Chapter 25

186 3 0
                                    

Chapter 25..

Sabado.

Sabado na ngayon. Araw na ng kasal kaya lahat sila ay excited. Nagpre-prepare na nga sila para mamaya eh. Ako? Nandito lang sa kwarto.. nakakulong. Ayaw kong dumalo sa kasal. Gusto ko lang pumunta sa reception pero mamayang 6pm pa yun.

Kanina pa may kumakatok sa pinto ng kwarto ko pero ayaw ko siyang pagbuksan. Tss, pipilitin lang naman nila ako eh. Kaya ang ginawa ko nalang ay nagtulug-tulugan hanggang sa nakatulog na nga ako.

Sa pagkakaalam ko, 10 am silang umalis papuntang hotel. Dun daw kasi sila magbibihis. Kaya pakagising ko, mag-aala una na.

Tumingin ako sa aking orasan.

Matagal pa ang 6 pm. Matagal pa akong maghihintay ng oras dito.

Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Nakaramdam kasi ako ng gutom.

"Ma'am Janella, ba't andito pa kayo?" Tanong ng isang katulong. Si manang Linda ata 'to.

"Eh sa gusto ko eh.. ayaw kong pumunta sa kasal." Sagot ko sabay subo sa kinakain kong carbonara.

Hindi naman na siya nagtanong pagkatapos nun. Bagkus, bumalik na lang siya sa ginagawa niya sa dirty kitchen.

Nung mag-aalas singko na, nagsimula na akong nagbihis. Isinuot ko na ang gown na ipinatahi ni lola. Simpleng long gown lang naman na royal blue ang kulay. Umupo ako sa harap ng salamin. Naglagay ng mga accessories at siyempre, naglagay din ako ng make-up sa aking mukha.

Ayan, tapos na.. Pagtingin ko sa orasan, 5:30 na. Ready na akong pumunta sa reception. Ready'ng ready na.

Pagkalabas ko ng bahay, nagulat si yaya Flor. Nagdidilig kasi siya at nabitawan pa niya ang hose dahil sa pagkabigla.

"Ma'am J-Janella?"

"Yes, yaya Flor?"

"Saan po kayo pupunta? Tapos na po ang kasal."

Napataas naman ang aking kanang kilay sa kanya.

"Sa reception po. Sayang din naman kasi ang mga pagkain dun."

Pagkasabi ko nun, pumasok na agad ako sa kotse. Ini-start ang engine at pinatakbo ng dahan-dahan.

Wala pang 30 minutes ay nandito na ako sa reception. Nakakahiya naman kasi kay tito kung di ako pupunta dito sa kasal niya. Kahit sa reception manlang ay present ako diba? Ayos na rin yun.

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa rear mirror bago ako lumabas. Sa totoo lang, msganda ako ngayon. Hindi kasi ako mukhang manang ngayon. Syempre kasal 'to ni tito kaya hindi ko suot-suot ang mga pangnerd outfit ko. Si Janella Salvatore kaya 'to noh!

Pinaghandaan ko talaga ang araw na 'to. Plinano kong sa reception lang ako pumunta para ang alam ni Kim di ako umuwi. In short, guguluhin ko siya.

Ang daming bisita. For sure mga business partners nila ang mga 'to. May mga taga Save U rin.. mga friends siguro ni Kim.

Nginitian ko muna si tito Nel bago ako umupo sa sa tabi ni mom.

"Buti naman at naisipan mo ding pumunta." Nakangiting sabi sa'kin ni mommy.

"Syempre po, sayang naman kasi ang nga pagkain dito." Natatawa kong sagot.

"Ang ganda natin ngayon, ah!" Puri naman ni Kuya Sid. "You're gorgeous, Janella!"

"Syempre naman! Si Janella Salvatore kaya 'to noh!"

Kumuha ako ng pagkain. Bigla kasi akong nakaramdam ng gutom.

"So, kayo na ni Calyx?"

Bigla akong nasamid sa tanong ni tito kaya uminom ako ng tubig. Tiningnan ko ang mga reaksyon nila. Si mommy, nagulat. Si tita Ellice, nakangiti. Si kuya Sid naman, parang nagulat din at si tito Andy, hinihintay ang sagot ko.

"Calyx? Kayo na?" Gulat pa ring tanong ni kuya Sid.

"Hindi." Depensa ko naman. "Si tito talaga! Manliligaw pa lang naman yun. Pero yun nga, hindi ko pinayagan." Sabi ko sa kanila.

"Sayang anak, ba't di mo pinayagan?" Napatingin ako kay mommy. Dismayang-dismaya nga siya.

"Akala ko ba crush mo yun? Pakipot ka masyado!" Dagdag naman ni kuya Sid.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako muling nagsalita.

"Ayaw ko siyang umasa."

Alam ko namang magtatanong ulit sila kaya tumayo na ako. "Excuse me. Call of nature." Sabi ko at isinenyas ang washroom.

Umalis na nga ako dun sa table na yun. Si tito Andy talaga! Nag-open na nga ng topic, tungkol dun pa!

Pipihitin ko na sana ang door knob nitong comfort room pero may unang pumihit mula sa loob.

Nung bumukas ang pinto, palabas na si Kim. Nagkasalubungan tuloy kami. Parang nakakita naman siya ng multo. Sabi ko na eh, magugulat siya.

"J-Janella? S-Salvatore?" Nauutal niyang sabi.

"Yes?"

"I-Im K-kim.. Naaalala mo pa ba ako?" Siyempre naman noh! Hindi pa ako ulyanin. Tss, ikaw lang naman ang mortal kong kaaway simula noon.

Sikreto akong napangisi.

"Are you done?"

"Y-yes."

Lumabas na nga siya at tiningnan ang mukha sa salamin.

"Y-you are here pala. I thought  di ka uuwi." Sabi ko na nga eh, hindi niya inaasahang nandito ako.

"Syempre, wedding 'to ni tito." I smirked at her. "Syangapala, pwedeng pakibaba na ang trono mo sa Save U?"

Nagtaka siya sa sinabi ko kaya hindi siya nakasagot. Pumasok na nga ako sa washroom dahil hindi ko na kasi mahintay ang sagot niya eh.

"The Goddess Nerd Story"
-by jamilah_jam

Thanks for reading!!

The Goddess Nerd Story [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant