Music #68

546 32 21
                                    

Yoongi's Music

Music #68



Third Person's POV:


Tahimik na lumabas ng bahay nya si Jana at naglakad papunta sa kotse nya noong umagang iyon. Pero hindi pa man sya nakakasakay doon ay nabigla nalang sya nang makita si Yoongi na mag-isang nakatayo sa harapan din ng apartment nya.

"Omo" ang nakangiting sambit nya nang makita ang kaibigan. "Omo, why are you here?"

Saka sya masayang naglakad papalapit dito.

Pero hindi man lang ito natinag mula sa kinatatayuan nito.

Ang mas ipinagtataka pa nya ay ang sobrang lamig na emosyon sa mga mata nito habang nakatitig lang sa mukha nya. Ni hindi man lang ito nagsalita nang tuluyan na syang nakatayo sa harapan nito.

"Yoongi?" ang pukaw nya dito.

Pero hindi nya inaasahan ang mga sumunod na mga mangyayari.

Nakaramdam nalang sya ng pagkataranta nang biglang sumulpot mula sa likuran ni Yoongi ang isang grupo ng mga pulis na iyon at bago pa man sya makapag-protesta ay agad na syang pinusasan ng mga ito.

Agad naman syang natatarantang napalingon kay Yoongi na hindi parin natitinag mula sa kinatatayuan nito.

"Y-yoongi..." ang natataranta na nyang sambit. "Y-yoongi, ano 'to?!"

Pero isang malamig at walang emosyon na mukha lang ang isinagot nito sa kanya bago ito nagsalita.

"Sige" he said in that cold voice. "Ikulong ninyo ang babaing yan"

Mabilis naman syang nagpumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ng mga pulis habang natataranta parin napapalingon sa direksyon ni Yoongi.

"Y-yoongi!" ang nanghintatakutan nyang sigaw. "Why are you doing this?! Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to---"

Pero natigil ang kung ano mang sasabihin nya nang mahuli ng mga mata nya ang babaing yun na mag-isang nakatayo lang sa tabi ng kotse ni Yoongi na nakapark lang sa malapit. Nakatingin ito sa kanya habang tahimik itong umiiyak mula sa kinatatayuan nito.

Si Sujin.

At nang makita nya ang kapatid ay para syang binuhusan ng malamig na tubig na bigla nalang naintindihan ang lahat.

Saka nanlalaki ang mga mata nyang napalingon sa mga malalamig at wala paring emosyong mga mata ni Yoongi.

At pakiramdam nya ay tuluyan na syang nanginig sa takot nang magsimulang magsalita si Yoongi gamit ang malamig na boses na iyon.

"Ang mga nangyari sa hotel noong gabing iyon..." ang simula ni Yoongi habang nagtatangis ang mga ngipin nya sa pinipigil na galit. "...ang gangrape na iniutos mong gawin ng mga kabarkada mo...ang maraming saksak na natamo nya nang dahil sa pagtangka ninyong pagpatay sa kanya...ang pagsira mo sa buhay nya...ang limang taon na pagkakasakit nya at yun ay nang dahil sa kagagawan mo...Kang Jana..."

He paused then his piercing cold eyes looked directly at Jana's pale face.

"...isa-isa kong sisingilin ang lahat ng iyon at sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan habang-buhay"

"Y-yoongi!" ang nanginginig na sigaw nya habang gapos parin sya ng mga pulis. "N-no! T-this is a misunderstanding! H-hindi ko magagawa yun! Hindi ko magagawa---"

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now