"

Napabangon ako at nakita ko namang nakangiti sina mom and dad habang may hawak na cake. At ang nga katulong naman, kumakanta..

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday.. Happy birthday.. Happy birthday to you.. May you live long Janella.. May you live long Janella.. May you live long.. May you live long.. May you live long Janella.."

Hayy.. Panaginip lang pala yung nangyari kanina. Akala ko totoo na..

"Happy birthday my dear daughter." -dad said tsaka niya ako kiniss sa forehead.

"Blow your candle na.." mom said habang inilalapit niya ang hawak niyang cake sakin.

Napangiti naman ako sa kanila. Ngayon lang kasi sila present sa birthday ko. Usually kasi nasa work sila eh.

"Ah wait.. Have a wish muna." -mom said ng nakangiti.

Pumikit naman na ako. Wish? Ano bang wish ko? Okay. Ang wish ko sana magkita na kami ni Caleb. Sana magkaroon kami ng happy ending at sana hindi mangyayari ang panaginip na yun.

Iminulat ko ang mga mata ko tsaka ko hinihipan ang kandila. Ganun lang naman kasimple ang wish ko eh. Sana nga lang matupad. Umupo naman si dad sa tabi ko.

"We have a gift for you." -dad said.

"Alam naming magugustuhan mo 'to ng sobra." -pagpapatuloy ni mom.

Ano naman kayang gift yun at magugustuhan ko ito ng sobra?

"What is it mom?" -tanong ko naman.

"Your dad and I have decided na.." -tumingin si mom kay dad.

Tss. Nambibitin naman sila eh! Excited na kaya akong malaman kung ano ang gift nila sakin.

"Na?"

"Na dun ka na sa Savior U ulit mag-aaral.." -dad

"You mean, babalik na ako sa Pilipinas?" -tanong ko ulit. Parang di kasi ako makapaniwala eh..

"Ayaw mo ba?" -mom.

Ngumiti naman ako. Yung ngiting abot tenga. Gusto kong tumili pero nakakahiya naman yata. YES! Ito na ang matagal ko ng hinihintay.

Yinakap ko naman silang dalawa.

"Thanks mom and dad.. Nagustuhan ko po.. Sobra.."

Pagkasabi ko nun, kumalas naman na ako sa pagkakayakap sa kanila.

"Actually, bukas ka na aalis. Naasikaso na namin lahat magmula visa hanggang sa pagpapabook ng ticket." -sabi ni dad.

"Yaya, pack my things na.." -utos ko.

This is what I've been waiting for how many years! Sa wakas makakabalik na ako!

"Before that, let's eat breakfast muna.. Guess what, ako ang nagluto!" -proud na sabi ni mommy.

Tumayo naman na si dad tsaka lumabas ng room ko kasama ang mga katulong. Siguro magpre-prepare na sila sa dining area.

Tumayo na rin si mom at pati na rin ako. Si mom, once in a blue moon lang yan kung magluto. Workaholic yan eh..

I'm Janella Sabrine Salvatore Avista pala. Kilala niyo naman na siguro ako. Pero kung di niyo ako matandaan, just go back to prologue part. Andun ang description sa pagkatao ko.

-*-

Ngiting-ngiti akong umalis ng bahay. Kanina pa hindi maalis itong ngiti ko eh.. I'm just happy. This is my best birthday ever!

Parang ngayon nga eh naganahan yata akong umattend ng photoshoot ko. Syempre last na kaya 'to!

Pagkapark na pagkapark ko sa car ko, binuksan ko na agad ang pinto. Grabe sila ha.. Legs pa lang ang nakalabas, puro nganga na sila at puro napapatingin dito sa direksyon ko. Tsk! Tsk! Napatawa pa nga ako secretly kanina eh kasi yung isang lalaki, binangga ang isang poste. Iba kasi ang tinitingnan eh.

"Last pose miss Avista."

*Ka-chick*

Want to know more about me?

Ito na ang kinalakihan ko dito sa England. Ang pagmomodel and every pose you'll here the sound of the camera. Kaya lang parang nauumay na nga ako eh. Nakakasawa na ang ganitong buhay.

Buti na lang last na 'to! Finally! Babalik na ako sa Pilipinas! Hay, I miss Philippines so much! Buti naman at naisipan na nila akong pauwiin. Nakakasawa na rin kasi dito sa England eh.

Janella Sabrine Salvatore will be back...

The Goddess Nerd Story [Completed]Where stories live. Discover now