Chapter 30

224 3 0
                                    

CHAPTER 30..

"Bakit ka nandito?"

"Hoy! Ikaw dapat ang tanungin ko niyan! Bakit ka nandito, AUDREY?"

"Malamang binibisita ko ang bestfriend ko!"

"What?"

Sheezzz.. Ang ingay naman! Ano bang nangyayari?

Gusto ko sanang imulat ang aking mga mata pero parang may humihila sa'kin para muling matulog.

"How come that you are best friends with Janella? Sagutin mo ako Ms. President!"

"Find it yourself!"

"What??"

"What's happening here?"

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kasabay ng isang tinig na kay sarap pakinggan.

"C-calyx.." Narinig ko ang sabay nilang pagbanggit sa pangalan ni Calyx.

"Ano bang pinag-aawayan niyo dito? Ang lakas-lakas pa ng mga boses niyo! Paano na lang kung magising si Janella, ha?"

"Wait. Hindi kita maintindihan." Wika ni Kim na sa palagay ko ay litong-lito na nga siya. "Bakit ka nandito? Wag mong sabihing kaibigan mo si Janella eh ilang araw mo pa lamang siya nakilala."

"Pwede naman yun ah. Wala namang masama dun. Sa katunayan nga, girlfriend ko siya."

"ANO??" Sabay na naman nilang sabi na halos mabingi na ako dito sa lakas ng kanilang sigaw.

Bigla na lang akong napabalikwas at agad na napadilat ng mata dala ng kanilang ingay dito sa loob ng silid na ito.

"Ang ingay naman!" Inis kong saad sa kanila.

"Janella." Agad silang lumapit sa'kin at inalalayan naman ako ni Calyx umupo at isandal ang likuran ko sa headboard.

"Buti naman at gising ka na." Nakangiting sabi sakin ni Calyx.

Napatingin ako sa aking kamay. May nakakabit ditong maliit na tubo kung saan dumadaloy ang aking gamot.

Lumapit naman si Audrey at umupo sa tabi ko.

"Hey!" Saad niya sabay hampas sa kamay kong may nakakabit na dextrose.

"Aray naman!"

"Sorry.. sorry.. eh ikaw naman kasi eh. Di mo manlang sinabi sa'kin na kayo na ni Calyx." Pagpapatuloy niya. Nakanguso na siya ngayon at tila ba nagtatampo ang kanyang hitsura. "Ano bang klase kang best friend, ha? Palagi mo na lang akong pinaglilihiman."

Teka nga, sinagot ko na nga ba si Calyx? Parang wala naman yata akong naaalala. Basta ang naaalala ko lang ay siya si Caleb.. naaalala ko ang fireworks na may nakasulat na 'will you be my girlfriend'.. tapos yun na lang yun..

Agad naman akong napatingin kay Calyx.

"You mouthed yes bago ka mawalan ng malay." Sabi naman niya sa'kin.

"Yiee!! Kinikilig ako! Finally, kayo na!!" Kinikilig ngang saad ni Audrey sabay yakap sa'kin ng sobrang higpit pero agad rin siyang kumalas nang magsalita si Kim.

"Wait! Hindi ko kayo maintindihan!! Naguguluhan ako!!" Sabi ni Kim sa'min na sa tono ng boses niya ay parang naiirita siya na may halong pagkainis. "Gulong-gulo na'ko..."

Napansin ko ang paglipat niya ng tingin magmula sa'kin patungo kay Audrey.

"Pa'no kayo naging magbest friend?" Sabi niya tsaka inilipat ang tingin kay Calyx. "At pa'no naging kayo eh di ba si Janella Avista ang nililigawan mo?" Huminga siya ng malalim bago niya ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi. "Alam mo bang nagparaya na ako para lang mapunta ka kay Janella? Tapos ngayon malaman-laman kong kayo na ni Janella Salvatore? Niloloko mo ba ako Calyx?" Tuloy-tuloy niyang sabi na parang ang boses niya ay mababasag na. "I let you go dahil alam kong kay Janella ka sasaya pero bakit naging si Janella Salva---"

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon