Chapter 26

199 4 0
                                    

Chapter 26..

Four days past.

Apat na araw na pala ang nakalipas matapos ang kasal ni tito. Sa apat na araw na yun, tumigil na ang kasamaan ni Kim. Di na nga niya ako pinapansin eh. At sa apat na araw ring iyon, di na rin ako pumupunta sa tambayan. Mulakasi noong hindi ko pinayagan si Calyx na manligaw sa'kin, di na niya ako pinapansin.

"Ang tahimik naman yata." Napatingin ako kay Khaled na nasa tabi ko. "Silent ka pala. Pareho kayo pero may pagkadaldal yun. Mas madaldal pa nga siya kaysa sayo eh."

Ayan na naman po siya sa sinasabi niyang kambal ko.

Dahil busy si Audrey, si Khaled muna ang kasama ko ngayon. Pagtitiisan ko muna siya.

Dumaan muna kami sa locker ko bago kami pumunta sa cafeteria.

"Alam mo, siguro kung alam niyang ayusin ang buhaghag niyang buhok, magkamukha na kayo."

"Ano na nga ulit ang pangalan ng bestfriend mo?" Tanong ko.

"Cathnice."

Nasa hallway nakami ngayon. Naglalakad habang siya kwento lang ng kwento tungkol kay Cathnice.

Nakita ko si Kim atsaka si Calyx. Mukhang makakasalubong ko sila. Nakita kong nakapulupot ang kamay ni Kim sa braso ni Calyx. Tss, akala ko ba ayaw niya kay Kim?

"Sila na pala.. nabalitaan mo na ba?" Tanong sa'kin ni Khaled. Napansin yata niyang nakatingin ako sa kanila.

"Hindi pa nga eh. Kailan pa?"

"Noong martes."

Walang hiyang Calyx! Akala ko ba gusto niya ako? Maya pagita-gitara pa siyang nalalaman noong isang araw tapos ngayon sila na pala ni Kim. Ang akala ko ayaw niya kay Kim tapos ngayon malalaman ko na sila na pala. Leche! Ano ako? Napaglaruan lang?

Kaya pala di na niya ako pinapansin kasi may Kim na pala siya. Teka nga lang.. eh bakit ako yata ang nasasaktan dito?

"Nagseselos ka? Mahal mo nuh? Kaya lang.. may Caleb ka na."

"Mahal? Hindi nuh! Eh ano naman sakin kung sila na? Wala naman akong pakialam sa kanila!" Saad ko sa kanya. Parang dine-deny ko sa kanya na mahal ko si Calyx. Mahal ko na nga ba talaga?

"Yan tayo eh. Nagsisisi tayo sa huli." Sabi niya saka niya ako nilampasan.

Di ko siya maintindihan.. di naman ako nagsisisi eh. Nagsisisi nga ba ako?

---

Uwian na pero wala pa rin si manong Peter dito sa parking area. Nasaan na kaya yun?

Pagkatapos ng ilang minuto, ma humintong sasakyan sa harap ko. Bumukas ang bintana ng sasakyan sa may passenger seat.

"Miss Janella, di pi ba kayo uuwi?"

Ah, si manong Bebong pala. Pumasok na nga ako sa loob ng sasakyan. Kay lola pala itong sasakyan na ito? Siguro bagong bili niya. Hindi ko kasi 'to napansin kaagad dahil parang iba kasi.

"Si manong Peter po?"

"Naku ma'am nasa airport pa po yun. Hinatid kasi si ma'am Trina kanina."

"Ah ganun ba? Okay."

Naalala ko si Dawn ng malampasan na namin ang kanyang paaralan.

"Si Dawn pa po."

"Nasa bahay niyo na po ang batang iyon." Sagot niya agad sa'kin.

Wala pang eight minutes, nakarating na kami kaagad dito sa bahay. Ang bilis naman yata.

"Ang bilis ah! Maganda pala 'tong sasakyan ng tito Nel niyo ma'am." Masaya niyag sabi bago siya bumaba.

The Goddess Nerd Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon